25/07/2025
Samahang serbisyo publiko ng Malungon LGU at SMI lumalawig
Labing-anim na taon ng nagtutulungan ang municipal government ng Malungon sa probinsya ng Sarangani at ang Sagittarius Mines Incorporated sa mga proyektong pang-serbisyo publiko at ang mga ito ay mas magiging ekstensibo pa, ayon sa mga local executives at mga kinatawan ng kumpanya.
Sa ulat ng mga media outfits sa Central Mindanao nitong Biyernes, July 25, 2025, binigyang halaga ng mga kinatawan ng Malungon local government unit ang samahan nito at ng Sagittarius Mines Incorporated, mas kilala bilang SMI, sa pamamagitan ng 16 years Partnership Day na kaugnay ng selebrasyon ng 56th founding anniversary nitong July 13, 2025 ng Malungon, isa sa mga bayan na sakop ng Sarangani province sa Region 12.
Mismong si Malungon Mayor Reynaldo Constantino ang nagpasalamat sa SMI sa mga proyekto nitong pangkabuhayan, mga humanitarian, socio-economic at education support activities nito para sa mga residente ng Malungon, kabilang na ang mga etnikong Blaan na sakop nito.
"Sa ating partner na Sagittarius Mines Incorporated maraming, maraming Salamat. Nais naming magpatuloy ang ating magandang samahan," ani Mayor Constantino.
Ayon kay Mayor Constantino at kanyang mga constituent-leaders, ilang mga residente na ng Malungon ang nakapagtapos, nitong nakalipas na ilang mga taon, ng college bilang scholars ng SMI.
Ang SMI ay kinontrata ng national government na magpatupad ng Tampakan Copper-Gold Project sa Tampakan, South Cotabato na nakatakda ng magsimula. May basbas ang tribong Blaan sa Tampakan, South Cotabato sa proyekto, nakasaad sa kanilang Free Prior and Informed Consent na may lagda ng kanilang mga tribal leaders.
Sakop ng copper and gold mining project sa Tampakan ang ilang mga lugar sa Malungon at sa mga bayan ng Columbio sa Sultan Kudarat, sa Kiblawan sa Davao del Sur at mismo sa Tampakan, mga 16 na kilometro lang ang layo mula sa Koronadal City, ang kabisera ng South Cotabato.
Mismong mga local executives ng naturang mga bayan, kabilang sa kanila si Malungon Vice Mayor Ma. Theresa Constantino at Kiblawan Mayor Joel Calma ang nagpahayag na bagamaโt hindi pa nakakapagsimula ng Tampakan Copper-Gold Project, gumastos na ang SMI ng hindi bababa sa P2.2 billion para sa mga community-empowerment projects nito na naisagawa sa pakikipagtulungan ng kumpanya at ng kani-kanilang mga local government units.
Makikita sa larawan ang pagtanggap ng special citation plaque, mula kay Mayor Constantino, ni William Baang, senior superintendent ng community relations ng SMI, bilang parangal sa kumpanya sa isang seremonyang kaugnay ng Malungon 56th founding anniversary celebration nitong July 13 lang. (July 25, 2025)