CSA Insights-Salik

CSA Insights-Salik The Augustinian Quest for Truth

LOOK: The Archdiocese of Manila invited Colegio San Agustin–Makati to the Mass of the Holy Spirit at the Manila Cathedra...
29/07/2026

LOOK: The Archdiocese of Manila invited Colegio San Agustin–Makati to the Mass of the Holy Spirit at the Manila Cathedral on July 23, 2026.

Cardinal Jose Fuerte Advincula presided over the Mass and reflected on the age of artificial intelligence in his homily.

“Humanity is not something to be optimized, but it is something to live. Humanity has the ability to love; no machine can experience love, no algorithm can express kindness and emotion,” he reminded.

San Agustin joined 50 other schools and universities spanning from Metro Manila to Bulacan, with representatives raising their institutions’ respective banners during the entrance procession.

Caption by Madee Drapete
Photos by Madee Drapete and Clyde Balagtas

HOT OFF THE PRESS AND READY TO SERVE 🧑‍🍳We are delighted to introduce the new set of Editorial Board members for Insight...
21/07/2026

HOT OFF THE PRESS AND READY TO SERVE 🧑‍🍳

We are delighted to introduce the new set of Editorial Board members for Insights Academic Year 2026-2027 ✨ Follow along as they serve the Augustinian community, bringing in the freshest perspectives and community-centered news 📰

The Editorial Board is ready to report with the utmost curiosity, integrity, and respect 📣 Driven by the search for truth and guided by the value of integrity, Insights remains dedicated to amplifying the voices of the student body and upholding the standards of campus journalism 💡

The Augustinian quest for truth starts now 🖋️❤️‍🔥

HOT OFF THE PRESS AND READY TO SERVE 🧑‍🍳We are delighted to introduce the new set of Editorial Board members for Insight...
21/07/2026

HOT OFF THE PRESS AND READY TO SERVE 🧑‍🍳

We are delighted to introduce the new set of Editorial Board members for Insights Academic Year 2026-2027 ✨ Follow along as they serve the Augustinian community, bringing in the freshest perspectives and community-centered news 📰

The Editorial Board is ready to report with the utmost curiosity, integrity, and respect 📣 Driven by the search for truth and guided by the value of integrity, Insights remains dedicated to amplifying the voices of the student body and upholding the standards of campus journalism 💡

The Augustinian quest for truth starts now 🖋️❤️‍🔥

Design by Ysabella Canlubo and Liam Madridijo
Caption by Sophia Reyes

𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐌 𝐀𝐓 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓, 𝐂𝐎𝐀𝐂𝐇 𝐉𝐕! 🕊Coach John Vincent “JV” Gallego Head Coach, Colegio San Agustin High School Boys Aspirants...
19/07/2026

𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐌 𝐀𝐓 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓, 𝐂𝐎𝐀𝐂𝐇 𝐉𝐕! 🕊

Coach John Vincent “JV” Gallego
Head Coach, Colegio San Agustin High School Boys Aspirants & Boys Juniors Basketball Team
March 26, 1998 - July 18, 2026

Nagwakas na ang laban ng Colegio San Agustin High School Boys Aspirants & Boys Juniors Basketball Team Coach John Vincent “JV” Gallego na pumanaw kahapon, Hulyo 18, sa edad na 28.

Bumuhos ang pakikiramay sa pamilya mula sa mga kaibigan, dating kasamahan, at mga Agustinong atletang kanyang hinubog matapos mabalitaan ang kanyang biglaang pagpanaw. Marami ang nagbahagi ng mga alaala at mensahe ng pasasalamat, na kinikilala siya bilang isang lider na nagbigay ng inspirasyon at malasakit sa loob at labas ng court.

Bago maging head coach ng Colegio San Agustin High School Boys Aspirants at Boys Juniors Basketball Team, naging bahagi si Coach JV ng koponang nagkampeon ng San Beda University sa NCAA Season 99 kung saan nakamit ng San Beda Red Lions ang kampeonato.

TUNGHAYAN: Tatlong Agustinong mag-aaral mula sa Colegio San Agustin-Makati ang kinilala sa ika-49 na Ten Outstanding Stu...
24/03/2026

TUNGHAYAN: Tatlong Agustinong mag-aaral mula sa Colegio San Agustin-Makati ang kinilala sa ika-49 na Ten Outstanding Students of Makati (TOSM) ngayong Marso 24, 2026 sa Makati City Hall.

Nakamit ni John Timothy Lim (10A) ang unang puwesto at pinarangalan ng JCI Leadership Award. Siya rin ay magsisilbi bilang Makati Youth Ambassador. Kinilala naman sina Prince Zachary Capati (10A) bilang Top 4, at si Ignatius Benedict Panigbatan (10A) bilang Top 6.

Ang TOSM ay isang pagpaparangal sa mga natatanging mag-aaral na nagpapakita ng husay sa akademya at pamumuno, dedikasyon sa pakikiisa sa pamayanan, at sigasig sa pagkamit ng kahusayan.

Ulat ni Sean Francisco
Disenyo ni Jianna Mariano

TUNGHAYAN: Pinangunahan ng mga mag-aaral ng Baitang 9 (Batch 2029) ng Colegio San Agustin–Makati ang paglulunsad ng Sina...
20/03/2026

TUNGHAYAN: Pinangunahan ng mga mag-aaral ng Baitang 9 (Batch 2029) ng Colegio San Agustin–Makati ang paglulunsad ng Sinag Agustino, isang fundraising project na naglalayong makalikom ng pondo at makapaghatid ng kalinga sa mga youth ministry ng piling parokya.

Nagbukas ng iba’t ibang maliliit na negosyo ang bawat seksyon bilang bahagi ng kanilang gawain noong Marso 5, 6, at 9 sa High School Covered Court.

Nagsisilbing konkretong tugon ang Sinag Agustino sa pangangailangan ng kanilang piniling parokya, na siyang pangunahing paksa sa asignaturang Christian Living Education at humugot ng inspirasyon mula sa taunang Tatak Agustino ng ika-12 baitang.

Kabilang sa mga itinayong negosyo ang Fidgekey ng 9A, Scoopin’ Pixels ng 9B, Pagpapala sa Liham ng 9C, Beads of Hope ng 9D, Lumen Mariae ng 9E, Maison de Fleur ng 9F, Scooprise ng 9G, Loominous Slime and Fidgets ng 9H, at Indigo Kollectibles ng 9I.

Bahagi ang Sinag Agustino ng Project-Based Learning (PBL) performance task sa asignaturang Christian Living Education na isinagawa katuwang ang Filipino at Social Studies upang maisabuhay ng mga mag-aaral ang diwa ng paglilingkod at pagmamalasakit sa komunidad.

Ulat ni Axel Lucio
Larawan ni Sophia Oro

HALIGI NG KATOTOHANAN, SINAG NG PAGBABAGOHanda ka na bang sumulat upang magmulat? Halina sa Salik, ang opisyal na pahaya...
28/02/2026

HALIGI NG KATOTOHANAN, SINAG NG PAGBABAGO

Handa ka na bang sumulat upang magmulat?

Halina sa Salik, ang opisyal na pahayagang pangkampus sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Colegio San Agustin-Makati, upang maging bahagi ng Lupon ng Pamatnugutan para sa taong panuruan 2026-2027.

Kung taglay mo ang lakas ng loob na iparinig ang iyong tinig sa nakabibinging katahimikan, sindihan ang mitsa ng kamalayan, at paigtingin ang kapangyarihan ng pamamahayag, makiisa sa hanay na kumikilos sa pagkatha ng pagbabago.

I-scan ang QR code o i-click ang Google Forms link para sa mga dokumento ng aplikasyon.

Link: https://forms.gle/Hpx7ypwgw5TR3mZ27

Caption ni Joaquim Concepcion
Disenyo ni Jianna Mariano, Juan Miguel Rubiales, at Sean Francisco

The Commission on Elections has officially released the list of candidates for the upcoming Augustinian Student Governme...
20/02/2026

The Commission on Elections has officially released the list of candidates for the upcoming Augustinian Student Government elections for Academic Year 2026-2027.

As the campaign period begins, the school community is encouraged to review the candidates’ profiles, learn about their respective advocacies and qualifications, and engage in the electoral process responsibly.

The Commission affirms its commitment to ensuring a fair, transparent, and impartial conduct of the elections.

Pubmat by Christine Merano

MIYERKULES NG ABOTaimtim na ginunita ng Colegio San Agustin-Makati (CSA) ang Miyerkules ng Abo, ang pagsisimula ng Kuwar...
18/02/2026

MIYERKULES NG ABO

Taimtim na ginunita ng Colegio San Agustin-Makati (CSA) ang Miyerkules ng Abo, ang pagsisimula ng Kuwaresma, sa pamamagitan ng Banal na Misa at paglalagay ng abo sa noo, na pinangunahan ni Reb. Padre Dante M. Bendoy, OSA, Rektor ng paaralan.

Nakiisa ang buong pamayanang Agustino sa paggunita ng araw bilang hudyat ng panahon ng panalangin, pag-aayuno, at pagkakawanggawa. Ang pagpapahid ng abo ay nagsilbing paalala ng pagbabalik-loob sa Diyos, isang pagpapahalagang inaanyayahang isabuhay ng bawat Agustino.

Binigyang-diin ni P. Bendoy sa kanyang homiliya na ang abo sa ating noo ay hindi lamang paalala ng ating kahinaan bilang tao, ngunit higit pa rito, ang walang hanggang pagmamahal ng Panginoon sa pagbibigay sa atin ng pag-asa at pagkakataong magkaroon ng bagong simula.

Caption ni Lynnette Amaguin
Mga larawan nina Sophia Oro at Sean Gutierrez

TUNGHAYAN: Napuno ng tuwa at malikhaing pagtatanghal ang iba’t ibang bahagi ng kampus sa huling araw ng Augustinian Jubi...
07/02/2026

TUNGHAYAN: Napuno ng tuwa at malikhaing pagtatanghal ang iba’t ibang bahagi ng kampus sa huling araw ng Augustinian Jubilation noong Enero 31, 2026.

Namukod-tangi sa mga programa ang Faculty Variety Show ng High School Department na itinanghal sa Bulwagang Santo Tomas ng Villanova at ang programang Kalokalike ng Faculty, Administrative Staff, and Maintenance Personnel Association (FASAMPA) na ginanap sa Grade School Covered Court (GSCC) kung saan ibinida ng mga g**o ang kanilang husay at diwang masining sa entablado.

Tampok ang talento at sigla, namayagpag sa Colegio San Agustin-Makati (CSA) Gymnasium ang mga piling mag-aaral ng hayskul sa kanilang pagganap sa taunang Battle of the Bands. Muling kinilala rito ang bandang Astra mula sa Baitang 12 na nanatiling kampeon sa ikatlong pagkakataon.

Pinagtibay naman ang pagkakaisa ng mga mag-aaral mula Baitang 7, 8, 11, at 12 sa kani-kanilang Batch Hour na nagsilbing lunan ng sama-samang paggunita sa pangunguna ng kani-kanilang mga konseho.

Sa ritmo ng galing at estratehiya sa palakasan, nagpakitang-gilas ang mga manlalaro ng Baitang 7 at 8 sa kanilang tagisan sa Interbatch Volleyball habang ang koponan naman ng Baitang 9 at 10 ang nagharapan sa Interbatch Basketball.

Bilang pagninilay at pagpapaalala ng pananampalataya, isinagawa bilang pagtatapos ng Augustinian Jubilation 2025-2026 ang Infinite Love sa CSA Gymnasium para sa lahat ng mga mag-aaral at kaguruan ng hayskul sa isang sama-samang pananalangin bilang isang pamayanan.

Caption ni Joaquim Concepcion
Larawan nina Sophia Oro, Autumn Carreon, Jodie Rodriguez, Liusea Gundayao, Renee Sison, at Chloe Tiu

Address

Makati

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CSA Insights-Salik posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to CSA Insights-Salik:

Shortcuts

Share