28/06/2025
Good news‼️
Sa lahat po ng Pasyente ng OSMAK meron pong up to 25% Discounts po tayo sa Hi-Precision Diagnostics Rockwell Branch! Mas malaking discount po kesa Senior/PWD Discount! Ang tanging requirements lang po ay dapat may hawak po kayong Laboratory or Medical Request na galing po sa Ospital ng Makati! Para lang po ito sa mga Makatizen na ayaw pong pumili sa Osmak for Laboratory. Katulad po ni Caleb na immunocompromised patient!
Immunocompromised is a condition where your immune system isn't working as well as it should. This means you can't fight off infections as well and you could get sick more often or more severely than someone who isn't immunocompromised.
Andami po kasing nagtatanung sa amin bakit hindi po kami nagpapa Laboratory sa Ospital ng Makati na Libre naman po!
Ito po ang mga sagot sa mga tanung niyo at baka po katulad po kayo namin na nagpapagamot din po sa public Hospital.
Una, si Caleb po ay CANCER Patient at siya po ay Mabilis kapitan ng Kahit anung sakit! Alam naman po natin pag Public Hospital ay mahaba ang pila na aabotin ka ng 4-6 hrs bago ka po maturukan! Sa private po basta may pambayad ka 15mins ka lang at basta maaga ka wala pang masyadong tao!
Pangalawa, Matagal po ang results ng public hospitals kesa sa private! naexprience niyo na bah na simpling CBC/SGPT lang aabutin pa ng 3 days sa ibang public Hospital? sa Osmak naman po 6hrs meron na, matagal lang talaga ang pila niyo pagkukuhanan kayo ng samples kasi sobrang dami ng patients nila!
Pangatlo, May gamutan po si caleb na hinahabol. hindi po siya ordenaryong patient lang na kaya pang maghintay ng results. Pag matagal ang results matagal din siya mabibigyan ng gamot! kaya maraming Leukemia patient na nagrễ relapse or nawawala dahil sobrang tagal po ng paghihintay nila at mabigyan ng gamot! 2 weeks na delayed natatakot na kami!
Dito sa Pilipinas, mabagal po talaga lahat ng systema lalo sa Health care! Kaya diskarte po nating mga magulang kung paano po natin pangangalagaan at maprotektahan ang mga anak natin!
Kaya po lahat ng Medical Request ni Caleb sa labas po namin pinapagawa para po hindi po ma delayed ang ang Gamutan niya! Oras po hinahabol namin! Sana po makatulong sa mga katulad naming nagpapagamot sa Public Hospital!
Maraming salamat po!❤️