02/08/2026
Depluming Mites (Galis sa Balahibo):
Maliliit na parasito na nabubuhay sa ilalim ng balat at sa base ng mga balahibo. Dahil sa matinding kati, kinakutkot o binubunot ng manok ang sarili nitong balahibo, kaya ang natitira ay putol-putol na tangkay.
Pangunahing sanhi:
Kuto, Hanip, o Mites: Ang mga parasito na ito ay sumisipsip ng dugo at kumakain sa balat ng manok. Dahil sa matinding kati, kinakamot o tinutuka ng manok ang sarili kaya napuputol ang balahibo at ang natitira na lamang ay ang mga tangkay (feather shafts).