23/03/2025
𝐌𝐀𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐌𝐁𝐋𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟓!
Mula sa ating Punong Barangay Hon Raul "Ratim" Timogtimog, sa ating mga Barangay Officials and Functionaries ipinararating ang isang malaking pasasalamat sa lahat ng dumalo at nakiisa sa matagumpay na Unang Semestral na Barangay Assembly ng Barangay Poblacion, Maco, Davao de Oro ngayong araw, Marso 23, 2025!
Ipinaaabot din natin ang taos pusong pasasalamat sa mga nagpaunlak nang ating imbitasyon at nagbigay ng mga raffle items na naging dagdag at nagbigay galak sa ating mga kabarangay Poblacion. A big thank you po, Hon. Leonil "Jhong" Ceniza, Hon. Engr. Raul "RM" Mabangalo, Hon. Kris Caballero, Hon. Macario Humol, Hon. Madie Carl Sahid, Hon Maria Cecilia Neri at sa mga dumalo nating Sangguniang Bayan Members. Sa ating COMELEC Election Officer Mechaira T. Enguito, maraming salamat po sa makabuluhan na Voter's Education.
Sa temang "Talakayan sa Barangay: Aktibong Diskusyon ng Pamayanan Tungo sa Masigla at Maunlad na Bagong Pilipinas", naging makabuluhan at masigla ang ating pagpupulong—napag-usapan ang mahahalagang usapin, mga proyekto, at adhikain para sa ikauunlad ng ating barangay.
Ang inyong pakikiisa at aktibong partisipasyon ay patunay ng ating pagkakaisa tungo sa mas progresibong komunidad. Patuloy nating isulong ang serbisyong tapat at tunay na malasakit sa bawat kaPoblacion!
Maraming salamat at hanggang sa susunod nating Barangay Assembly!