Volta Delos Santos-my page

Volta Delos Santos-my page Sana makapagpa-good vibes ang aking mga ise-share. Sa mga proyekto at serbisyo ng Pasig City ng TOR
(3)

08/09/2026

5 year term para sa Barangay at Sangunian Kabataan pasado na sa house!

Pero ano ba ang tindig ng mga konsehal sa iba’t ibang lungsod at munisipalidad.

Sana marinig ang tindig ng lahat sa pamamagitan ng Philippine Councilors League o Metro Manila Councilors League.

Binuo daw ito para marinig at magkaroon ang boses ang mga konsehal sa Pilipinas.

Madalas naman ang mga event at gathering ng PCL at MMCL, sana naman bukod sa pakikinig sa nga guest speaker at paminsan-minsang pasimpleng kampanya ng mga kakandidato sa national election ay magkaroon ng pagkakataon na may mapag-usapan at mapagbotohang resolusyon o panukala na magmumula talaga sa mga konsehal. Yun bang masasabing galing talaga sa boses ng mga miyembrong konsehal.

Sa selebrasyon ng Councilors Week ay nandito Ng gallery natin at ng mga kasamahang konsehal sa Pasig at ilan sa mga nais...
08/09/2026

Sa selebrasyon ng Councilors Week ay nandito Ng gallery natin at ng mga kasamahang konsehal sa Pasig at ilan sa mga naisulat na mga batas.

06/09/2026

Happy sunday! Sunday Music!

04/09/2026

Flex ko lang ang anak ko na humuhusay na mag-gitara!

Gift niya sa amin ng mommy niya sa wedding anniversary namin.

Kidlat on guitars

04/09/2026

Estudyante ka ba o magulang na may pinapaaral at malapit na maka-graduate?

Isang proposal: Na ang mga kumpanya ay dapat mga Fresh Graduates ang porsyento o bilang ng kanilang empleyado!

Ito ang isa sa naging tugonnatin sa estudyante mula sa PCC nang tanungin sa campus tour ng Isangguni sa tanong na “Ano pa ang mga maaaring programa ng Pasig City para sa mga estudyante bukod sa scholarship at allowances?

03/09/2026

Balik muna sa food vlog.

Lechon? Yung OG meron sa Barangay Ugong!

Suportahan ang mga negosyo sa Pasig!

02/09/2026

Isa ka rin ba tulad ko na gustong matuloy ang SK at Barangay election?

Pero dapat natin malaman ito.

Matatapos na ang taon wala pang budget ang ilang Sangguniang Kabataan!

Hindj kasi dapat popularity contest ang Barangay at SK election. Ito ang napag-usapan kanina sa Regular session. Nagiging target din sila ng mga illegal na financier. Nahuli na nga at nakulong ang isa sa mga ito.

Mayroon din Sanggunian Kabataan na may budget na mahigit 3 Million at mayroon aabot sa mahigit na 20M. Ang tanong, lahat ba may kakayahan na i-manage ito.

Hindi sapat ang sikat lang. Hindi sapat ang pagmamahal lang sa bayan. Kailangan din ng sapat na talino at kakayahan.

31/08/2026

Happy Tuesday!

Opisyal na balik trabaho ang mga nasa gobyerno matapos ang long weekend.

Gumising nawa ang lahat ng mga namumuno para sa paglilingkuran at hindi para sa pamumulititka.

Tumingin ako pagkagising ko sa kalendaryo, September 1, 2026 pa lang, hindi pa 2028. Dalawang taon pa yun.

Sa taumbayan, mas i-demand muna natin kung ano ang magagawa ngayon ng halal nating mga lingkod bayan. Hindi kung ano ang gagawin nila sa 2028. May trabaho at responsibilidad pa sila o kami ngayon.

Ang usapin at usapang 2028 ang patuloy na naglulugmok sa ating bayan. Ngayon pa may baha at mga kakulangan. Ngayon natin ipaganap s akanila ang mga tungkulin sa gobyerno at wag sa 2028.

30/08/2026

Sunday Music

Para sa mga mahal sa buhay natin na wala na ngayon.

Tears In Heaven by Rric Clapton

29/08/2026

Meanwhile, habang hindi pa sigurado kung tuloy ang Barangay at SK Election dahil iniisip ng mga ilang Senador para magamit daw ang pondo sa ibang bagay.

Tuloy ang special election para sa Congress sa Dasmariñas Cavite na gagastos ang pamahalaan ng 128 Million.

Ang labo!

Address

Makati City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Volta Delos Santos-my page posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category