01/05/2026
LATHALAIN | ๐๐๐ฐ๐ข๐ฌ ๐๐ญ ๐๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฉ
Hindi nagsisimula ang araw sa Maasim sa pagsikat ng arawโnagsisimula ito sa pangangailangan. Sa pagitan ng dilim at liwanag, may mga yabag nang nagmamadali, may mga kamay nang abala, at may mga pusong matagal nang gising para sa panibagong laban. Dito, ang paggawa ay hindi lamang bahagi ng araw-araw na buhay; ito ay tahimik na pakikibaka para mabuhay, para magtaguyod, at para mangarap sa kabila ng isang sistemang hindi laging patas.
Sa buong mundo, ang Araw ng Paggawa ay hindi lamang selebrasyon kundi alaala ng pakikibakaโng mga manggagawang nagmartsa, nagprotesta, at nag-alay ng buhay upang ipaglaban ang makatarungang sahod, maayos na kondisyon sa trabaho, at karapatang pantao. Sa Pilipinas, nananatiling buhay ang diwang ito, lalo na sa mga komunidad tulad ng Maasim, kung saan ang paggawa ay hindi romantikong ideya kundi konkretong realidad ng pagod, kakulangan, at patuloy na pag-asa. Sa bawat manggagawang bumabangon araw-araw, muling isinusulat ang kahulugan ng paggawaโhindi lamang bilang tungkulin, kundi bilang tahimik na paglaban para sa dignidad.
Para kay Roxanne Legaspi, ang pagtitinda sa kalsada ay hindi lamang simpleng kabuhayanโito ay pangako sa kinabukasan ng kanyang anak. โNaningkamot ko sa akong trabaho kay naa koy anak nga ginapa-eskwela og college. Bisan lisod ug kapoy, padayon gihapon ko, kay tanan nako nga paningkamot, para sa iyang kaugmaon.โ Sa kanyang tinig, mararamdaman ang lalim ng sakripisyoโisang ina na handang tiisin ang init, pagod, at kawalan ng katiyakan para lamang matiyak ang edukasyon ng kanyang anak. Ngunit sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, ang bawat araw ng pagtitinda ay nagiging mas mabigat na laban.
Kasama niya sa lansangan si Erwin Taborada, na naniniwalang ang pagod ay bahagi lamang ng proseso tungo sa pangarap. โKung mag-business ka, dili nimo dapat hunahunaon ang kapoy. Para sa ako, kinahanglan mag-work hard ug dili gyud mawalan og pag-asa, kay kabalo ko nga maabot ra gihapon nako ang akong mga pangarap.โ Ang kanyang paniniwala ay sumasalamin sa diwa ng maraming Pilipinoโmasipag, matiyaga, at may pag-asang hindi basta nawawala. Ngunit sa isang sistemang hindi pantay ang oportunidad, ang sipag ay hindi palaging sapat.
Sa loob ng isang convenience store, si Maria Flor Lastimoso ay humaharap sa ibang uri ng pagodโhindi lamang pisikal, kundi emosyonal at sistemiko. โUsahay daghan kaayo og problema sa trabaho, labi na sa mga customer complaints nga lisod kaayo i-handle ug i-please. Dili man issue ang kapoy, pero ang sakit lang sa part kay dagko kaayo mi og tax, unya naa pay uban nga dili qualified sa subsidyโmurag unfair lang usahay, pero padayon gihapon kay mao man ni ang responsibilidad.โ Ang kanyang salaysay ay sumasalamin sa mas malawak na hinaing ng mga manggagawaโang pakiramdam na nagbibigay nang higit kaysa natatanggap, sa isang sistemang hindi pantay ang balik.
Sa kalsada, si Rey, isang tricycle driver, ay patuloy na bumabagtas sa parehong ruta araw-araw, ngunit hindi na pareho ang kanyang kinikita. โTungod sa pagsaka sa presyo sa gasolina, naapektohan gyud among kitaโusahay kulang na kaayo para sa adlaw-adlaw nga pangkonsumo, ug naa pay mga adlaw nga igo na lang gyud pang gasolina.โ Sa kanyang kwento, makikita ang malinaw na epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolinaโisang krisis na direktang tumatama sa mga nasa impormal na sektor, na walang sapat na proteksyon o subsidiya.
Sa loob ng isang tindahan, si Randol Catibula ay kumakatawan sa mga minimum wage earners na patuloy na naghahanap ng dignidad sa kanilang trabaho. โAko si Randol Catibulaโฆ gusto ko lang maintindihan ng mga customer na ginagawa namin ang lahatโฆ sana may pag-unawa rin sa amin. Hindi man kalakihan ang trabaho at minimum lang, ipinagmamalaki ko pa rin itoโฆโ Ang kanyang tinig ay paalala na ang paggawa ay hindi lamang tungkol sa sahodโito ay tungkol din sa respeto, pagkilala, at pag-unawa.
Sa opisina ng munisipyo, si Arlene Dialawe ay nakakahanap ng lakas sa kabila ng pagod. โSa totoo lang, lahat naman ng trabaho nakakapagod, pero kapag love mo โyong ginagawa mo, parang hindi mo na masyadong naf-feel โyong pagodโฆ pamilya ko talaga โyong nagpapalakas ng loob ko para magpatuloy.โ Sa kanyang karanasan, ang trabaho ay nagiging mas magaan dahil sa layuninโngunit hindi nito binubura ang katotohanang marami pa ring manggagawa ang nahaharap sa limitadong sahod at benepisyo sa pampublikong sektor.
Sa ospital, si Letlet Dinopol ay tahimik na naglilingkod sa paraang madalas hindi nabibigyang-pansin. โKahit may mga araw na parang nilalagnat na ako sa pagod, pinipilit ko pa rin kayanin, dahil sa huli, lahat ng sakripisyo ko ay para sa pamilya ko.โ Ang kanyang trabaho ay maaaring simple sa paningin ng iba, ngunit sa realidad, ito ay mahalagang bahagi ng sistemang pangkalusuganโisang sistemang umaasa sa dedikasyon ng mga manggagawang tulad niya.
Samantala, si Cintia Montes, isang public health nurse, ay araw-araw na humaharap sa mas mabigat na katotohanan. โBilang nurse sa isang rural area, hindi madali ang araw-arawโฆ gusto mong iligtas sila pero kulang ang gamit at kakayahan ng ospitalโฆ halos hindi ka na makakain o makainom, pero kailangan mo pa ring magpatuloy.โ Sa kanyang kwento, lumilitaw ang mas malalim na isyung panlipunanโang kakulangan sa pasilidad, kakulangan sa tauhan, at ang bigat ng responsibilidad na dinadala ng iilang manggagawa sa sektor ng kalusugan.
Sa Maasim, ang paggawa ay hindi lamang simpleng hanapbuhayโito ay salamin ng isang lipunang patuloy na kumakapit sa sipag at tiyaga ng mga manggagawa, kahit na ang sistema ay hindi palaging kumakampi sa kanila. At sa bawat araw na silaโy bumabangon, dala nila hindi lamang ang bigat ng trabaho, kundi ang pag-asang balang araw, ang kanilang pawis ay tutumbasan din ng hustisya.
โ
(Terrence Jay Lapiz, Junryll Bacera, Xena Xyrine Corneja, Zyryn Layahin, Rhyne Avery Baring)