MNews: The Mabalacat Weekend News

MNews: The Mabalacat Weekend News Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from MNews: The Mabalacat Weekend News, Media/News Company, 333 Mango Street , San Francisco, Mabalacat.

LGU Mabalacat, Namahagi ng Financial Assistance sa Board Examinees October 6, 2025Bilang tulong sa mga kabataang Mabalac...
07/10/2025

LGU Mabalacat, Namahagi ng Financial Assistance sa Board Examinees

October 6, 2025

Bilang tulong sa mga kabataang Mabalacat na naghahanda para sa kanilang licensure exams, ang Lokal na Pamahalaan bg Mabalacat City, sa pangunguna nina Mayor Hon. Gerald Aquino at Vice Mayor Hon. Jun Castro, sa pamamagitan ng City Youth Development Office (CYDO), ay namahagi ng tig-P5,000.00 financial assistance sa 50 Board Examinees ngayong araw sa Jade Hall, Xevera Tabun.

Kasama rin sa programa ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod na nagpapaabot ng pagbati at inspirasyon sa mga benepisyaryo. Sa kanyang mensahe, binati ni Mayor Aquino ang mga examinees at muling tiniyak ang suporta ng LGU sa kabataang Mabalaqueño.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng CYDO’s Mabalacat City Youth Development Plan 2023-2025, sa ilalim ng Center of Participation in Education, patunay ng malasakit ng lungsod sa edukasyon at kabataan.

Sa lahat ng future professionals: Naniniwala sa inyo ang inyong lungsod. Proud kami sa inyo. YOUth got this!

Happy Teachers Day!Sa lahat ng ating masisipag at dedikadong g**o—isang taos-pusong saludo po sa inyo!Bilang mayor perso...
03/10/2025

Happy Teachers Day!

Sa lahat ng ating masisipag at dedikadong g**o—isang taos-pusong saludo po sa inyo!

Bilang mayor personal kong naunawaan ang sakrispisyo, tiyaga, at pagmamahal na ibinubuhos ninyo sa bawat estudyante.

Ang Teacher’s Day ay hindi lang pagdiriwang, ito ay pagkilala sa inyo bilang tagapagturo, tagagabay, at tagapaghubog ng kinabukasan.

Naniniwala po ako na ang education ay isa sa pinakamahalagang puhunan ng isang tao at ng isang bayan. At sa puso ng edukasyon ay naroon kayo, ang ating mga g**o.

Ang edukasyon ay isang karapatang pantao na nakasaad sa ating Saligang Batas, at kayo po ang katuwang ng pamahalaan sa pagtupad ng karapatang ito para sa bawat Pilipino. Naniniwala ako na ang edukasyon ang susi sa pagbabago, pag-unlad, at pag-angat ng bawat isa sa atin.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang paglilingkod. Kasama ninyo ang lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng dekalidad at makabuluhang edukasyon para sa lahat.

Mabuhay kayo, mga g**o!
Happy Teachers’ Day!

—Mayor Gerald Aquino

Flag Ceremony sa Mabalacat City Pinangunahan ng Assessor’s OfficeMabalacat City—Setyembre 29, 2025Isinagawa ang regular ...
30/09/2025

Flag Ceremony sa Mabalacat City Pinangunahan ng Assessor’s Office

Mabalacat City—Setyembre 29, 2025

Isinagawa ang regular na flag ceremony ng Pamahalaang Lungsod ng Mabalacat noong Setyembre 29, 2025 sa harap ng City Hall. Pinangunahan ito ng Assessor’s Office sa pamumuno ni Gng. Socorro S. Valerio, katuwang ang mga kawani ng kanilang opisina.

Dumalo sa seremonya sina Mayor Gerald Aquino, Vice Mayor Jun Castro, at mga miyembro ng Sangguning Panlungsod, na patuloy na nagbibigay suporta sa mga programa ng lokal na pamahalaan.

Sa kanyang maikling mensahe, binigyang-diin ni Mayor Aquino ang kahalagahan ng “service with a smile “ para sa lahat ng kawani ng gobyerno. Aniya, mahalaga na ang bawat serbisyo publiko ay may kasamang malasakit at maayos na pakikitungo sa mamamayan.

Proposed Market Value ng Mga Real Property sa Mabalacat City, Isinusulong

Mabalacat City-Setyembre 29, 2025

Matapos ang flag ceremony, nakapanayam si Gng. Socorro S. Valerio ng City Assessor’s Office kung saan ibinahagi niya ang tungkol sa isinasagawang mga pagpupulong ukol sa proposed market value ng mga real property sa Mabalacat City.

Ang “Proposed Market Value “ ay isang panukalang halaga o presyo ng itinakda ng lokal na pamahalaan bilang batayan ng halaga ng isang ari-arian (real property) sa isang partikular na lugar, bago ito pinal na maaprubahan at ipatupad.

Ayon kay Gng. Valerio, ang kanilang opisina ay nagsasagawa ng teknikal na pagsusuri at konsultasyon ukol sa panukalang pagbabago sa market value. Inaasahan na ang finalization ng mga datos at rekomendasyon ay matatapos sa kalagitnaan ng Oktubre hanggang Nobyembre 2025.

Pagkatapos nito, magsasagawa ang kanilang tanggapan ng public consultation upang ipabatid sa mga mamayan ang mga pagbabagong isinusulong. Layunin ng hakbang na ito na maging patas, makatarungan, at transparent ang sistema ng pagtatakda ng halaga ng mga ari-arian ng lungsod.

Ipinaliwanag din ni Gng. Valerio na ang Sangguniang Panlungsod ay may mahalagang prosesong ito. Alinsunod sa Local Government Code of 1991 (RA 7160), ang SP ang may kapangyarihang aprubahan sq pamamagitan ng ordinansa ang panuklang Schedule of Fair Market Values.

Ang buong proseso ay layuning magkaroon mas makatuwirang pagtataya sa buwis sa ari-arian, batay sa aktuwal na lagay ng merkado, at upang matiyak ng pondo para sa mga serbisyong panglungsod na makikinabang ang buong komunidad.

400 Sako ng Bigas, Ipinamahagi sa Mga Biktima ng Bagyong Crising, Dante at Emong Agosto 6, 2025–Jade Hall, Mabalacat Cit...
06/08/2025

400 Sako ng Bigas, Ipinamahagi sa Mga Biktima ng Bagyong Crising, Dante at Emong

Agosto 6, 2025–Jade Hall, Mabalacat City—isang makataong hakbang ang isinagawa ng Mabalacat Public Market Vendors Association at Mabalacat Public Market Vendors Multi-Purpose Cooperative sa pamamagitan ng kanilang relief operation para sa mga kababayang nasalanta ng sunod-sunod na kalamidad na dulot ng Bagyong Crising, Dante at Emong. Umabot sa 400 sako ng bigas, tig-5 kilo bawat isa, ang kanilang naipagkaloob.

Sa ginanap na programa sa Jade Hall ng Mabalacat City, personal na tinanggap ni Mayor Atty Gerald Guttrie Aquino ang donasyon at tiniyak sa publiko na ito ay mapupunta sa mga tunay na biktima ng kalamidad.

“Rest assured, ang mga sako ng bigas na ito ay ipamamahagi sa mga nangangailangan sa tulong ng City Social Welfare Department Office sa pamumuno Ms. Josephine B. Tanglao. Lubos ang pasasalamat ko sa ating mga market vendors at cooperatiba na patuloy ang malasakit sa kapwa,” pahayag ni Mayor Aquino.

Panunumpa ng Bagong Sk Chairperson ng Barangay Cacutud

Sa parehong araw at lugar, isinagawa rin ang panunumpa sa tungkulin ni Hon. Merry Joyce P. Cunanan bilang bagong Sk Chairperson ng Barangay Cacutud, kapalit ng dating Sk Chairperson Patricia Acorda na ngayon ay nahalal bilang City Councilor ng Mabalacat City.

Ang panunumpa ay pinangunahan ni Mayor Aquino at kinatawan ng DILG sa harap ng dating Sk Chairperson Acorda at miyembro ng komunidad.

Tulong, Kahit may Kakulangan sa Pondo

Bagamat humaharap sa mga limitasyon sa pondo ang pamahalaang lungsod, hindi ito naging hadlang sa patuloy na pagbibigay ng serbisyong makatao at tuloy-tuloy na suporta sa Mabalaqueño sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Atty Gerald Guttrie Aquino. Kabilang sa mga pangunahing programang ipinagpapatuloy ng lungsod ang legal assistance, burial, financial aid, at medical assistance para sa kapus-palad nating kababayan. Sa kabila ng kakulangan sa pondo, naisakatuparan pa rin ito sa tulong ng malikhain at responsableng pamumuno ng alkalde, at sa matibay na ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ibat ibang sektor ng komunidad.

Suporta mula sa Urban Poor Federation

Kabilang din sa mga dumalo sa nasabing programa ang mga kinatawan ng Urban Poor Federation of Mabalacat City. Tinalakay ang mga programa ng lungsod para sa mga komunidad ng mga informal settlers, kabilang ang pabahay, hanapbuhay, at serbisyong medical.

Sa kabila ng mga hamon at kakulangan sa pondo, nanatiling aktibo ang ating pamahalaan, mga samahan ng vendors, at mga organisasyong sibiko sa pagbibigay ng tulong at pag-asa sa mamayan ng Mabalacat City.

BSKE Election: Ipapaliban sa Nobyembre 2026–COMELEC Chair Garcia Agosto 1, 2025–Maynila—Inihayag ni COMELEC Chairman Geo...
01/08/2025

BSKE Election: Ipapaliban sa Nobyembre 2026–COMELEC Chair Garcia

Agosto 1, 2025–Maynila—Inihayag ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na nakatanggap siya ng impormasyon mula sa Malacañang ukol sa pagpapaliban ng BSKE sa Nobyembre 2026.

Ayon kay Garcia, pipirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala sa Agosto 12, 2025 sa ganap na 2:00 ng hapon.

Tiniyak ni Garcia na handa ang COMELEC na umayon sa bagong iskedyul sakaling maganap na batas ang panukala.

Dialogo sa Macapagal Village ukol sa Clark Speedway Expansion Hulyo 31, 2025–Macapagal Village, Mabalacat City, Pampanga...
31/07/2025

Dialogo sa Macapagal Village ukol sa Clark Speedway Expansion

Hulyo 31, 2025–Macapagal Village, Mabalacat City, Pampanga

Isang dayalogo ang isinagawa sa covered court ng Macapagal Village sa halip na sa Mabalacat City Hall upang talakayin ang isyu ng 11 ektaryang expansion ng Clark International Speedway, na pinangangasiwaan ng Kilton Motor Corporation. Dumalo rito ang mga opisyal mula sa Clark Development Corporation (CDC), pamahalaang lungsod, at mga reaidente ng lugar.

Ipinunto sa pulong na hindi maapektuhan ang mga bahay ng mga residente sa ilalim ng lease expansion, at walang relokasyon o pagpapaalis na magaganap. Tiniyak ito ni Mayor Atty. Gerald Guttrie Aquino, Vice Mayor Jun Castro, mga city councilors, at mga opisyal ng CDC. Dagdag nila, manatiling status quo habang hindi pa nareresolba ang usapin.

Dumalo rin ang Barangay Council ng Macapagal Village sa pangunguna ni Punong Barangay Roy Crisanto Castillo, at mga residente ang nakibahagi sa talakayan upang makakuha ng malinaw na impormasyon.

Ang dayalogo ay natapos ng mapayapa, at may pangakong patuloy ang komunikasyon at pakikipagugnayan sa mga residente.

UPDATE SA BSKE 2025: Bakit Walang Banggit sa SONA? Marami po ang nagtatanong kung bakit hindi nabanggit ang BSKE sa SONA...
29/07/2025

UPDATE SA BSKE 2025: Bakit Walang Banggit sa SONA?

Marami po ang nagtatanong kung bakit hindi nabanggit ang BSKE sa SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Ang totoo po, ay may panukalang batas na inaprubahan ang Kongreso na naglalayong iurong ang BSKE sa Nobyembre 2026 at palawigin ang termino ng mga barangay at SK officials mula 3 taon tungo sa 4 na taon. Ngunit hanggang ngayon, ay hindi pa ito pinirmahan ni PBMM, kaya wala pa pong pinal na desisyon.

Dahil wala pang pormal na batas, hindi pa rin ito maituturing na opisyal. Kaya’t hindi rin ito nabanggit sa SONA. Nasa Malacañang na po ngayon ang desisyon kung ito’y pipirmahan o ibe-veto ng Pangulo.

Habang wala pang malinaw na direktiba, tuloy pa rin po ang serbisyo natin sa barangay. Hintayin po natin ang opisyal na anunsyo mula sa COMELEC o Malacañang.

23/07/2025

Kilalanin ang MNews: The Mabalacat Weekend News

Ang MNews: The Mabalacat Weekend News ay isang makabago at makabuluhang online news page na nakatuon sa pagbibigay ng totoo, napapanahon, at makataong balita tungkol sa kaganapan sa Lungsod ng Mabalacat.

Layunin naming iparating sa bawat Mabalaqueño ang mga mahahalagang impormasyon tuwing katapusan ng linggo-mula sa mga balita tungkol sa pamahalaan, serbisyong bayan, kalamidad, ayuda, kultura, at iba pang isyung lokal na may epekto sa ating komunidad.

Dito sa MNews, binibigyang-tinig ang bawat sektor ng lipunan. Makakaasa kayo ng balanseng pagbabalita, mapanuring pagsusuri, at matapat na impormasyon na maglilingkod sa ikabubuti ng ating lungsod.

Tumutok tuwing weekend para sa kabuuang ulat sa mga nagdaang kaganapan at mga dapat abangan sa susunod na linggo.

MNews: Balitang totoo, para sa mamayang Mabalaqueño!

Address

333 Mango Street , San Francisco
Mabalacat
2010

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MNews: The Mabalacat Weekend News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share