Hugot ni ding

Hugot ni ding simple

Amo Kaya ang sagot 🤔
24/10/2025

Amo Kaya ang sagot 🤔

What if tatakbo akong pagka Presidente sa 2028?
24/10/2025

What if tatakbo akong pagka Presidente sa 2028?

MARCOS, NANINIWALA NA BABALIK PA ANG TIWALA NG TAUMBAYAN SA ADMINISTRASYON NIYAUmaasa si Pangulong Bongbong Marcos Jr. n...
23/10/2025

MARCOS, NANINIWALA NA BABALIK PA ANG TIWALA NG TAUMBAYAN SA ADMINISTRASYON NIYA

Umaasa si Pangulong Bongbong Marcos Jr. na sa pamamagitan ng sapat na pagta-trabaho ay maibabalik pa niya ang tiwala ng taumbayan sa gobyerno.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Marcos na alam niyang nasa alanganin ang tiwala ngayon ng taumbayan sa gobyerno, ngunit sa pamamagitan ng pagiging tapat sa serbisyo ay maibabalik niya ito.

"Our people's trust in government has been shaken, we cannot deny it. But I am certain that trust can be regained if we remain transparent and true to our mission," wika ni Marcos.

Ano SA palagay nyo?  ゚  ゚
23/10/2025

Ano SA palagay nyo? ゚ ゚

🎉 Facebook recognised me for starting engaging conversations and producing inspiring content among my audience and peers...
22/10/2025

🎉 Facebook recognised me for starting engaging conversations and producing inspiring content among my audience and peers!

SUNOG NA NANGYARI SA DPWH BUILDING, NAGSIMULA UMANO SA NASUNOG NA COMPUTERIbinunyag ng Department of Public Works and Hi...
22/10/2025

SUNOG NA NANGYARI SA DPWH BUILDING, NAGSIMULA UMANO SA NASUNOG NA COMPUTER

Ibinunyag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nanggaling sa isang computer ang sunog na nangyari sa kanilang opisina sa Quezon City.

Ayon sa kanila ay sumabog umano ang nasabing computer na naging dahilan ng sunog.

"Initial findings indicate that the fire originated from a computer unit inside the Materials Testing Division that reportedly exploded," wika ng departamento.

Nangako rin ang DPWH na walang nasunog na dokyumento sa kanilang opisina na kaugnay sa flood control project anomaly.

"The DPWH confirms that no documents related to the ongoing investigation into the flood control anomalies were in the Bureau of Research and Standards (BRS) building that caught fire in Quezon City today," wika ng DPWH.

Ayon pa sa kanila ay ang nasabing opisina ay walang hawak na dokyumento na may kinalaman sa flood control.

"The DPWH BRS is responsible for the conduct of research, studies, pilot testing, and formulation of policies for government infrastructure projects," ayon pa sa kanila.

Kawawang Adamus 🤣🤣🤣
21/10/2025

Kawawang Adamus 🤣🤣🤣

SENATE PRESIDENT SOTTO, IPINAGMALAKI NA WALA SIYANG NATANGGAP NA DONASYON MULA SA MGA CONTRACTORIpinamagmalaki ni Senate...
21/10/2025

SENATE PRESIDENT SOTTO, IPINAGMALAKI NA WALA SIYANG NATANGGAP NA DONASYON MULA SA MGA CONTRACTOR

Ipinamagmalaki ni Senate President Tito Sotto na hindi siya tumanggap ng kahit anong donasyon mula sa mga contractor at sa ibang mga tao.

Ayon kay Sotto, mula sa kanyang mga kaibigan, kamag-anak at sa kanyang pamilya ang ginamit niya noong nakaraang halalan sa pangangampanya.

"Mabuti na lang wala akong ganun. Puro friends, relatives and hard earned self expenditures ng family..." wika ni Sotto.

Sinabi ito ni Sotto matapos ibunyag ng Commission on Elections (Comelec) na 24 na kontraktor ang nagbigay ng donasyon sa hindi bababa sa sampung kandidato, kasama na ang anim na senador noong nakaraang halalan.

Ugnayan ng Ina at Anak Sa sinapupunan, nagsimula ang lahat,Dalawang buhay, sa isa'y nagkakalat.Ina't anak, isang pusong ...
21/10/2025

Ugnayan ng Ina at Anak

Sa sinapupunan, nagsimula ang lahat,
Dalawang buhay, sa isa'y nagkakalat.
Ina't anak, isang pusong dalisay,
Pagmamahal na wagas, walang kapantay.

Sa bawat ngiti, sa bawat iyak,
Damayan at kalinga'y walang humpay.
Bisig ng ina, laging nariyan,
Upang protektahan, sa lahat ng paraan.

Anak na lumalaki, sa kanyang piling,
Mga pangarap, kanyang sinasalamin.
Ina'y gabay, sa landas ng buhay,
Sa hirap at ginhawa, laging kasama.

Ugnayan na kay ganda, kay tamis,
Pagmamahal na walang hanggan, walang patid.
Ina at anak, magpakailanman,
Sa puso't isipan, laging magkasama.

Inapi Sa mundo ng pang-aapi't kasakiman,Kung saan ang mahina'y laging talunan,May pusong nagdurusa't di makalaban,Sa mga...
20/10/2025

Inapi

Sa mundo ng pang-aapi't kasakiman,
Kung saan ang mahina'y laging talunan,
May pusong nagdurusa't di makalaban,
Sa mga mapanlamang, walang katarungan.

Bawat hikbi'y daing ng kaluluwa,
Bawat pasa'y tanda ng pagdurusa,
Ngunit sa likod ng luha't pagbata,
May pag-asang sisibol, magbibigay-laya.

Huwag mawalan ng pag-asa't pananalig,
Pagkat ang hustisya'y darating din,
Ang mga mapanlamang ay babagsak din,
At ang inaapi'y magtatagumpay rin.

Kaya't itaas ang noo, huwag matakot,
Ipaglaban ang karapatan, 'wag magpatakot,
Pagkat sa bawat pagsubok, ika'y lalakas,
At ang iyong tinig ay maririnig sa wakas.

20/10/2025

Ang buhay ay hindi tungkol sa paghihintay na lumipas ang bagyo,kundi tungkol sa pag-aaral Kung paano sumayaw sa Ulan.

Si Eugene ay ang pangunahing karakter sa Ghost Fighter, na kilala rin bilang si Yusuke Urameshi sa orihinal na bersyon n...
20/10/2025

Si Eugene ay ang pangunahing karakter sa Ghost Fighter, na kilala rin bilang si Yusuke Urameshi sa orihinal na bersyon ng anime na Yu Yu Hakusho. Siya ay isang Spirit Detective na may tungkuling protektahan ang mundo ng mga tao mula sa mga supernatural na panganib.

Ang kanyang pinaka-kilalang atake ay ang Rei Gun (Spirit Gun), kung saan kinokonsentra niya ang kanyang spirit energy sa kanyang hintuturo at pinapakawalan ito bilang isang projectile. Sa simula, limitado lamang siya sa isang shot bawat araw, ngunit sa paglipas ng panahon at pagsasanay kasama si Master Jerimiah nagagawa niyang magpakawala ng maraming shots at bumuo ng mga baryasyon nito, tulad ng "Shotgun".

Address

Brgy. Danao Mac-Arthur Leyte
MacArthur
6509

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hugot ni ding posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Hugot ni ding:

Share