12/09/2025
ABOGADO NG DPWH RELIEVED SA PWESTO
Agarang sinibak ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon nitong Setyembre 12 ang isang opisyal ng ahensya na umabuso diumano sa kaniyang tungkulin.
Ayon sa kalihim, ini-report sa kaniyang tanggapan si Atty. Mikhail Valodya M. Tupaz Attorney IV ng Legal Service na ipinagmalaki ang kaniyang pagiging mataas na opisyal ng DPWH sa isang subdivision.
“Medyo abusado ang taong ito dahil ayaw daw siyang papasukin sa isang subdivision ng guard, nagalit siya pinagmumura niya iyong guard tapos binalikan niya pa ito na may kasamang pulis, samantalang ginagawa lang naman ng guard ang kaniyang trabaho kaya isinumbong siya kay Senator Raffy Tulfo" ayon kay Dizon.
Samantala, ibinaba ng ahensya ang memorandum order na nag-aatas na i-relieve sa kaniyang pwesto si Tupaz.
“You are hereby relieved from your duty as OIC Division Chief of the Internal Affairs Division, effective immediately. This Order revokes Special Order No. 142, Series of 2024 and all the entitlements that come with it” saad sa memorandum order ni Sec. Dizon.
Wala pang pahayag ang nasabing opisyal hinggil sa kaniyang relieved order.