
08/08/2025
𝐀𝐋𝐀𝐌𝐈𝐍: 𝐁𝐚𝐠𝐲𝐨𝐧𝐠 '𝐅𝐚𝐛𝐢𝐚𝐧,' 𝐧𝐚𝐬𝐚 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐬 𝐧𝐚
Mga Lagunense, humupa na ba ang baha sa inyong lugar na dulot ng mga nagdaang bagyo at habagat?
Ayon sa inilabas na ulat ng Pagasa ngayong Biyernes, August 8, isa nang ganap na bagyo ang binabantayang LPA sa kanlurang bahagi ng Ilocos Region.
Tinawag itong bagyong "Fabian," ang ika-anim na bagyo ngayong taon.
Sa kasalukuyan ay wala pang itinataas na Tropical Cyclone Wind Signals at maaari ding lumabas ng bansa ang bagyo mamayang gabi o bukas ng madaling araw.
Samantala, patuloy pa ring binabantayan ang isa pang tropical storm sa labas ng Philippine Area of Responsibility na may international name na "Podul" na maaaring pumasok sa bansa at tatawaging bagyong "Gorio."
(Kaye Sendaydiego/Larawan mula sa page ng DOST PAGASA)