25/07/2025
TULOY-TULOY ANG MALAAN NA PAGLILINGKOD SA BAYAN AT MAMAMAYAN NG LUISIANA
July 25, 2025 (Biyernes)
Sa gitna ng patuloy na pag-ulan na dala ng nagdaang dalawang bagyong at , buong puso tayong nagpapasalamat sa ating Panginoon na hindi lubhang naapektuhan ang bayan ng Luisiana. Gayunpaman, dahil sa walang humpay na buhos ng ulan simula pa noong Martes, nag-ulat ang Barangay San Juan sa pamamagitan ni Kap. Ronnie Apor na may dalawang pamilyang kinailangang lumikas matapos masira ang kanilang mga bubong.
Ngayong umaga, agad nga nagtungo ang ating Punong Bayan Jomapher Uy Alvarez kasama ang MSWD Office, Team KASAMA, at PNP upang kumustahin ang kalagayan ng ating mga kababayang evacuees at personal na maghatid ng kaunting tulong mula sa pamahalaan. Nagbigay tayo ng relief goods at masarap na sopas na magsisilbing panandaliang ginhawa mula sa gutom at lamig na dulot ng panahon.
Ang ganitong mga hakbang ay patunay ng patuloy na pagtugon ng Pamahalaang Bayan ng Luisiana sa oras ng sakuna. Sa pakikiisa at malasakit ng bawat isa, patuloy nating maipapadama ang tunay na diwa ng bayanihan at malasakit sa gitna ng anumang pagsubok.