05/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐โ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐. ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
Patuloy na inilapit sa mamamayan ng Brgy. Katipunan ang libre at dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng Mabungahon Mโlang Integrated Health Services Program at PhilHealth Yakap Caravan na pinangunahan ng RHU Mโlang.
Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng Barangay Katipunan sa pangunguna ni Punong Barangay Joelito Tayco, katuwang ang Barangay Health Team, mga health workers, at lahat ng nakiisa upang maging matagumpay ang aktibidad na ito.
Nagpahayag naman si Konsehal Albert Santos, Committee Chairman on Health ng taos-pusong pasasalamat sa patuloy na suporta sa mga programang pangkalusugan para sa mga Mโlangeรฑo. Binigyang-diin din niya na ang mga serbisyong ito ay para sa lahat, walang maiiwan sa mga programang inilaan para sa mga M'langeรฑo.
Sa patuloy na suporta nina Mayor Dok Awing Abonado at ng 22nd Sangguniang Bayan ng Mโlang, nananatiling prayoridad ang mga programang pang kalusugan.