Ayengel Online Shop

Ayengel Online Shop šŸ”„PROMOTERšŸ”„
ā¤ļøENGAGERā¤ļø
⭐STAR SENDER⭐

22/09/2025

How Can You Say
You Love Me?

Chapter One

Eksakto alas sais, sa parking lot Ng Isa sa pinakamalaking radio and television company at Nakita ni Daniel mula sa kanyang kotse na lumabas Ng building ang dalawang taong inaabangan. Si Philip Villaluz, controller and officer in charge Ng Radio broadcasting at si Nicole Gerona, advertising controller. Mag iisang lingo nang lihim na minamatyagan ni Daniel ang Dalawa,at nakapag tanung tanong na rin sa ilang mga taong katrabaho Ng mga ito. Tama ang hinala ni Beth , may panibago na namang babae sa Buhay Ng Asawa.
Si Beth ay ang kaibigan niyang matalik at itinuturing nang Kapatid. Nasa kolehiyo pa lamang Sila noon ---- Sina Philip, Beth at Daniel ---- ay Silang tatlo na ang magkakasama. Hindi man kahit kailan naging malapit ang dalawang lalaki .dahil narin kay Beth pero dahil sa malaking pagmamahal nito Kay Philip ay nagawa pa rin ni Daniel na pakisamahan ito Ng mahusay.
Noon pa man at bantog na si Philip sa pagiging palikero ngunit nagawa pa rin ni Beth na magpatangay sa udyok Ng damdamin kaya pumayag itong makipag live-in sa lalaki sa Davao . Mula noon Hanggang sa kasalukuyan, si Daniel pa rin ang takbuhan at hingahan ni Beth Ng problema nito sa pambababae ni Philip.
At Ngayon , panibagong babae ang kinalolokohan ni Philip, si Nicole. Napailing na lamang si Daniel, kailan Ka kaya magbabago , Philip? naisip niya. Sayang Ka, Miss Nicole Gerona . Maganda ka't matalino pero bakit nakuha mo paring manira Ng pamilya?
Binuhay niya ang makina Ng sasakyan nang makaalis na ang Dalawang lihim na pinagmamasdan ngunit sa pagkakataong iyon,Hindi na niya sinundan ang mga ito. Nagpasta na Lang siyang umuwi Ng Bahay at tawagan si Beth.
"So,you finally decided to appear," salubong Ng papa Ng binata, si Daniel Arcega Sr. " Baka Naman gusto mo nang mag-usap Tayo."
Noon lang niya naalala na nagbilin nga pala ang ama sa katulong na mag-usap Sila nito; Hindi niya pinansin dahil alam na niya kung tungkol saan na Naman iyon. "Papa, kung tungkol iyan sa pagtatrabaho sa bago ninyong kumpanya,Hindi kopo kayo mabibigyan Ng desisyon ngayon," aniya.
"It's still under negotiations, pero bakit? Mahirap bang desisyunan ang offer ko sa iyo?" Inis na Sabi Ng ama. " Hindi Ka pa ba nagsasawa sa kapapanhik mo ng mga bundok?"
Napangiwi si Daniel, alam na niya kung saan papunta ang tema ng usapan nilang mag-ama at sawa na siyang makipagtalo rito. Ang bagong kompanyang pinagkakaabalahan nito ay ang kasalukuyang pinapasukan nina Philip at Nicole. Kung saan, magagawan niya ng malaking pabor si Beth kung sakaling pumayag siya sa kagustuhan ng ama. Mababantayan niya si Philip at malalaman kung gaano kalalim ang Relasyon nito kay Nicole, maari rin na gawan niya ng paraan para maghiwalay ang dalawa. Subalit hindi niya magagawa iyon. Noon pa man ay hindi siya kahit kailan nakialam sa relasyon ng mga kaibigan. At kahit gustuhin man niya ay alam din niyang mawawalan iyon Ng kabuluhan dahil na rin sa malaking pagmamahal ni Beth Kay Philip.
"Excuse me, Papa, may importanteng tao na gusto kong tawagan at kausapin," Saad na lamang niya.
"Hindi pa Tayo tapos mag-usap, Daniel, at sino namang napakaimportanteng tao ang gusto mong kausapin? Si Beth na Naman?"
"If you must know, yes, Papa, but don't start telling me that I'm still in love with her."
"Bakit,Hindi na ba?"
"Hindi, papa. Matalik ko siyang kaibigan at kahit kailan ay Hindi naging higit pa doon ang pag titinginan namin sa isa't Isa," prangkang sagot niya.
"Alam mo, Anak, may nakita akong napakagandang babae na nagtatrabaho doon sa station, Yung advertising controller ----"
"Papa, please, alam naman ninyong may girlfriend na ako," putol kaagad niya. Kilala na niya ang babaeng tinutukoy ng ama. Ni sa guni-guni ay ayaw niyang ma involved sa katulad nitong homewrecker.
"Sino? 'yung girlfriend mong mestiza na maganda nga pero kulang Naman sa talino?" Panunuya pa nito.
Umiling iling na lamang si Daniel, tinalikuran na ang ama at nagpunta sa kuwarto niya para roon tawagan ang matalik na kaibigan. Hawak na niya ang receiver nang sumagi sa kanyang alaala si Nicole Gerona.
Tama ang ama, napakaganda nga Ng dalaga, sa katunayan magmula ng makita ito at humanga na siya rito. At Hanggang sa sandaling iyon ay Hindi parin siya makapaniwala na pumatol ito sa Isang lalaking may Asawa at mga anak na. Marahill kung Hindi ganoon ang sitwasyon, walang pag-aatubili niya itong liligawan at makikipag break siya sa kasalukuyang girlfriend.
Napabuntung hininga na lamang siya at inumpisahan na ang pagtawag sa telepono. Kaagad Naman sumagot sa kabilang linya si Beth na sadyang naghihintay Ng tawag mula sa kanya. Lumipas ang maraming Oras sa kanilang pag-uusap na Hindi nila parehong namamalayan.

SAMANTALA, kinabukasan sa opisina,natataranta na si Nicole sa paghahanap Ng pulseras na ibinigay sa kanya ni Philip. Coffee Break nila nang mapansing hindi niya iyon suot.
"Nicole,ano'ng problema? Kanina kapa paikut-ikot d'yan. May mawawala ka ba?" Tanong ni Coreen.
" Oo, ang pulseras ko," tugon niya habang panay ang paghahanap sa bag at drawer Ng kanyang table .
"Saan mo ba naiwan?"
"Hindi ko nga alam . Kaninang coffee break ko nga lang napansin na hindi kona suot."
"Siya, sige, huwag kang mag-panic, isipin mong mabuti kung kailan mo huling nakitang suot mo."
Nag-isip Naman si Nicole. Ang natatandaan niya ay suot pa niya pulseras nang umalis siya nang Bahay. Pag dating Ng opisina, sinalubong na siya ng mga problema sa trabaho kaya naging abala na siya.
" Sa ladies' room, baka nag punta ka doon kanina at inalis mo nang maghugas ka ng kamay," anito.
Umiling siya. "Magbuhat ng dumating ako'y Hindi pa ako nagpupunta doon."
"Teka, Hindi ba nag-meeting kayo kanina? Sa boardroom, baka Hindi molang napansin na nahulog doon."
Imposibleng nahulog ang kanyang pulseras nang hindi niya namalayan pero tumayo din siya kaagad para pumunta ng boardroom para magbakasakali.
Pag dating doon , dinatnan niya si Mr. Rosales at ang matandang lalaking ipinakilala sa kanilang si Mr. Daniel Arcega na may-ari ng malaking kompanyang interesadong makipag-merge sa kompanya nila. Maganda at maayos Naman daw ang merger at kung saka-sakaling matutuloy ay walang sinumang impleyado ang mawawalan ng trabaho, bagkus ay mas uunlad pa at gaganda ang benepisyo at sweldo ng lahat.
"Excuse me. I'm sorry, hindi ko ho alam na may tao pa pala dito," pagbibigay-paumanhin ni Nicole sa bigla niyang pagpasok sa silid.
"It's all right, Nicole. Halika, ipapatawag na nga sana kita," Sabi ni Mr. Rosales.
Lumapit siya sa dalawang lalaking nag-uusap habang patingin-tingin sa carpeted na sahig sa pagbabasakaling mamataan ang pulseras na nawawala.
"May hinahanap Ka ba , Nicole?" Tanong ni Mr Rosales.
"Ho? Wala ho, Sir," pagkakaila niya.
"Gustong Makita ni Mr Arcega ang list of advertisers na hawak ng kompanya natin these last two months. Can you provide us a copy?"
"Yes, Sir. Sandali at kukuha ako ng kopya."
"Pupuwede bang dalawang kopya ang ibigay mo sa akin?" Pakiusap ni Mr Arcega.
"Yes, Sir," magalang na sagot niya.
Pagkalabas niya at pagkabalik sa kanyang table at naroon parin si Coreen at naghahanap sa drawer at mga Gamit niya. "Ano? Nakita mo ba sa boardroom?" tanong nito.
"Ni Hindi nga ako nakapag hanap dahil nandoon pa Pala Sina Mr Rosales at Mr Arcega. Nautusan pa tuloy Ako."
"Hay naku, Nicole! kailangan mong makita ang pulseras mong iyon dahil sa Oras na malaman ni Philip na nawala iyon, lagot Ka."
"Oo na, Hindi mo na kailangan pang sabihin sa akin iyan. Pero kukunin ko muna Yung hinihiling sa akin ng mga Big Boss at baka pati trabaho ko'y mawala."
Updated at nasa ayos ang records at files ni Nicole kaya naibigay niya kaagad sa dalawang lalaki ang hinihingi ng mga ito. Ngunit bilang advertising controller, Marami pang mga tanong sa kanya si Mr Arcega kaya nawalan siya ng panahon para hanapin ang nawawalang purselas.
Maglu-lunch break na nang matapos ang kanilang meeting pero hindi man lang makaramdam ng gutom si Nicole dahil sa pag-aalala sa purselas na nawawala. Magkikita sila ni Philip at sabay manananghalian ; sigurado siyang mapapansin nito na hindi niya suot ang purselas. Ano ang sasabihin niya?
Habang naghihintay sa pagbubukas ng pinto ng elevator, panay ang ensayo niya ng mga linyang sasabihin at ikakatuwiran sa boyfriend. Pagkabukas ng pinto ng elevator, Isang lalaking nagmamadaling lumabas. Nabunggo siya nito kaya nabitawan niya ang bag na dala at sumabog sa lapag ang mga laman noon. Ni hindi man lang siya liningon ng lalaki upang humingi ng paumanhin.
"Ang bastos naman noon! Ni Hindi man lang nag excuse," inis na sabi niya habang pinupulot ang mga kagamitang nagkalat sa lapag. Dahil doon, nagsara na ang pinto ng elevator nang hindi siya nakasakay kaya kinailangan na naman niyang maghintay nang matagal sa pag balik niyon sa palapag nila.
Pag dating ng hinihintay na elevator at pagbukas ng pinto, pumasok agad si Nicole, kasabay ang lalaking nakabunggo sa kanya na nagmamadali na naman kaya muntik ulit siyang mabunggo.
Hindi siya kumibo at nagtimpi ng galit. Hinihintay niyang kusang humingi ng paumanhin ang lalaki ngunit ni Hindi man lang siya nililingon nito. Kung bakit naman panay ang tigil ng elevator sa bawat paglapag na dinaraanan nang walang sumasakay kaya lalong nairita si Nicole dahil panay rin pindot ng kinaiinisang lalaki sa buton na pampasara ng pinto .
"Ano ba naman klaseng elevator nayroin ang building na ito?" anito.
Hindi parin siya kumikibo at nagpipigil sa sarili na sumagot nang bigla na lang tumigil ang elevator.
"Ano na Naman!" bukas nito. "Nasira pa yata. Talagang minamalas Ako."
Sinunud-sunod nito ang pagpindot sa kulay p**ang buton na pang emergency call. Maghintay ito sandali, tiningnan ang oras sa wristwatch, sinulyapan siya at muling pinagpipindot ang buton na p**a.
"Hindi ko na siya aabutan, pabulong na sabi nito.
At dahil ayaw nitong tantanan ang kapipindot sa p**ang buton, Hindi na napigilan ng dalaga ang sarili, "Mister, please, huminahon kayo't maghintay, pwede ba?" pakiusap niya.
"Hindi Ako makapaghihintay! May hinahabol Akong tao!" galit at pasigaw Ng sagot nito.
"Aba, huwag Kang sumigaw at huwag ka sa aking magalit!" sabi niya na nagtaas na rin Ng boses.
"Hindi Ako nagagalit!"
" Alam mo, kanina pa ako napipikon sayo, ha! Binunggo muna ako kanina, ni Hindi ka man lang nag-apologized, ngayo'y akala mo kung sino kang-----"
"Binunggo kita?"
Mas lalo siyang nainis dahil parang hindi pa ito makapaniwala sa sinabi niya. "Huwag mong sabihing hindi mo alam?"
"Hindi, nag mamadali kasi ako."
Napangiti siya, ngiting nanunuya "Napakagandang excuse naman niyan. Saksakan ba ng kapal ang balat mo para hindi ka makaramdam?"
"Miss, Wala Ako sa mood makipagtalo sa iyo. Nagmamadali ako, at kung totoong nabunggo kiya----"
"Anong kung totoo? Hindi ako sinungaling, ha! At lalong hindi ako marunong gumawa ng istorya."
"Okay, okay, Sorry na. Kung iyan lang ang makakapag-patamhimik sa iyo, humihingi na ako ng tawad."
"Antipatiko!" inis na bulalas niya.
"Ako ba ang sinasabihan mong antipatiko?"
"Sino pa? Ikaw lang naman at ako ang nandito."
" At bakit naman ako naging antipatiko?"
"Hindi ka lang antipatiko kundi bastos pa!"
May sasabihin pa sana ang lalaki ngunit biglang namatay ang ilaw sa elevator. Noon nakadama ng takot si Nicole dahil kasunod niyon ang mabilis na pag-andar pababa Ng elevator. "Babagsak tayo!" sigaw niya.
Sa matinding takot, bigla siyang napayakap sa lalaki. Kasabay niyon ang paghinto muli ng elevator kapwa nakikirandam ang dalawang magkayakap. Panay lamang mga ingit Ng kable ang nadidinig nila. Bibitiw na sana ang lalaki ngunit pinigilan niya ito. "Huwag Kang kikilos. Baka tuluyang bumagsak ang elevator," pabulong niyang sabi.
"Hindi huwag kang matakot," malumanay at mahinang sabi nito. "Kailangan nating makalabas dito bago ito tuluyang bumagsak,"
Mas lalo naman siyang natakot kaya lalo niyang hinigpitan ang yakap dito .
"Huwag ka sabing matakot, Hindi kita pababayaan."
Parang napaka-assuring at sincere ang tono nito sa kanyang pandinig ngunit ayaw pa rin niyang bumitaw dahil pakiramdam niya ay walang maaaring mangyaring masama habang nasa bisig siya nito.
Sandaling Hindi ito kumibo, nadarama nito ang matinding takot ng dalaga na ilang sandali na lamang ay nasa bingit na ng paghi-hysteria . Hindi nito mapapayagang may masamang mangyari sa kanya, iyon ang tiyak ng lalaki pero kailangan nitong makaisip Ng paraan para makalabas sila roon. Nag-isip ito sandali, kapagdaka'y bigla na lamang kinabig papalapit si Nicole at siniil ng halika sa labi.
Nagulantang ang dalaga kaya bigla siyang napabitaw at itinulak palayo ang pangahas na lalaki. "Bakit mo Ako hinalikan?" galit na tanong niya, saglit na nakalimutan ang matinding takot.
"Mabisang gamot daw iyan sa mga malapit nang mag-hysterical na tulad mo."
"Anong klaseng pangangatwiran iyan?"
"Walang mangyayari sa' tin kung parehong tayong masisiraan Ng loob at magpapadala sa takot. Kailangan nating makalabas dito."
Buong lakas na pinilit Ng lalaking buksan Ng dalawang kamay ang pinto ng elevator. " Tulungan mo ako."
Hindi ito nagdalawang-salita dahil kaagad na tumulong si Nicole. Unti-unting nagbukas ang pinto ng elevator. Nasa kalahati pa lamang sila ng ikalabing-apat na palapag kaya sumigaw ang lalaki at humingi ng tulong. Kaagad na lumapit ang security guard na naka-assign sa palapag na iyon at nag mamadaling tumulong sa kanila. Unang nalalabas si Nicole at sumunod ang lalaki.
Pinagkaguluhan siya ng mga taong naroroon sa palapag na iyon at inalo-alo siya. Nang lingunin niya ang lalaking kasamang na trap sa elevator ay wala na ito. "Nasan na 'yung kasama ko?" tanong niya sa security guard. "Wala na, ma'am. Nag mamadaling umalis; sa stairway nag daan." Hindi na kumibo pa si Nicole. Nakalabas siya sa elevator at iyon ang tanging mahalaga sa kanya. Sinuman ang antipatikong lalaking iyon na nakadama niya ay wala na siyang pakialam. Huwag na sana kaming magkita pa kahit kailan,sa isip-isip niya.

SAMANTALA, sa may staircase, naroroon ang lalaking nakasama ni Nicole na na trap sa elevator, si Daniel. Nag-iisip siya. Ang totoo, papunta pa siya sa opisina ni Mr. Rosales upang sunduin ang ama pero nang magbukas ang pinto ng elevator at Nakita ni Nicole, hindi nya maintindihan kung bakit bigla siyang nag panic.
Nagmadali siya sa paglabas Ng elevator. Nabunggo nga niya ang dalaga pero sinadyang huwag itong pansinin dahil ang tanging gusto niya ay makalayo rito. Nagkubli siya sa isang mapalad na batong poste at sinisilip si Nicole habang nagpupulot ito ng mga gamit. Noon lamang niya ito napagmasdan nang malapitan. Talagang maganda ito, maganda ang korte ng katawan, mapuputi ang legs at napakabango. Noon din ay nagbago ang isip niya. Gusto niya itong makilala.

Tama na sana ang kanyang timing habang silang dalawa lamang ang nada elevator pero hindi niya inaasahan ang biglang paghinto niyon at pagkakalagay sa peligro ng kanilang mga buhay. Mas lalo ring hindi niya inaasahan ang nagawang kapangahasan sa dalaga nang halikan niya ito sa labi. Ngunit nang mga sandaling iyon, wala siyang naisip na ibang gawin para napigil ang paghi-hysteria nito.

Marahang hinimas ni Daniel ang mga labi niya na dunampi sa malalambot na labi ni Nicole. Napangiti siya at kahit na katatapos lamang maka- experience ng panganib ng buhay, masaya siyang nagpatuloy sa pababa ng hagdan.

MAGHAPON NA NAGING USAPAN sa opisina ang nangyari kay Nicole. at katulad ng inaasahan, hindi pumayag si Philip na hindi siya iuwi nito sa bahay para makapagpahinga muna at maka-recover sa naging karanasan. "Are you sure you're all right?" Nag-alala pa ring tanong nito sa kanya habang nag mamaneho ng kotse pauwi.
"Oo, huwag ka nang masyadong mag-alala"
"I'll sue those irresponsible mechanics! Alam na pala nilang sira 'yung elevator na iyon, hindi pa nila pinahinto sa pag-andar," galit na saad nito.
" Huwag na, wala namang nangyaring masama sa akin."
"Mabuti nga kung wala, paano na lang kung nagkataon na tuluyang bumagsak ang elevator na iyon?"
"Huwag mo nang isipin iyon. Ang mahalaga'y hindi nangyari ang kinatakutan ko."
"Basta, hindi ko palalampasin ang insidenteng ito."
Nagsawalang-kibo na lamang si Nicole. Alam niyang determinado ang katipan sa gustong gawin at palaging ito ang may last say sa lahat ng bagay.
"Hindi mo ya tang suot ang pulseras na iniregalo ko sa iyo," puna nito.
Bigla siyang kinabahan. Nawala na sa isip niya ang pagkawala ng pulseras. Hindi niya malaman kung ano ang isasagot sa obserbasyon ng katipunan pero ayaw naman niyang magsinugaling dito kaya napasya siyang magtapat.
"Huwag kang magagalit, ha? Kaninang coffee break, napansin kong hindi ko na pala suot."
Napatitig ito sa kanya. "Ano'ng ibig mong sabihin? Nawawala?"
"Hindi ko pa nasisiguro; hinahanap ko pa't iniisip kung saan napunta."
"Eh, di nawawala nga. Saan mo naiwan?"
"Ewan ko. Ni hindi ko nga matandaan na inalis ko sa kamay ko."
"Alam mo ba kung gaano kamahal iyon?"
"Alam ko pero...."
Hindi na nakapangatuwiran si Nicole. Galit na galit si Philip. Hanggang sa umalis ito ay panay pa rin ang sermon sa kanya. Hindi siya makakibo dahil alam niyang mas lalo lamang iyong makakadagdag sa init ng ulo ng katipan.
Habang nag papahinga, Hindi niya maintindihan kung bakit imbis na mabahala nang gusto sa mga sermon sa kanya ni Philip at sa nawawalang pulseras ay mas paulit-ulit pa niyang naalala ang nakasamang lalaking na-trap sa loob ng elevator .. at sa halik na iginawad nito sa kanyang nga labi. Ayaw man niyang aminin sa sarili ay Isa iyong napakatamis na halik na noon lamang nadama buong buhay niya.
Isa at kalahating taon na niyang boyfriend si Philip. Mabait at malambing ito ngunit hindi pa rin niya maintindihan kung bakit sa tuwing nagkakaroon sila ng intimate moments bilang magkasintahan ay nakakadama siya Ng takot at pagkasiwa rito .
Sandali lang naman niya akong hinagkan pero hanggang ngayon ay nadarama ko parin iyon, nasaloob niya na Ang isip ay ang lalaking estranghero habang salat-salat ang kanyang mga labi na nilapatanng mga labing pangahas na lalaki. Hanggang sa makatulog ay ang tagpo sa elevator ang tanging laman Ng kanyang isip.

TO BE CONTINUED.....





Comment for more Chapter šŸ‘‡šŸ»

Address

Caduang Tete Macabebe Pampanga
Macabebe
2018

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ayengel Online Shop posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share