10/10/2025
BALITA | Matapos ang 7.6 magnitude na lindol na tumama sa Davao Oriental, tinatayang nasa mahigit-kumulang 15 mag-aaral ng Madrid National High School ang nakaranas ng matinding pagkabigla, panic attack, at may ilan ding nahimatay dahil sa takot, kaninang alas 9:45 ng umaga.
Sa tulong ng Bureau of Fire Protection (BFP), Red Cross Youth (RCY), at School Disaster Risk Reduction Management (SDRRM), naagapan kaagad ang mga estudyanteng nakaranas ng pagkahilo at paghingal, habang ang ilan na nasa kritikal na kondisyon ay agad na dinala sa ospital.
Agad na pinalabas ng mga g**o at school personnel ang mga mag-aaral upang masig**o ang kanilang kaligtasan. Bilang pag-iingat, suspendido rin ang klase sa naturang paaralan upang mabigyang daan ang inspeksyon sa mga gusali at mapangalagaan ang kaligtasan ng mga estudyante at kawani.
Ulat ni Isshey Mayelle Varon / Ang Kawayan