01/10/2025
True confessions #6
Hello po, ako po si O 30/F. Isang single mother sa isang 5 years old girl. Kwento ko lang po ang aking story about love and about being a single mother. Nakilala ko ang father ng anak ko, si P 31/M, wayback 2018 sa company kung saan ako nagwork. Bago sya noon habang ako pa 1 year na. Siguro nga love at first sight yung nangyari samin, since mabilis kaming nagkapalagayan ng loob. Ligawan phase? Siguro nasa 1 month lang tapos officially kami na. Sobrang gaan ng samahan namin. Hindi kami madalas mag away. Sobrang understanding nya. Kada buwan nag a out of town kami. Lagi kami naglalaan ng budget para dun. After a year nag decide kaming mag l*ve in. As in naayon lahat. Yung tasks namin, budget, nasa ayos.
Ongoing 2 years na kaming magka l*ve in nung dumating si B sa department nila. Bagong employee. Fast forward, may friend ako sa department nila at one day nagtanong sya sakin, “okay pba kayo ni P?” Nagtaka ako sa tanong nya. Sagot ko, oo bakit?. Tapos dun na sya nag open up. Sabi nya: “Eh kasi parang may something sila ni B.” Iba daw ang closeness nila. Halos lagi daw silang sabay mag lunch. Minsan nga sabay pa sila mag out. Honestly, wala akong napansing kakaiba kay P. Same parin sya mula nung una. Medyo busy nanga lang kami minsan pero wala akong nakitang kaduda duda. Hindi ko sya kinompronta. Bagkus nakiramdam ako. Pero sabi nga nila, walang sikretong hindi nabubunyag. Pag alam ni Lord na t*natar*ntado ka gagawa at gagawa sya ng paraan para malaman mo ang totoo…..
*continuation sa comment section
✨if you have story/confession to share, dont hesitate to share it to us. Your privacy will always be our prority. All posts/messages will be shared anonymously.