17/10/2025
โธป
BARANGAY TAGUGPO, LUPON- NAGHATID NG TULONG SA MANAY, DAVAO ORIENTAL
Naghatid ng tulong ang Barangay Tagugpo para sa mga kababayan nating labis na naapektuhan ng lindol sa Manay, Davao Oriental.
Ang mga donasyon ay personal na inihatid ni Punong Barangay Albert Magtana, kasama si Kagawad Eugene Ojendras at ilan sa ating mga masisipag na constituents ng Barangay Tagugpo, bilang pagpapakita ng malasakit at pagkakaisa para sa ating mga kaprobinsya.
Lubos ang aming pasasalamat sa isa sa mga may mabuting kalooban mula sa Barangay Tagugpo na kasalukuyang naninirahan sa Australia. Bagamaโt pinili mong hindi ipabanggit ang iyong pangalan, taos-puso kaming nagpapasalamat sa iyong kabutihang loob at suporta.
Gayundin, taos-puso ang aming pasasalamat kay Margie Pedohan Dunlop sa kanyang tulong at malasakit na ipinagkaloob para sa mga apektado ng lindol.
Pasasalamat din sa buong Konseho ng Barangay Tagugpo sa kanilang suporta, pagbibigay ng mga inuming tubig, at pagtulong sa paghahatid ng mga donasyon.
Nawaโy patuloy tayong gabayan ng Poong Maykapal at sama-samang malampasan ang mga hamon ng panahon.
Hangad namin ang inyong muling pagbangon at patuloy na pag-asa. ๐