27/02/2026
“PACK UP YOUR BAGS”
Diretsahang sinabi ni Atty. Nicholas Kaufman sa ICC hearing na inosente si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa pagtatapos ng bahagi ng kanyang argumento, iginiit ng lead defense counsel na bigo umano ang prosekusyon na patunayan na may “common criminal plan” o direktang partisipasyon si Duterte sa mga paratang laban sa kanya—kaya para sa depensa, wala umanong dahilan para ituloy pa ang kaso.