10/09/2026
September is
Kung minsan mo nang naisip sumuko, nakaligtas mula sa sariling laban, nawalan ng mahal sa buhay, natatakot mag-open up, o pakiramdam mo ay wala kang masabihan—para sa 'yo ang post na ito.
Minsan, ang pinakamahirap na parte ng pagsubok sa buhay ay 'yung pakiramdam na mag-isa ka lang at wala kang masandalan. Akala natin kailangan lagi tayong matapang at sabihin sa sarili na, "kaya ko na 'to." Minsan nakakahiya ring humingi ng tulong dahil iniisip natin na baka makadagdag lang tayo sa problema ng iba. Pero hindi 'yon totoo. Dahil ang totoo? Napakalaking ginhawa sa pakiramdam kapag may taong nakikinig sa 'yo, at mas magaan sa dibdib kapag hindi mo tinatago ang lahat.
At kung tayo naman ang pinagkatiwalaan nilang makarinig ng kanilang kuwento, ang pinakamagandang maibibigay natin ay ang makinig. Hindi natin kailangang mag-isip agad ng payo o idikta ang dapat nilang gawin. Sapat na 'yung iparamdam natin na nandito tayo para umunawa sa kanila nang walang husga. Hindi natin alam ang buong laban ng bawat taong nakakasalubong natin araw-araw.
Kaya sa mundong napakasama, piliin natin laging maging mabuti. Ang simpleng "Kumusta ka?" at ang pagiging mabuti mo ay pwedeng maging dahilan para piliin ng isang tao na magpatuloy. Maging liwanag tayo sa isa't isa, dahil ang kabutihan mo ay pwedeng makaligtas ng buhay.
NCMH Crisis Hotline (24/7):
• Landline (Toll-Free): 1553
• Globe / TM: 0917-899-8727 | 0966-351-4518
• Smart / Sun / TNT: 0908-639-2672