𝗔𝗺𝗯𝘂𝗹𝗮𝗻𝘀𝘆𝗮, 𝗚𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁 𝗻𝗴 𝗠𝘂𝗻𝗶𝘀𝗶𝗽𝘆𝗼 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗩𝗼𝘁𝗲-𝗕𝘂𝘆𝗶𝗻𝗴?
Ito ang matunog na usap-usapan ngayon sa bayan ng Santa Cruz, matapos mamamataan ng mga residente na ginagamit ng mga tauhan ni Mayor Egay San Luis ang ambulansya ng munisipyo para sa umano'y vote-buying.
Ang aktwal na insidente ay nakuhanan kagabi, October 29, sa live stream ni Kapitan Eric Ambrocio ng Brgy. Gatid.
Ayon sa mga residente ng Brgy. Gatid, ang ambulansya ay namataang paikot-ikot sa kanilang lugar, at nagsasakay at nagbababa ng mga tao.
Makailang beses din umano itong nagpabalik-balik sa bahay ni Rigor Amil Elca.
Si Elca ay tumatakbong kapitan ng Brgy. Gatid, at kilalang taga-suporta ni Mayor Egay San Luis. Kamakailan ay naging laman ito ng mga balita matapos mabunyag ang pangungurakot nito sa PHP 120,000 pondo para sa Livelihood Program ng FEDESCO.
Ang parehong ambulansya ay nakita ring naghahatid-sundo ng mga tao sa Labuin, Bagumbayan, Pagsawitan, at iba pang mga barangay.
Dagdag ng ilan, ang mga taong sakay nito ay nakitang may dalang malalakig bag na pinaghihinalaang naglalaman ng pera para sa vote buying. Ilan sa mga ito ay natukoy bilang mga empleyado ng munisipyo. #
----------------------------------
Maaaring panoorin ang aktwal na video sa link na ito: https://www.facebook.com/konshaleric/videos/362111339587412/?mibextid=cr9u03