22/05/2023
Laban. โจ
Sadly, marami pa rin sating mga kapwa Pilipino ang nasa ganitong sitwasyon ngayon.
***bago ka magsimula basahin, sabayan mo i-play yung Leaves ng Ben & Ben para talagang tagos***
I was in the same exact position over a decade ago โ literally at figuratively.
๐ Part 1 โ โPaabot po ng bayad.โ
I worked as a Call Center agent dati and nung nakita ko yung picture na to months back, I was like โAkong ako to ah.โ Galing Fairview sasakay ng FX or Van papuntang SM North tapos sakay or lakad papuntang VXI. Galing FCM sakay FX or Van bababa ng MRT tapos bababa sa Ortigas o Shaw then magalalkad papasok sa Sykes.
Preparation at byahe pa lang, 2-4 hours or more ang nawawala every everyday na may shift. Tapos sasahod lang ako ng P6,000-8000 or a bit more pag abot quota sa kinsenas at katapusan.
Sadly, marami pa rin sating mga kapwa Pilipino ang nasa ganitong sitwasyon ngayon.
Tumaas man ng konti ang sahod from nung era ko, tumaas din ang nawawalang oras sa mga tao araw araw. Kung ako dati nawawalan ng 4 hours a day, thatโs about 1040+ hours (based sa estimates 260 work days/year) nawala sa buhay ko kakacommute pa lang.
Or about 43 days ng buhay ko na di ko na maibabalik dahil sa kaka-commute pa lang.
Ilan na kayo ngayon?
Pano kung ilang taong ganun ang sitwasyon mo?
Ikaw na nagbabasa ngayon at nasa ganitong sitwasyon...
Ilang buwan at taon na ang buhay mo na di mo na maibabalik ever ang nawala dahil sa byahe mo papuntang traditional na trabaho sa โcorpoโ at byaheng pauwi sa bahay galing trabaho?
๐ Part 2 โ Ikot ng mundo
Nagbago na ang mundo.
Araw araw nagbabago ang mundo at bumibilis ang ikot ng mundo.
Pero hindi nagbagong katotohanan? Ang mga Pinoys ang isa sa pinakamabisang workforce sa mundo. Ang tanging yaman ng Pilipinas ay mga Pilipino. Kahit saan mo ilagay tayo, weโll thrive and excel.
Ng dahil sa internet, lumiit ang mundo. Kaya na makatrabaho ng Pinoys rekta ang mga banyagang kunektado sa biggest brands in the world at mga Fortune 500 companies. Dating pipe dream lang at dadaan pa sa sandamakmak na bureaucracy at middle man -- katotohanan na ngayon.
Katotohanang takot ka pa i-accept kasi bago.
Dahil sa internet at pagliit ng mundo, dumami ang mga trabahong pwede din pala gawin ng mga Pinoy.
Mga trabahong hindi tinuro sa 14 years of more natin sa paaralan. Mga trabahong pang-sheltered lang dati. Mga trabahong may sahod na pang sampung taon mo na sana or habambuhay mo nang kita sana dati pero kikitain na lang ngayon ng isang buwan or isang taon.
Yung dating kitang P50,000 or $100,000 or waaay mooore na pwede lang kitahin dati ng mga doctors, engineers, attorneys, pilots, artista or OFW na kailangan iwan ang pamilya para magtrabaho bilang factory worker or domestic helper eh pwede na kitahin ngayon ng isang nanay na nasa bahay lang na may kuneksiyon sa internet.
Nasa bahay lang. Kasama ang mga anak. Kasama ang pamilya.
Or yung single na kakagraduate lang tapos makita mong kung saan saan nang parte ng Pilipinas at mundo nagbibeach at inaakyat na bundok.
Wala nang nawawalang 2-4 hours a day or more.
Walang naglalahong 43 days a year or more.
At alam mo bang pwede mo din maging buhay to?
๐ Part 3 โ Untitled
Ikaw ang susulat ng sarili mong kwento. Ikaw ang sumusulat ng sarili mong kwento.
Hindi yung boss mo.
Hindi ako.
Hindi yung driver or kundoktor ng van or jeep or bus or traysikel na aabutan mo ng bayad today.
Ikaw.
Ikaw ang magsusulat ng kwento mo.
Hanggang kelan na itataas mo yung kamay mo eh para magabot ng bayad mo o bayad ng iba?
Alam kong takot kang lumihis sa akala mong landas mo na. Normal yan. Pinagdaanan naming lahat ng freelancers yan. Pinagdaanan ko din yan.
Takot lumihis.
Takot sa bago.
Takot sa pagbabago.
Kaya akala mo yan na ang landas na tatakahin at titiisin mo habang buhay.
Na wala ka nang patutunguhan.
Pero alam mo bang pwede kang magsimula ulit?
Alam mo din bang pang inabot mo yung kamay mo pag nagsimula ka ulit eh may mga kamay naabot ang kamay mo at aakayin at sasamahan ka sa bagong landas na tatahakin mo?
Pwedeng magsimula ulit. ๐ฑ
Samahan ka namin. Hindi mo kailangan mag-isa.
Samahan mo kaming samahan ka sa Molongskiverse Freelancers.
Simply just click here, and let me know you're noy an as***le para masarap kabonding๐๐๐
https://www.facebook.com/groups/molongskiversefreelancers
Untitled yung huling part kasi ikaw magsusulat ng kwento mo.
Ano magiging titulo ng kwento mo? โค๏ธ
Pwede ka magsimula dito kung ready ka na:
https://www.youtube.com/watch?v=XYgU2gmZycU
_________________________________________________
๐ฆ Ako nga pala si Molongski qt ang nagpauso ng and I leverage humor, sarcasm, storytelling unorthodox approaches at iba pang eme to entertain and educate freelancers of all levels. *wink*
โจ I also put the FREE in FREElancing *wink* (pero yang wink na yan para lang dun sa crush ko ha)
โ If you wanna help me build my dreams, you can show your love and appreciation sa ating advocacy for free learning and freelancer empowerment by buying me a coffee here:
https://www.buymeacoffee.com/Molongski
โ Or you can support and at the same time be a part of the growing family of Molongski+ by clicking the link below on your computer, wag cellphone or ipad ๐
https://www.facebook.com/becomesupporter/MolongskiMethod/
๐ผ Follow me on these channels too โค
Instagram - https://www.instagram.com/molongskimethod/
YouTube - https://www.youtube.com/molongskitv
Twitter - https://twitter.com/MolongskiMethod
๐ฅณ At yempre may website ako hihi - https://molongski.com
Image CTTO. Ang galing. Hits home for me. Salamat sa moving photo.
Graded for more feels by yours truly