09/07/2026
Kung may time ka basahin mo naman tong narealize ko netong nakaraan 😅
Nung Linggo habang nagdadrive ako(Isang Sikat na Freeport Zone sa Pampanga), may nakasabay ako sa kalsada na pamilyang naka-sasakyan. Napansin ko masaya sila nagtatawanan habang nasa sasakyan. (Yung scene na nakita ko halos kapareho nung Picture sa baba yung damit lang nag-iba siyempre)
Tapos lumiko ako sa kanto at naghiwalay na Daan namin nung pamilya na yon, dun naman sa kanto na yon napansin ko may isang pamilya din na naglalakad lang galing sila dun sa baryo nila (Malapit dun sa Freeport Zone, kung taga Pampanga ka siguro alam mo tong Place na sinasabi ko). Masaya sila habang naglalakad at naglalaro sa sidewalk yung mga bata. Simple lang sila siguro di naten masasabi na mahirap sakto lang siguro sa itsura nila.
Napaisip ako estado ba naten sa buhay ang totoong mahalaga? Or mas mahalaga na Masaya, Buo ang pamilya at NakakapagBonding? Kasi Pareho Masaya yung dalawang pamilya even though di pareho nangyayari at Estado nila sa buhay nila. Ang pinagkapareho lang nila is Magkakasama sila ng Pamilya nila at may mga ngiti sa mukha nila.
Siguro hindi tayo nahuhuli o napag-iiwanan may tamang Landas lang siguro si Lord saten at di naten alam na ang totoong Blessing at success is yung Masaya tayo sa kung ano meron tayo at kung ano pa ang dadating.
Share ko lang po hehe Sunday Morning kasi to nung nakita ko at narealize ko, Gusto ko lang Ikwento sa inyo narealize ko nung nakita ko at narealize ko 😄 Pa-follow, pashare at pa ❤️ react na din po Maraming salamat po