
28/08/2022
TYPHOON UPDATE:
🔸 August 28,2022 at 6:00 PM
- BAGYO NA MAY INT'L NAME NA "HINNAMNOR" SA LABAS NG PAR, LUMAKAS PA BILANG ISANG TROPICAL STORM. DI PA TIYAK KUNG SAAN TALAGA ITO TUTUNGO
Magandang Hapon mga kababayan, mabilis na lumakas ang bagyo sa labas ng ating PAR at isa na agad itong Tropical Storm at binigyan ito ng International Name na "HINNAMNOR" ng Japan Meteorological Agency. Hati ang opinyon ng mga Weather Models kung saan ba talaga ito paparoon.
Ayon sa PAGASA sa kanilang 4PM update, nakita ang sentro ng Tropical Storm HINNAMNOR sa posisyong 26°N, 149.3°E. Lumakas pa ito at taglay na nito ang hanging 75 kilometers per hour malapit sa gitna, bugsong halos isan-daang kilometro na - 90 kilometers per hour. Gumagalaw ang bagyo pa Hilagang Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Hindi pa talaga tiyak sa ngayon kung saan patutungo ang bagyo. Ayon sa ECWMF (Euro Model) ensembles, may posibilidad itong gumalaw pa Timog-kanluran dahilan kung kaya't may maliit na tsansa itong pumasok ng PAR. Ang JTWC at JMA naman ay inaasahan na maglalandfall ito sa Timog-kanlurang bahagi ng Japan sa mga susunod na araw.
Mag-ingat po ang lahat!
Mga Sanggunian:
[1] PAGASA -, 4PM Public Weather Forecast (as of 4PM - August 28, 2022)
[2] JMA - Tropical Storm HINNAMNOR
[3] JTWC - Advisory for 12W (HINNAMNOR)
[4] Weather Models - Primarily GFS and ECMWF.