
25/09/2024
Pagod ka, dahil ayaw mong maulit 'yong hirap na ilang taon na ninyong hinaharap. Pagod ka, dahil may malalim kang pangarap. Hindi mo na kasi gustong manatili sa sitwasyong sapat-sapat lang at maipit sa pagtitiis. Nakita mo na 'yong reyalidad, kaya sinisikap mong lumakad para makausad sa paulit-ulit na pagsadsad.
Kahit mabigat, pinipili mong buhatin lahat. Inaako ang hirap. Kinakaya. Humihinga.
Balang araw, 'yong pagod mapapalitan din ng ginhawa. Hindi ka na babalik sa mga pasakit at iiyak sa pag-aalala kung may magandang bukas ba talaga.
-