11/01/2026
'KAILANGAN 'YUNG CONSTANT REASSURANCE NA 'EVERYTHING IS ALRIGHT''
Iyan ang saad ng aktor na si Dingdong Dantes matapos mapag-usapan ang kanilang relationship ng kanyang asawa na si Marian Rivera sa isang vlog nina Janno Gibbs at Bing Loyzaga.
"Light question lang, para swabe lang tayo, for Marian, kailan ka huling nagselos?" tanong ni Janno.
"Alam mo, tagal na. Alam mo, tagal nang hindi kasi after nang nung nanganak ako, parang wala na, 'no? Parang wala nang masyado, baka nahiya na din sila kasi asawa ko na," sagot ni Marian.
"Meron nga akong napanood na interview sa 'yo, not long ago. Sinabi mo nga na before, meron kang mga pinagseselosan tapos ang pagkakamali mo nung time na 'yun was that kinausap mo 'yung girl, hindi 'yung guy," saad ni Bing.
"So ang tanong ko, D**g, [...] pa'no mo naman nahimasmasan 'yung init ng ulo ni Marian?" tanong naman ni Bing.
"'Di, una syempre, number one, kailangan ‘yung constant reassurance na 'everything is alright na wala namang dahilan para maramdaman mo ‘yan.' 'Di ba? Kailangan talaga ‘yung effort na parating pinapaalala ‘yun. And, siyempre, to begin with, wala naman talagang dapat [ipagselos]," sagot ni Dingdong.
(YouTube/Janno & Bing)