15/12/2025
REST IN PEACE
Akala ng maraming tao na kapag sila ay namatay ay tapos na ang lahat.
Akala nila na makakapahinga na sila kaya sa kanilang libingan may nakasulat na RIP o Rest In Peace!
Actually, hindi ka talaga maka rest in peace kung doon ka naman mapunta sa impyerno. Kasi ang katawan lang natin ang namamatay pero ang ating kaluluwa ay haharap sa Dios upang hatulan. Ayon sa Hebrews 9:27 "Itinakda sa mga tao na sila'y minsang mamamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom."
Kaya nga habang nabubuhay pa tayo tiyakin natin na mayroon tayong kaligtasan. Sa anong paraan???
Pagsisihan ang iyong mga kasalanan at mamuhay araw araw na ayon sa kalooban ng Dios. "Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.
(1 Juan 1:9)
Sumagot si Pedro, pagsisihan ninyo't talikuran ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa Pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo ay patawarin; at ipagkakaloob sa inyo ang ESPIRITU SANTO.
( MGA GAWA 2:38 )
Tanggapin natin ang ating Panginoong Jesus na Panginoon at tagapagligtas sa buhay mo. Upang kung sakali dumating na sa atin ang kamatayan ay handa tayo. At hindi tayo matatakot mamatay dahil alam natin na lilipat lang tayo ng tirahan doon sa Langit.
Ngunit kung mamatay ka na wala sa buhay mo si Jesus sigurado na ang pupuntahan mo ay sa impyerno!
Kailangan nating tiyakin na mayruon talaga tayong totoong pananampalataya. Dahil hindi lahat na tumatawag sa KANYA na "Panginoon", "Panginoon", ay mapupunta sa langit, kundi yung sumusunod lang sa kalooban ng Ama na nasa langit.
Pahayag 21:8
8. Subalit malagim ang kasasapitan ng mga duwag, ng mga taksil, ng mga nagpapasasa sa kasuklam-suklam na kahalayan, ng mga mamamatay-tao, ng mga nakikiapid, ng mga mangkukulam, ng mga sumasamba sa diyus-diyosan, at lahat ng mga sinungaling.
Ang magiging bahagi nila'y sa lawa ng nagliliyab na asupre. Ito ang pangalawang kamatayan.”
REPENT BEFORE IT'S TOO LATE!