10/11/2025
Ang tapang at kabayanihan ni Leoncio “Icoy” Magpuyo, 53 anyos, ay hinangaan at pinarangalan ng marami matapos siyang kilalaning bayani sa Barangay Pit-os, Talamban, sa gitna ng hagupit ng Bagyong Tino noong madaling-araw ng Nobyembre 4, 2025.
Bandang alas-4 ng umaga, nang biglang tumaas ang tubig-baha, agad niyang tinulungan ang kanyang mga kapitbahay — kabilang ang ilang buntis — gamit ang kanyang hagdan upang makakyat sila sa bubungan at makaligtas sa rumaragasang tubig. Sa kabuuan, labinlimang buhay ang nailigtas ni Icoy.
Ngunit habang patuloy na lumalakas ang agos, tuluyang nilamon ng baha ang kanilang lugar — at si Icoy ay tinangay ng rumaragasang tubig. Isa itong mapait at nakalulunos na pangyayaring bumasag sa puso ng mga taong kanyang iniligtas.
Si Icoy ay isang mabuting anak, asawa, ama, at kaibigan — isang tahimik ngunit tunay na bayani. Ibinuwis niya ang sariling buhay para sa kaligtasan ng iba. At kahit hindi na niya maririnig ang mga salitang “salamat,” mananatili ang kanyang pangalan bilang sagisag ng tunay na kabayanihan at pagmamahal sa kapwa.
CTTO of the photos :