16/09/2025
Noong 2017, nag-rent ako sa B**-A*r Soh* sa Makati. Medyo luma na yung building, pero convenient kasi malapit lang sa office ko sa Ayala. Mura rin yung rentaโna sana pala ay naging warning na.
Sa unang linggo ko pa lang, may mga kakaibang nangyayari.
Yung elevator, palagi siyang humihinto sa 7th floor kahit wala namang pumindot. Pag bumubukas ang pinto, madilim ang hallway, minsan isang ilaw lang ang naka on. Pero wala namang sumasakay o bumababa.
Pagkalipas ng ilang gabi, nagsimula namang may kumatok sa pinto ko tuwing alas-tres ng madaling araw. Hindi malakas, pero mabagal at parang sinasadya-tok... tok... tok... Noong una, inisip ko baka lasing lang na kapitbahay.
Pero nang silipin ko sa peephole, wala talagang tao.
Ang pinakanakakakilabot na nangyari? Isang gabi, may narinig akong naglalakad sa hallway. Sumilip ako sa peephole at may nakita akong nakatayo sa harap ng pinto ko. Pero nakatingala siya, nakabuka ang leeg, parang nakatitig sa kisame. Hindi siya gumagalaw, hindi rin humihinga. Pumikit lang ako sandali, at pagdilat ko-wala na siya.
Kinabukasan, nagtanong ako sa isang matandang kapitbahay na matagal nang nakatira doon. Sabi niya:
"Kapag may kumatok sa unit mo ng madaling araw, huwag mong pagbubuksan. Hindi tao 'yon. Matagal nang ganyan dito."
Doon ko nalaman ang kwento. May call center agent daw na tumalon mula sa balcony ng 7th floor ilang taon na ang nakalipas. Bago raw nangyari yun, ilang linggo muna siyang nagrereklamo na may kumakatok sa pinto niya tuwing madaling araw at may naririnig siyang boses na tumatawag sa kanya. Simula nun, halos palaging bakante yung 7th floor.
May mga nagre-rent, pero hindi nagtatagal.