09/08/2026
Santol Horror Story
Di kalayuan sa kubo ng lolo at lola namin sa bukid, may malaking puno ng santol. Napakaraming bunga. Niyaya ko ang pinsan kong si Allen na kumuha kami ng santol. Grade 3 ako noon.
Dahil ako naman ang mas matanda sa aming dalawa, ako ang umakyat sa puno. Si Allen naman ang nasa ibaba para pulutin ang mga santol na ihuhulog ko. Maya-maya, sumigaw siya. ‘Ate, bumaba ka. May santol sa ilalim ng damo. Soooobrraaaang lakiiiii!’ Hindi niya ako tinigilan, kaya bumaba ako para tingnan ‘yung tinuturo niya. Sinilip ko ang ilalim ng damo. WALA AKONG NAKITANG SANTOL. Pero ipinipilit niya na meron. Pero wala talaga akong nakita. May itinuturo siya pero hindi ko talaga makita. Nagdecide na kami na bumalik sa kubo dahil marami-rami na rin kaning nakuha.
Ilang minuto pa lamang ang nakalilipas nang makabalik kami sa kubo, sumigaw uli ang pinaan ko. Ang sabi niya. ‘Ate, wala akong makita. Ang dilim ng paligid.’ Tapos kumakapa-kapa siya sa paligid. Kinabahan ako. Tinawag ko ang Tita ko na nanay niya, na noon ay nagtatanggal ng mga damo sa taniman ng gulay malapit sa kubo.
Mula sa bukid, agad kaming umuwi. Malayo ang barangay namin sa ospital. Mahigit isang oras ang biyahe at hindi palaging available ang sasakyan papunta sa bayan. Sa albularyo pinatingnan ang pinsan ko. Ako ang nautusan na tawagin ang albularyo sa barangay namin. Namaligno raw ang pinsan ko. Nanuno. Sabi ng albularyo, kailangan ng isang bote ng gin, isang pirasong kendi, at isang pritong isda. Ang nasa isip ko noon. Ano ito, mag-iinom? Believe it or not, I saw kung paano nabawasan ang Lipps na kendi kahit walang gumagalaw, pati ang gin habang sinusuob ang pinsan ko.
Bumalik ang paningin ng pinsan ko, pero hindi ko na matandaan ang mga sumunod na nangyari. Ang alam ko, nadala siya sa doktor after matingnan ng albularyo pero after a few days, namatay ang pinsan ko. 😪ðŸ˜ðŸ˜ She was around 7 years old that time.
‘Yung lugar na tinataniman ng lolo ko sa bukid ay kilala sa pagkakaroon ng mga engkanto, maligno, ewan. Basta ‘yun ang sinasabi ng matatanda. Kaya kapag pupunta ako doon sa bukid, nilalagyan ng nanay ko ang aking bulsa ng dahon na Pasaw ang tawag, pangontra daw ‘yun sa mga hindi nakikitang elemento sa bukid. Dapat daw may dalang pasaw kapag pupunta doon ang mga bata. There wasn’t a time na pumunta ako sa bukid na walang Pasaw sa aking bulsa. It was also a wonder to me kung bakit ang Pasaw ay doon lang sa may neighborhood namin tumutubo. Wala doon sa bukid.
Ito ang naaalala ko sa tuwing nakakakita ako ng santol. Naririnig ko kung paano sinabi ng pinsan ko na may santol na sobrang laki sa ilalim ng damo. 😪 Pero wala talaga akong nakita. ðŸ˜