25/08/2026
"SI NANAY"
Alam mo yung nanay na kapag may nagkasakit sa bahay, automatic siya ang pinakaunang nag-aalala, nag-aasikaso, at nag-aalaga?
Siya ang naka-duty?
May lagnat si anak,
si Nanay ang nagbabantay.
May sakit si Tatay,
si Nanay ang kailangan mag-asikaso.
May kailangang dalhin sa doktor,
si Nanay ang kailangan.
May kailangang kainin, inumin, ipaghanda,
si Nanay pa rin.
Kahit puyat, kikilos.
Kahit pagod, mag-aalaga.
Kahit may sarili rin siyang nararamdaman, kadalasan sasabihin pa niya…
“Okay lang ako. Kayo muna ang uunahin ko.”
Pero ang nakakalungkot,
kapag si Nanay naman ang nagkasakit,
parang biglang walang nakakaalam kung paano siya aalagaan.
“Ma, may pagkain ba?”
"Ma, anong ulam?"
“Ma, may damit pa ba ako?”
“Ma, saan yung gamot ko?”
“Ma, kailangan ko pala bukas…”
Nanay pa rin ang tinatawag.
At minsan, hindi naman dahil walang nagmamahal sa kanya.
Nasanay lang ang lahat na si Nanay ang laging gumagawa ng paraan.
Nasanay silang kapag may problema,
may Nanay.
Kapag may kailangan, may Nanay.
Kapag may nagkasakit, may Nanay.
Kaya nakakalimutan nilang ang taong palaging nag-aalaga ay kailangan ding alagaan.
Kaya mga anak, asawa, at kasama sa bahay…
Huwag ninyong hintayin na tuluyang manghina si Nanay bago ninyo mapansin kung gaano karami ang ginagawa niya.
Kapag nakita ninyong nakahiga siya,
huwag agad sabihin,
“Ma, gutom na ako…”
"Ma, pahingi ng ganito/ganyan..."
Bakit hindi subukang sabihin...
“Ma, ko na muna.”
Kapag nakita ninyong pagod siya,
huwag nang hintayin na siya pa ang magsabi.
“Ma, pahinga ka muna, kami na rito.”
Dahil ang tunay na pagmamahal,
hindi lang marunong tumanggap ng pag-aalaga.
Marunong din itong gumanti ng pag-aalaga.
At sana, habang nandiyan pa si Nanay, matutunan ng buong pamilya na hindi siya isang taong laging available kapag may kailangan.
Tao rin siya.
Napapagod.
Nasasaktan.
Nanghihina.
Nangangailangan ng yakap, pahinga, at kalinga.
Kaya kung ikaw ang nanay na palaging nag-aalaga sa lahat, tandaan mo rin ito...
Hindi selfish ang magpahinga.
Hindi kahinaan ang humingi ng tulong.
At hindi mo kailangang maging matatag sa lahat ng oras.
Dahil kahit si Nanay,
kailangan din ng taong magsasabing…
"Ma, ang dami mo palang ginagawa,
tulungan na kita."
“Ma, ako na ang bahala, pahinga ka lang muna dyan.”
📖 KUNG TINAPOS MO ITONG BASAHIN AT NAGUSTUHAN MO...
👇👇👇
✅ FOLLOW FOR MORE
✅ LIKE AND SHARE
❤️🙏 SALAMUCH☝️