02/10/2025
๐๐ ๐๐ข๐ค๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฌ๐๐ซ๐
Ni Joshua Daรฑez
Sa nagdaang mga taon, ang katayuan ng mga g**o ay nanatili pa ring sentro ng usapin dahil sa madalas na pagbalewala sa kanilang mahalagang tungkulin. Bagamat taon-taon ginugunita ang araw ng mga g**o upang bigyan sila ng pagkilala sa ilalim ng Republic Act No. 10743, hindi pa rin nito matatakpan ang katotohanang hindi nila nakukuha ang sapat na pagtanaw.
๐๐ฎ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป
Sa kasalukuyan, marami pa ring mga g**o ang umaasa sa dagdag na pasahod dahil hindi na nito kayang tugunan ang kanilang pangangailangan at kagustuhan. Gaya na lamang ni Sir Jeric isang public school teacher at part time college instructor.
"Mahirap ang buhay dito sa Pilipinas. Hindi sapat ang iisang trabaho lang. Kailangan kumayod para mapunan ang mga pangangailangan at para rin ma-satisfy ang ilan sating mga kagustuhan" aniya.
Ilang beses ng sinubukang ipasa ang mga panukalang batas na taasan ang sweldo ng mga g**o, ngunit patuloy pa rin ang pag binbin sa mga ito. Gaya na lamang ng panukalang itaas ito sa โฑ50,000 kada buwan, ngunit ito ay nasa committee level pa lamang. Kung kayat ang kanilang pagmamahal sa bayan at sa sinumpaang tungkulin na lamang ang nagsisilbing gasolina nila upang magpatuloy.
Pilit man ipagkait ang makatarungang pagkilala sa mga g**o, hindi pa rin nila magawang talikuran ang kanilang napiling landas. Isa si sir Jeric sa mga nagbalak na mangibang-bansa upang makahanap ng mas maayos na oportunidad.
"Maraming beses sumagi sa isip ko [ na mangibang-bansa ]. Nais kong kumita ng maluwag para madali kong maibigay ang mga pangangailangan ng aking pamilya. Hindi yung tipong kailangan ko pang mag-loan para lang matustusan ang mga biglaang pangangailan financially". Saad niya.
Sa bansa, umaabot ng 1,500 hangang 1,700 ng mga g**o ang napipilitang lisanin ang bansa upang makahanap ng mas malaking kita. Isang patunay na malaki ang kakulangan sa sistema na nakatuon sa pagpapabuti ng kapakanan ng mga g**o.
๐๐ฎ๐๐ฎ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ฎ
Hindi lingid sa karamihan, maraming g**o ang nakararanas ng doble-dobleng gawain. Sa halip na nakatuon lamang sila sa pagtuturo sa mga estudyante, marami sa kanila ay napipilitang gawin ang mga gawain na hindi saklaw ng kanilang trabaho.
Ayon sa IDInsight study, marami sa mga g**o ang nagbubuhos ng lakas sa ibaโt ibang tungkulin dahil sa kakulangan ng g**oโmula pagiging librarian hanggang guidance counselorโna nagpapabigat sa kanilang trabaho at nakakaapekto sa kalidad ng pagtuturo.
Bagamat may DepEd order na layong bawasan ang mga administrative task ng mga g**o, marami sa mga ito ay hindi epektibong naipapatupad. "Kagaya ngayon, wala namang nabawas sa mga ancillary tasks ko na batay sa guidelines eh hindi na dapat sa teaching personnels". Wika ni Sir Jeric na may bigat sa damdamin.
Dahil dito hindi lamang apektado ang mga g**o kundi pati na rin ng mga mag aaraal. "May ilan, oo, na nakakaapekto sa kalidad ng edukasyon ang stress at pagod dulot ng overload. Pero common sa mga g**o ay mga fighter. Kahit gaano kahirap, kahit gaano nakaka stress ang mga bagay-bagay eh sisikapin pa rin nilang maibigay sa mga mag-aaral ang deserving nilang serbisyo at kaalaman mula sa mga g**o", pahayag ni Sir Jeric na puno ng malasakit.
Dagdag pa rito, ayon sa Cerebro, ang mga g**o sa Pilipinas ay gumugugol ng hindi bababa sa 400 na oras kada taon sa paggawa ng trabaho na hindi binabayaran. Ang mga sirkumstansyang ito ay nagpapahiwatig na hindi madali ang maging isang g**o dahil sa mga patong-patong na bigat na kanilang pinapasan.
Ang mga dagdag pasakit na ito ang sumusupil sa nag aalab nilang pagmamahal sa kanilang napiling propesyon. Bagamat nais nilang maging bahagi sa paghubog ng kinabukasan, ang sistemang nakapailalim sa kanila ang siyang pumipigil sa pagsasakatuparan nito.
---
Sa pagkilala sa kanilang tungkulin at sakripisyo, hindi lamang dapat ito nakikita sa pagunita sa kanilang kabayanihan, kundi dapat nararamdaman din ang tunay na suporta na nararapat sa kanila. Mahalaga na mabigyan sila ng makabuluhang adhikain na hindi katulad sa mga nakasulat lamang sa pisara na madaling mabura.
๐ฐ๐ฐ๐ฐ
โ๏ธ | Joshua Daรฑez
๐ท | Rappler
๐ผ๏ธ | Angelica Edroso