21/09/2025
๐๐๐๐ฎ๐ด ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐น๐ถ๐บ๐ผ๐.
๐๐๐๐ฎ๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฝ๐ถ.
Setyembre 21, 1972-dinurog ng deklarasyon ng Batas Militar ang kalayaan ng sambayanang Pilipino. Isang taong pinili ng bayan ang mas piniling wakasan ang kalayaan ng kanyang nasasakupan, diktadura ang kanyang landas na iginiit sa Bayan.
Sa isang iglap, isinara ang mga pahayagan, pinatahimik ang mga kritiko, ibinilanggo ang mga walang sala, at itinuring na kaaway ng estado ang mismong tinig ng mamamayan. Ang diktadura'y naghasik ng lagim: bumagsak ang ekonomiya, lumaganap ang korapsyon, at inagawan ng dangal at karapatan ang Bayan. Naging p**a ang lupa ng bansang sinilangan.
Ngayon, 53 taon ang lumipas, hindi pa rin natatapos ang pakikibaka. Kahit walang opisyal na deklarasyon ng Martial Law, nananalaytay pa rin ang panunupil at pang-aabuso. Ang mga sugat ng nakaraan ay hindi pa naghihilom dahil may mga naghahangad na ulitin, burahin, baguhin, at baluktutin ang kasaysayan.
Ang mapayapang pakikibaka ay hindi tinututulan ng publikasyon. Sa katunayan, kinikilala natin ito bilang pinakapusod ng tinig ng bayan, isa sa tunay na sandata ng sambayanan. Napatunayan na ito ng kasaysayan-sa EDSA People Power Revolution noong 1986, nagwakas ang diktadura hindi dahil sa baril kundi dahil sa milyon-milyong Pilipinong nagtipon, nagmartsa, at nagsabi ng sapat na. Sa lansangan, muling isinilang ang demokrasya, muling bumukas ang midya, at muling itinindig ang karapatang pantao.
At ngayong araw ng paggunita, habang may mga kababayan tayong muling nagtitipon at nagpoprotesta sa lansangan, ipinapakita nilang buhay ang diwa ng bayaning handang lumaban para sa katotohanan. Malinaw ang mensahe: hindi kailanman luluhod ang bayan sa sinumang magnanais muling agawin ang ating kalayaan.
Ang Sinukuan Gazette ay nakikiisa sa pag-alala at pakikibaka. Sapagkat tayoโy anak ng araw, anak ng liwanag, at hindi dapat muling magpagapi sa dilim ng kasaysayan.
๐๐๐๐ฎ๐ด ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐น๐ถ๐บ๐ผ๐. ๐๐๐๐ฎ๐ด ๐บ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ต๐ถ๐บ๐ถ๐ธ. ๐๐๐๐ฎ๐ด ๐บ๐ฎ๐ด ๐ฏ๐๐น๐ฎ๐ด-๐ฏ๐๐น๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป. ๐ฆ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐๐๐ฎ๐๐ฎ๐ปโ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ก๐๐จ๐๐จ๐ฃ๐๐, '๐๐ ๐ง๐๐ฌ๐ข ๐ฃ๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐๐.