11/10/2025
Alam mo, minsan nakakalungkot, nakakagalit, nakakapanghina..
Ano na kaya ang nangyayari sa bansa natin?
Ang daming problema š..korapsyon, krimen, taas ng bilihin, mga taong nag-aaway. Sabay ng mga bagyo at lindol kabi-kabilang probinsya..
Minsan parang wala nang pag-asa, ādi ba?
Pero habang iniisip ko āyon, pinaalalahanan ako ni Lord:
āAng Panginoon ang aking ilaw at kaligtasan,
sino ang aking katatakutan?ā (Awit 27:1)
Na kahit gaano kadilim ang paligid,
Siya pa rin ang liwanag.
Kahit gaano kagulo ang mundo,
Siya pa rin ang may kontrol.
At alam mo, may ginagawa pa rin ang Diyos.
Tahimik man, pero gumagalaw Siya.
Sa puso ng mga taong muling bumabalik sa Kanya,
sa mga pamilya na natutong manalangin muli,
at sa mga kagaya mo ā na kahit pagod na, patuloy pa rin sa pananampalataya.
Kaya huwag kang susuko, kapatid.
Oo, mahirap. Oo, magulo.
Pero hindi pa tapos ang Diyos sa Pilipinas. šµš
May pag-asa pa.
At baka ikaw mismo,
ang ginagamit Niya para ipakita āyon sa iba.