19/09/2021
BAGONG COVID AYUDA
PLEASE SHARE
SEPTEMBER 19, 2021
Simula po bukas, September 20, may bago at mabilis na pong proseso ang ayuda ng Pamahalaang Bayan para sa ilalabas na listahan ng RHU na maquaquarantine o magpopositibo. Hindi na po tulad dati na after nyo pa gumaling tsaka pa lang maaasikaso ang inyong assistance. Mas pinili po namin na Food pack ang ipamigay instead na financial assistance para hindi na po kayo mapilitang lumabas ng bahay para mamili ng pagkain. AT KAPAG LUMABAS ANG RESULTA NA POSITIVE KAYO, dadagdagan pa po namin ang Food Packs na sasapat para sa 14 days ninyong isolation at may dagdag pong P1000/per magpopositive na pasyente.
AT KUNG SAKALI NA SEVERE ANG COVID NINYO AT WALANG OSPITAL NA AVAILABLE, May libre po kayong 2pcs 15lbs na tangke ng oxygen with regulator at mask plus libreng pagamit ng pulse oximeters galing sa Pamahalaang Bayan. Kayo na po ang bahala sa refill. Mas makakatipid na po kayo dahil may tangke na po kayong magagamit.
Kumpletong kumpleto po ang laman ng Food pack: may 10 kilong bigas, 2 kilong manok (wala lang sa picture), maraming delata at insta soup, gatas, kape, asukal, biscuits, tinapay at may 1 box na Face mask, Alcohol at 1 month supply ng VITAMIN C! Depende po sa dami ng tao sa pamilya ang ibibigay na food pack.
Para po sa mga di pa nakakarecover nitong mga nagdaang mga araw, bibigyan din namin po kayo.
AT ITO PO AY IDEDELIVER MISMO SA BAHAY PO NINYO SA UNANG ARAW PA LANG NG QUARANTINE NINYO.
SA MGA SAWING PALAD NA MAMAMATAY NAMAN PO DAHIL SA COVID:
May dagdag po na P3000 sa mga nakatanggap ng unang ayuda. At P5000 naman sa wala pang nakukuhang anumang ayuda.
Iyan po ang Serbisyong may Puso! Serbisyong Clado!
DAHIL DALANGIN NAMIN ANG AGARANG NYONG PAG GALING! DAHIL LAB NAMIN KAYO!