25/04/2026
Part 3
At yung nakita ko sa tabi ko—
Hindi ko asawa.
Kamukha niya.
Same face. Same hair. Same body.
Pero yung mga mata…
Walang laman.
Walang emosyon.
Wala 'yung puno ng pagmamahal kung tumitig sa'kin.
Dahan-dahan nitong in-tilt yung ulo niya, tinititigan ako… parang iniintindi kung bakit ako natatakot.
“Why did you open your eyes?” bulong niya.
Mali yung tunog ng boses niya.
Sobrang smooth. Sobrang perfect.
Parang kinopya lang kung paano magsalita yung asawa ko… pero walang emosyon.
Natuyo lalamunan ko.
Kasi sa kabilang side ng k**a—
May naramdaman akong gumalaw.
May presence.
May paghinga.
Mabagal. Nanginginig. Totoo.
“Don’t move,” bulong ulit ng pangalawang boses.
Yung tunay kong asawa.
Hindi ko alam kung paano ko nalaman—
Basta alam ko.
Ngumiti yung nilalang sa tabi ko… mas lumawak. Tila natutuwa sa natuklasan ko.
“Ah…” sabi niya mahina. “So you can hear him too.”
Parang titigil na yung puso ko.
Dahan-dahan niyang binaling yung ulo niya papunta sa kabilang side ng k**a.
Pero wala naman doon.
Walang tao.
Walang nakikita.
Hangin lang.
Pero—
May dumampi sa mga daliri ko.
Malamig pero buhay.
“Close your eyes,” pakiusap nung hindi nakikitang boses.
“Pretend you’re still asleep.”
Mariin kong pinikit ulit yung mata ko, habang tahimik na tumutulo yung luha ko.
Gumalaw yung k**a.
Kumilos yung nilalang.
Nararamdaman kong lumalapit siya… palapit nang palapit…
Hanggang halos nasa tenga ko na yung labi niya.
“If you follow him,” bulong niya, “you’ll never wake up again.”
Nanikip dibdib ko.
Follow him?
Anong ibig sabihin nun?
Hindi pa ako nakakaisip—
Biglang nag-iba yung pakiramdam ng kwarto.
Mas mabigat yung hangin.
Mas malamig.
At then—
May pangatlong boses.
Galing sa salamin.
Mahina.
Basag.
“Please…” bulong nito.
“Help me.”
Bigla akong dumilat.
Hindi ko napigilan.
At this time—
Lahat nakita ko.
Yung salamin…
Hindi na siya nagre-reflect ng kwarto.
Sa loob nito—
Nandoon yung asawa ko.
Nakulong.
Nakadikit yung mga k**ay niya sa salamin.
Maputla. Desperado. Takot na takot.
“Don’t trust it!” sigaw niya—pero walang lumalabas na tunog.
Sa likod ko—
Tumawa yung bagay.
Mahina.
Kontento.
At dun ko narealize ang isang bagay na nagpamanhid sa buong katawan ko—
Kung nasa loob ng salamin yung asawa ko…
Sino yung umuuwi gabi-gabi ng eksaktong alas-dose?
—
Part 4? 😨
(React “😱” kung gusto mo na agad next part!)