04/09/2026
2018 was my biggest decision when I quit my job and focus on what I really loved, tech, gaming and creating video.
High school palang ako mahilig na ako magdocument ng kung ano ano sa buhay ko, maglaro at mangalikot ng gamit.
it was super fun, nageenjoy ako sa ginagawa ko, I dont have expensive gear, lahat ng gamit ko dati DIY, part of it kaya nakilala yung channel, naaalala ko pa noon nanghihiram pa ako sa kapatid ko ng phone para magvideo kasi hindi maganda yung camera ng phone ko, luma na kasi and yet I am happy everytime may nauupload ako.
I also remember my first ever brand sponsorship, ang realme, di ko makakalimutan yan dahil sila yung unang nagtiwala sakin, hindi ko rin maintindihan yung nararamdaman ko noon, kinahabahan na masaya, kasi finally ito na medyo may nakakakita na sa akin na brand.
Isang experience din na never ko makakalimutan kapag nagshshoot ako tagaktak yung pawis ko kasi hindi ko sinisindi yung fan kasi maingay, wala rin pambili ng aircon that time kasi nga hindi pa talaga kumikita, every line magiistop ako para magpunas ng pawis kaya minsan yung 10 minutes na video umaabot ako ng 3-4 hours sa shoot dahil sa kakahinto para magpunas ng pawis.
fast forward, nagstart na kumita yung channel ko sa YouTube, brands are finally reaching out for partnership and paid collaborations, meeting new friends sa industry and so on.
kompleto na ng gamit pang shoot, may magandang camera, lighting, naka split-type na aircon may magandang phone BUT,
seeing this video na ginawa ko dati, parang nawala yung saya, yung excitement, yung enjoyment sa ginagawa ko, I dont know, factor ba na parang trabaho nalang siya, repetitive at may restrictions.
I mean how can I go back sa masayang ako, sa walang inaalang ako, kahit na kulang ako ng gamit, kulang ng resources, masaya ako, don't get me wrong ah, kung nasaan man ako ngayon super thankful ako kay God at masaya parin naman ako, pero parang iba lang kasi yung saya ko dati, baka naman factor narin na tumanda na, nagmature na? nagbabayad na ng bills? π
How I wish I could still be the Poy I was before.