NewsBlast

NewsBlast Totoong boses ng bayan! Para sa Diyos at sa Pilipinas nating mahal!

14/10/2025

Tiniyak ng pamahalaang lungsod ng Pasay na handa ang mga paaralan sa posibleng pagtama ng lindol, kasunod ng sunod-sunod na pagyanig sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

14/10/2025

Panukalang P6.793 Trillion national budget, lusot na sa Kamara; Higit P240-B unprogrammed funds, kinuwestyon. | via Jayne Codnita

14/10/2025

Inaprubahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas ng karagdagang limang bilyong piso (P5-B) para sa pagpapatupad ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.

14/10/2025

Muling kinilala ang ganda at galing ng Pilipinas sa larangan ng turismo matapos makamit ang anim na prestihiyosong parangal sa 2025 World Travel Awards – Asia and Oceania Gala Ceremony. | via Faith Agustin

14/10/2025

Sa panahon ngayon, hindi na lamang ang may medalya o monumento ang maituturing na bayani.

Mula sa mga nasa serbisyo publiko at kalusugan, hanggang sa mga nasa edukasyon, negosyo, at sa mga simpleng mamamayang handang tumulong sa kapwa — bawat isa ay may kakayahang maging bayani sa sariling paraan.

Kaya naman, kamakailan ay kinilala ng Gawad Parangal ng Bayaning Pilipino 2025 ang mga huwarang Pilipinong nagsilbing inspirasyon sa kanilang mga komunidad. | via Uela Abunda

14/10/2025

Ibinahagi ng malakanyang ang posisyon nito sa katanungan kung puwedeng maikonsidera bilang state witness si dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon sa umano'y iregularidad sa mga proyektong flood control ng pamahalaan.

14/10/2025

Nagpahayag ng matinding pag-aalala ang Department of Migrant Workers o DMW kaugnay ng napaulat na pagkawala ng dalawang Overseas Filipino Worker sa Hong Kong.

14/10/2025

Wagi ng Silver Award for Exhibition Design ang Philippine Pavilion sa World Expo 2025 Osaka, Japan.

14/10/2025

May isang probinsya sa Mindanao ang handang ipa-imbestiga sa Independent Commission of Infrastructure o ICI ang kanilang mga flood control project. | via MJ Mondejar

14/10/2025

Tiniyak ng pamahalaan ng Croatia na walang kukuning placement fee sa mga Pilipinong makakapasok sa kanilang bansa sa ilalim ng unang Government-to-Government (G2G) hiring program, katuwang ang Department of Migrant Workers o DMW.

Nitong Lunes, isinapinal ng dalawang bansa ang mga patakaran at gabay para sa pilot implementation ng G2G program. | via Cherry Light

14/10/2025

Mahigit isang daang pasahero ang sugatan matapos magsalpukan ang dalawang tren sa Slovakia.

Samantala, sa Tel Aviv, Israel, dumating na ang mga labi ng apat na Israeli hostage na nas*wi sa kamay ng mga militanteng Hamas. | via Carlo Dela Peña

14/10/2025

Isang eroplano ang nagka-aberya sa gulong paglapag sa Tuguegarao Airport.

Samantala, dalawampung milyong pisong (P20-M) halaga ng smuggled na sigarilyo ang nakumpiska sa Negros Oriental. | via Vergil Parba

Address

Makati

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NewsBlast posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to NewsBlast:

Share