01/07/2025
❗️LIGTAS NA PAALALA: ‘WAG GAMITIN ANG BIBIG SA PAGBUBUKAS NG PLASTIC❗️
Minsan yung maliliit na bagay, ‘pag hindi natin iningatan... pwedeng magdulot ng malaking disgrasya.
Noong Feb. 23, si Nanay ay nagbukas ng SkyFlakes gamit ang bibig. Akala niya okay lang—gaya ng nakasanayan. Pero ilang segundo lang, bigla siyang nabulunan at inubo nang inubo.
Ramdam niyang may parang plastic na naipon sa lalamunan, at kahit anong pilit—hindi lumabas.
Dinala agad namin siya sa ospital.
Una sa Fatima Med—pero walang EENT doctor.
Sunod sa Chinese Gen—ganun din.
Sa huli, sa UST Hospital kami natuloy. Doon nakita ng doktor ang sugat sa loob ng lalamunan ni Nanay, pero hindi pa rin makita ang plastic.
Sinabihan kami na obserbahan kung lalala ang hingal.
Paglipas ng ilang araw—doon na nag-umpisa ang matinding sintomas:
❌ Hirap sa paghinga
❌ Sobrang hingal
❌ Tumataas ang BP
❌ Bumababa ang potassium at timbang
❌ Di na rin normal ang heart rate niya
Dinala ulit si Nanay sa check-up at ni-refer siya sa Pulmonologist.
Doon lang lumabas ang totoong problema—
👉 NAPUNTA SA BAGA ang PLASTIC.
Hindi sa tiyan. Hindi sa lalamunan. Kundi sa mismong kanan na baga ni Nanay.
Ginawan siya ng Bronchoscopy — isang procedure kung saan pinapasok ang instrument sa daanan ng hangin habang tulog ang pasyente. Doon nakita ang plastic na naging sanhi ng lahat.
Grabe ang epekto. Sa isang simpleng bukas ng biscuit gamit ang bibig… muntik nang mawala sa amin si Nanay.
Kaya ngayon, ito ang mahalagang paalala:
'Wag na wag nang gamitin ang bibig sa pagbubukas ng kahit anong plastic packaging.
Biscuit, chicha, pancit canton—anumang balot na plastic—gumamit ng gunting o kamay.
Mas okay nang ma-late sa bukas ng snack, kaysa ma-late sa paghinga.
Saludo rin kami sa mga doktor at nurses na nag-alaga kay Nanay sa UST—lalo na kina Dr. Perez de Tagle at Dr. Dalupang.
Kung may natutunan ka sa kwentong ’to, alam mo na ang dapat gawin.
Para sa sarili mo. Para sa mga mahal mo sa buhay.
Stay safe. Maging alisto.
Isang paalala mula sa karanasang hindi namin inaasahan.