21/09/2025
Ngayong Setyembre 21, muli na namang lumabas sa lansangan ang mamamayan upang ipahayag ang pagkadismaya at pagkagalit laban sa korapsyon at katiwalian sa gobyerno. Maraming sektor ang nagsama-sama β may maka-BBM, maka-Duterte, maka-Dilawan, at iba pa β ngunit ang tunay na diwa ng pagkilos ay malinaw: ang rally ay walang kulay, kundi tinig ng bayan laban sa maling pamamalakad.
Nakakalungkot lamang na nasapawan ang tunay na adhikain dahil sa kaguluhan. Ilang kabataan at grupo ang nanggulo, nagsunog, nakipagsagupaan, at lalo nang ikinadismaya ang insidente ng pagbasag sa isang hotel, bagay na hindi kailanman makakatulong sa panawagan ng sambayanan. Nasaktan din ang ilang pulis na ang layunin ay tiyakin ang kapayapaan ng pagtitipon.
Habang ang ilan ay nagsisigawan, nagkakasakitan, at nagwawala, ang mga tiwaling opisyal na dapat managot ay nakaupo lamang at wariβy pinagtatawanan ang nagaganap.
Panawagan:
1. Ibalik ang diwa ng mapayapang protesta. Ang tunay na lakas ng rally ay nasa pagkakaisa, hindi sa karahasan.
2. Huwag hayaang gamitin ang gulo para i-dismiss ng gobyerno ang hinaing ng taumbayan.
3. Managot ang mga tunay na gumawa ng vandalismo at karahasan gaya ng insidente sa hotel, ngunit tiyakin na ang pag-imbestiga ay patas at makatarungan.
4. Itigil ang korapsyon. Ang ugat ng pagkilos ay ang labis na katiwalian β ito ang dapat harapin ng gobyerno.
Ngayong Setyembre 21, isang makasaysayang araw ng pag-alala, gawin nating simula rin ng panibagong panawagan:
π Sapat na ang panloloko.
π Tama na ang pananahimik.
π Panahon nang tumindig at magkaisa para sa mas maayos na kinabukasan.