
31/12/2022
PAMAHIIN SA NEW YEAR AY ISANG SHIRK “isang uri ng pagtatambal”
Ang Pangkalahatang pananaw ng mga pantas hinggil sa pamahiin (Superstitious Belief) ay kabilang sa Shirk (pagtatambal kay Allâh)!!
Sinabi ng Mahal na Propeta: ❝Ang TIYARAH (“pamahiin0 superstitious belief in omens) ay kabilang sa Shirk.”❞ Ang Hadith ay authentic ayon kay Shiekh Albani
Alalahanin na ang pamahiin (Superstitious Belief) ay kabilang sa paniniwala ng tao at kapag ito ay kanyang pinaniwalaan ng walang matibay na batayan ay nanganganib ang kanyang pananamaataya at nararapat na iwan dahil ito ay Shirk at Bid’ah.
Narito ang iilan sa pamahiin na ginagawa sa gabi ng new year
1. Paglukso ng ilang bese (12x) upang madagdagan ang iyong tangkad (height).
2. Pagsusuot ng polka dots o anumang may desinyong bilog upang maginhawa ang buhay.
3. Pagsagawa ng ingay upang ilayo sa masamang ispirito. Kabilang rito ang paputok (fireworks or crackers), torotot, pagpukpok ng kaldero pagpapa ingay ng sasakyan etc..
4. Lagyan ng pera ang bulsa at ikalat ang barya (coins) sa sahig o sa buong bahay.
5. Maghanda ng 12 na bilog na prutas bilang simbulo kaginhawaan tuwing buwan.
6. Kumain nang mga pancit o noodles bilang pampahaba ng buhay.
7. Pailawin ang buong bahay upang liliwanag ang bagong taon.
8. Bubuksan ang mga pintuan at bintana upang maganda ang maging kapalaran.
9. Hindi maglalaba, hindi maghuhugas ng pinggan at hindi rin magsusuklay upang malayo sa masamang kapalaram.
SINUMANG MUSLIM NA GUMAYA NITO, KATUNAYAN SIYA AY NAKAGAWA NG TATLONG PAGKAKASALA:
A. Nakagawa ng Shirk
B. Nakagawa ng Bid’ah
C. Panggagagaya sa mga hindi Muslim sa kanilang Selebrasyon.
📚 Sinulat at inipon ni Shiekh Zulameen Sarento Puti (Hafidhahullâh)
_______________
🔎 (FaceBook | Twitter | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)