DZMM Radyo Patrol 630

DZMM Radyo Patrol 630 This is the Official Page of DZMM RADYO PATROL 630, Una sa Balita, Una Sa Public Service.

DZMM Radyo Patrol 630 is available on 630 khz on the AM band in Metro Manila and via DZMM TeleRadyo on cable and satellite TV as well as on its YouTube channel.

03/10/2025

Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng higit ₱225 milyon na tulong at pagtatayo ng isang “tent city” para sa mga evacuees sa Cebu.

Batay sa pinakahuling tala, umabot na sa 72 ang nasawi matapos ang magnitude 6.9 na lindol na tumama sa lalawigan.

03/10/2025

Narito ang mga lugar na walang pasok ngayong Biyernes, dahil sa epekto ng bagyong Paolo.

Abra
Aurora
Cagayan
- Aparri
- Baggao (until lifted)
- Iguig
- Peñablanca
- Santo Niño
-Tuguegarao CIty
Cebu
- San Fernando
- Talisay (no face-to-face classes)
Dagupan City
Ifugao
- Banaue
- Mayoyao (no face-to-face classes)
Ilocos Norte
- Solsona
Ilocos Sur
- Narvacan
- Tagudin
Isabela
La Union
Lapu-Lapu City (shift to alternative learning)
Masbate (until Oct. 4)
Nueva Ecija
Nueva Vizcaya
Pangasinan
Quezon
- Lopez
Santiago City

Classes from kindergarten to high school are also suspended in the following areas: Angeles City (public only)
Benguet (no face-to-face classes)
Cebu City (public only)
Ifugao
- Lagawe (until lifted)
- Lamut
- Tinoc (public only until lifted)
Kalinga (no face-to-face classes)
Quezon
- Guinayangan

03/10/2025

Asahan ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may kasamang pagkidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Nueva Ecija, Bataan, Tarlac, Pampanga, Laguna, Cavite at Batangas sa loob ng susunod na 3 oras.

Mararanasan din ito sa Quezon(Catanuan, Buenavista, Mulanay) at Zambales(Subic, San Antonio) na maaaring tumagal sa loob ng 2 oras at maaaring makaapekto sa mga kalapit na lugar.

02/10/2025

DZMM RADYO PATROL 630: TRAFFIC UPDATE 🚦

Maging alerto sa daan. Tandaan at alamin ang number coding scheme ngayong araw ng Biyernes para garantisadong , , at ngayong Oktubre 3, 2025.

Drive safely! 🚗

Source: MMDA

02/10/2025

Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, lumalaganap umano sa bansa ang presensya ng mga banyagang espiya. Ito ang dahilan kung bakit sa tingin niya ay dapat maimbestigahan si Joseph Sy, na umano’y pineke ang kanyang citizenship. Ipinagtataka rin ang pagkakaroon ng dual Chinese at Filipino citizenship ng kanyang anak.

May nakuha rin daw siyang impormasyon na may kaugnayan umano si Sy sa foreign interference.

Nanawagan si Sen. Hontiveros na imbestigahan at tutukan ang usapin upang matiyak ang seguridad ng bansa.

02/10/2025

Sa tabi ng kalsada ng Bogo City, Cebu, ilang residente ang makikitang naghihintay ng tubig at pagkain mula sa mga dumaraang pribadong sasakyan na namamahagi ng tulong. Sila ay mula sa malalayong sitio na hanggang ngayon ay kapos matapos ang Magnitude 6.9 na lindol.

02/10/2025

Sinuspinde ang klase ng ilang lokal na pamahalaan sa Luzon bukas,Biyernes, Oktubre 3, 2025 bilang paghahanda sa epekto ng Bagyong Paolo.

Nag-anunsyo rin ng class suspension sa ilang lugar sa Cebu dahil sa epekto ng Magnitude 6.9 na lindol at aftershocks.

02/10/2025

Nakataas ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Isabela, hilagang Quirino, hilagang Nueva Vizcaya, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, at hilagang Aurora.

Huling namataan ang Bagyong Paolo sa layong 480 km silangan ng Baler, Aurora, taglay nito ang 85 kph na hangin at 105 kph na bugso. Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa 15 kph at inaasahang magla-landfall sa timog ng Isabela o hilagang Aurora sa Biyernes ng umaga.

02/10/2025

Hiniling ng Mayors for Good Governance (M4GG) na magkaroon ng access sa National Expenditure Program (NEP) at General Appropriations Act (GAA) records mula fiscal year 2023 hanggang 2025.

Layon nilang makita ang mga line items kasama kung sino ang mga proponent o nag-endorso ng mga tinapyasan o dinagdagang pondo para maseguro ang transparency at matukoy kung sino ang dapat managot sakaling may makitang anomalya.

02/10/2025

Ayon kay Atty. Neri Colmenares, maaaring magdulot ng delay ang posibilidad ng house arrest kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Giit niya, doble-kara ang paggamit sa Covenant on Civil and Political Rights dahil hindi ito naipapatupad para sa mga biktima ng EJK.

Dagdag niya, posibleng masangkot pa ang mga senador na lumagda sa ICC treaty. Nakakalungkot aniya na imbes tutukan ang korapsyon sa flood control projects at kalagayan ng mga nasalanta ng bagyo at lindol, mas binibigyang pansin ang kaso ni Duterte, na lalo umanong nakalilito sa publiko.

02/10/2025

Kanya-kanyang diskarte ang ilang mga residente sa Bogo City, Cebu matapos ang mapaminsalang lindol.

Ang iba sa kanila, gumawa ng pansamantalang masisilungan gamit ang pinagtagpi-tagping materyales.

Sa San Remigio, takot pa ring bumalik sa mga tahanan ang mga residente dahil sa aftershocks.

02/10/2025

Bubuksan ng Manila Clasico ang pagsisimula ng ika-50 season ng PBA.

Ito ay inaasahang pupukaw ng atensiyon ng Pinoy basketball fans.

Address

3F Universal RE Bldg, 106 Paseo De Roxas
Makati
1226

Telephone

+6329244101

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DZMM Radyo Patrol 630 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category