06/11/2025
PAANO BA ANG MAGING MASAYA SA BUHAY?
May sikreto dβyan: inuugali iyan. Sapagkat ang kaligayahan ay desisyon, hindi kondisyon. Gawin mong ugali ang maging masaya. Nasa atin ang kapangyarihang linangin ito sa araw-araw, at nade-develop ito sa pagsasanay. Isipin mo ang lahat ng mga bagay na dapat mong ipagpasalamat sa Diyos, at pagbulay-bulayin mo iyon sa buong araw. Ang tunay na saya ay hindi hinahanap kundi ipinagpapasalamat. Kapag may negatibong kaisipan na pilit pumapasok, paalisin mo agad at palitan ng positibo at masayang pananaw. Ang tapat na malasakit at kabaitan ay kayang maghatid ng tunay na kaligayahan. Kung kasama mo ang Diyos, hindi mo kailangang hanapin ang saya pagkat Siya mismo ang dahilan. Kaya huwag mong isipin na hindi magiging maganda ang araw na ito. This is the day that the Lord has made! Rejoice and be glad in it.
Ctto