22/02/2026
Sa isang pahayag, sinabi ng partidong pinamumunuan ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez na ang suporta nila ay nakabatay sa prinsipyo at hindi lamang sa pulitika. Binanggit nila ang mga hamon na kinakaharap ng bansa tulad ng pagtaas ng presyo ng bilihin, krimen, at iba pang suliranin sa serbisyong pampubliko bilang dahilan kung bakit kailangan ng “matatag at may pananagutang pamumuno” sa susunod na administrasyon.
Ayon sa Partido Reporma, dapat ipagpatuloy ang mga reporma sa peace and order, disiplina sa pananalapi, at patas na pagpapatupad ng batas upang maibalik ang tiwala ng publiko sa mga institusyon.
Sa kanilang pananaw, si Duterte ay may kakayahan at determinasyon na harapin ang mga mahihirap na isyu ng bansa, habang si Marcoleta naman ay inaasahang katuwang sa pagpapatupad ng kanilang mga layunin sa pamahalaan.