Takot ka ba ?

Takot ka ba ? ​"Isang gabi, isang kwento, isang matinding kilabot.Binubuhay ang mga alamat na magpapatindig ng iyong balahibo. Takot ka ba?"

17/04/2026

"Lalake sa Puno"






"Kapre"Sa liblib na baryo ng San Roque, kung saan ang mga puno ay sobrang tataas, may isang lumang balete na pinaniniwal...
06/04/2026

"Kapre"

Sa liblib na baryo ng San Roque, kung saan ang mga puno ay sobrang tataas, may isang lumang balete na pinaniniwalaang tirahan ng isang dambuhalang kapre. Ang balete ay matatagpuan sa dulo ng kawayanan, at ang mga matatanda sa baryo ay laging nagpapaalala sa mga bata na huwag maglaro malapit dito lalo na kapag lumulubog na ang araw.

Isang gabi, si Mang Tonyo, isang magsasaka na kilala sa kanyang katapangan at pagiging mapangahas, ay pauwi na mula sa kanyang bukid. Nalate siya ng uwi dahil sa biglang pagbuhos ng malakas na ulan, at napilitan siyang dumaan sa daan na malapit sa balete. Habang papalapit siya, may narinig siyang kakaibang tunog – isang malakas na tawa na tila nanggagaling sa pinakagitna ng gubat. Sa simula, inakala niyang tunog lang ito ng hangin, ngunit habang patuloy siyang naglalakad, lalong lumakas ang tawa.

May sumisilip na takot sa puso ni Mang Tonyo, ngunit nagpatuloy pa rin siya. Nang mapadaan siya sa tapat ng balete, bigla na lang may bumagsak na sanga mula sa itaas, halos tumama sa kanyang ulo. Napatingala siya at doon niya nakita. Sa pinakamataas na sanga ng balete, nakaupo ang isang nilalang na singlaki ng dalawang tao, may maitim na balat na parang uling, at ang mata ay nagliliyab sa dilim.
naninigarilyo ng napakalaking tabako, at ang usok nito ay bumubuo ng kakaibang amoy na parang pinaghalong insenso at bulok na dahon. Sa bawat hithit nito, tila umiilaw ang kanyang mga mata at naglalabas ng bahagyang apoy ang dulo ng kanyang tabako. Muling tumawa ang kapre, isang tawang nagpatindig ng balahibo ni Mang Tonyo.

Naramdaman ni Mang Tonyo na tila hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa. Pinipilit niyang tumakbo, ngunit tila nakadikit ang kanyang mga tsinelas sa lupa.Pagkatapos ay dahan-dahang bumaba ang kapre mula sa balete, bawat hakbang nito ay nagdudulot ng bahagyang pagyanig sa lupa.

Nang malapit na ang kapre, tila nanghina ang buong katawan ni Mang Tonyo. Ang dambuhalang nilalang ay umupo sa harap niya, at ang amoy ng tabako nito ay lalong lumakas. Tinitigan siya ng kapre ng matalim, at sa mga oras na iyon, akala ni Mang Tonyo ay katapusan na niya.

Ngunit sa halip na saktan siya, biglang hinagis ng kapre ang kanyang tabako sa paanan ni Mang Tonyo. Ang tabako ay nagdulot ng malaking usok na bumalot sa buong paligid. Nang mawala ang usok, wala na ang kapre. Tanging ang malakas na tawa nito ang maririnig na papalayo, na tila nagpapaalala sa kanya ng kanyang nakakatakot na karanasan.

-The end-

05/04/2026

Tikbalang

"Batibat" "kwento ito ng tito ko na nakatira sa probinsya." Isang gabi, pagkatapos ng mahabang araw ng trabaho sa bukid,...
05/04/2026

"Batibat"

"kwento ito ng tito ko na nakatira sa probinsya."

Isang gabi, pagkatapos ng mahabang araw ng trabaho sa bukid, humiga na si Berto nang maaga. Pagod na pagod siya kaya nakatulog agad.

Bandang alas-dos ng madaling araw, bigla siyang nagising.

Gusto niyang gumalaw, pero hindi niya magawa. Gusto niyang sumigaw, pero walang boses na lumalabas sa bibig niya. Parang may nakadagan sa kanya.

"Paralisis lang 'to," isip niya. "Ganyan lang lagi kapag sobrang pagod."

Pero iba ito.

Naramdaman niya ang mabigat na unti-unting gumagalaw mula sa paanan ng higaan, paakyat sa kanyang binti, hanggang sa kanyang dibdib. Sobrang bigat na parang may malaking sako ng bigas na nakapatong. Halos hindi na siya makahinga.

Pilit niyang iminulat ang kanyang mga mata. Sa dilim, nakita niya ang anino sa ibabaw niya.

Isang nilalang na parang tao pero kulubot ang balat, malaki ang pangangatawan, at may mahahabang kuko at ngipin. Ang pinakanakakatakot—amoy na amoy niya ang amoy ng tuyong kahoy at amoy ng lupa.

Ito ay Batibat. Ang espiritu na naninirahan sa loob ng malalaking puno.

Tinitigan siya nito nang matagal. Nakita ni Berto kung paano ngumisi ang nilalang. Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa mukha niya at narinig niya ang mahinang bulong na parang ungol:

"Akin na ang hininga mo..."

Ramdam ni Berto na unti-unti nang nauubos ang hangin sa baga niya. Namumula na ang mukha niya sa hirap. Akala niya ay doon na siya mamamatay.

Naalala niya ang bilin ng matatanda: "Kapag dinaganan ka ng Batibat, subukan mong kurutin ang sarili mo o galawin ang dila mo."

Ginamit ni Berto ang huling lakas niya. Pinaghirapan niyang igalaw ang dila niya at kinagat ito nang malakas.

"ARAY!"

Dahil sa sakit, biglang bumalik ang kontrol nya sa katawan niya.

Nang tumingin siya ulit, wala na ang nilalang. Pero nandoon pa rin ang mabigat na pakiramdam at ang amoy ng kahoy sa kwarto.

-The end-

05/04/2026

Sigbin





05/04/2026

Ang Batibat




"Ang Babala ng Panaginip"​Bata pa lang ako, may kakaiba na akong kakayahan na hindi ko maipaliwanag. Madalas akong manag...
05/04/2026

"Ang Babala ng Panaginip"

​Bata pa lang ako, may kakaiba na akong kakayahan na hindi ko maipaliwanag. Madalas akong managinip ng mga taong malapit nang mamatay. Sa panaginip ko, nakikita ko silang wala na, kaya paggising ko, laging may tanong sa isip ko: "Bakit siya? Ang lakas-lakas pa naman niya." Noong una, pilit kong pinaniniwala ang sarili ko na ang panaginip ay kabaliktaran ng katotohanan, pero sadyang may mga pagkakataong hindi mo matatakasan ang tadhana.

​Isa sa pinakamatinding pagsubok ko ay nang mapanaginipan ko ang sarili kong Tatay. Nakita ko sa panaginip na siya na ang susunod. Dahil doon, sa halip na matakot, pinili kong samantalahin ang bawat sandaling natitira. Pinakisamahan ko siya nang maayos at mas lalo kaming naging malapit sa isa’t isa. Nang dumating ang araw na pumanaw siya, masakit, pero doon ko napatunayan na totoo ang aking kakayahan.

Simula noon, alam ko na ang ibig sabihin ng bawat pangitain
na kapag napanaginipan ko ang isang tao, siya na ang susunod.
​Ganoon din ang nangyari sa matalik kong kaibigan. Itinuring ko na siyang tunay na kapatid; magkasama kami sa lahat ng lakad, sa inuman,sa hilig namin sa pagmomotor.

​Pero isang gabi, napanaginipan ko siyang namatay. Nagising ako na puno ng pag-aalinlangan dahil "malakas pa siya sa kalabaw" at wala namang sakit. Lumipas ang mga linggo at buwan na tila normal ang lahat, hanggang sa dumating ang birthday ng asawa ko. Isang Sabado iyon, nag-chat ako sa kanya para yayain siyang mag-inuman sa bahay.
Kasama Ang ibang mga kaibigan at kumparehan.

​Hindi siya agad nag-reply. Lumipas ang ilang minuto, nakita kong nag-notif ang pangalan niya, pero hindi siya ang gumagamit ng phone. Ang asawa niya ang nag-reply: "Masakit ang tiyan niya kaya hindi siya makakapunta."

​Doon na bumalik ang kaba sa dibdib ko. Alam ko ang pakiramdam na ito Noong una, sinubukan ko pang lokohin ang sarili ko. Sabi ko, "Baka indigestion lang 'yan," biniro kopa na nag iinarte lang."

​Hindi nagtagal, ang simpleng sakit ng tiyan ay nauwi sa hindi inaasahang balita. napatunayan ko na naman na ang aking panaginip ay hindi lamang basta laro ng isip. Namatay ang kaibigan ko.
Gusto ko mang pigilan ang tadhana, alam ko na ang aking panaginip ay hindi isang babala na pwedeng iwasan, kundi isang paghahanda para sa isang pamamaalam.

-The end-

"Glitch"​Hindi ko akalain na ang pagiging content creator ko ang magdadala sa akin sa isang sitwasyong hindi ko ma-expla...
05/04/2026

"Glitch"

​Hindi ko akalain na ang pagiging content creator ko ang magdadala sa akin sa isang sitwasyong hindi ko ma-explain. Noong nakaraang linggo, pumunta kami sa isang kilalang City sa labas ng Metro Manila—isang bonggang housing project na abandonado at balita ay "smart city" sana pero biglang hininto.
​Gabi na kami nakarating para sa aming paranormal livestream. Habang naglalakad sa madidilim na kalsada, napansin namin na lahat ng streetlights ay sabay-sabay na nag-o-on at off,

​Habang naka-Live kami, may isang viewer na nag-comment:
​"Bakit may bata sa likod niyo na naka-uniporme?"
​Tinawanan lang namin nung una. Pero nung sinubukan kong i-play ang playback ng video gamit ang isang AI voice enhancer para linisin ang ingay, doon kami kinilabutan. Ang maririnig dapat ay boses ko lang, pero sa background, may boses ng isang bata na sumasabay sa bawat salitang binibitawan ko.

​Pag-uwi ko, sinubukan kong i-edit ang vlog sa CapCut. Dito na nangyari ang pinaka-creepy. Tuwing itatapat ko ang cursor sa part ng video, nagka-crash ang laptop ko. Sa huling subok ko, nag-freeze ang screen.

sa video, ang "sarili" ko ay lumingon sa camera—kahit hindi ko naman ginawa 'yun nung shoot. Tapos dahan-dahang ngumiti, at ang mga mata nito ay naging purong itim.

​Hanggang ngayon, nakakatanggap ako ng notifications sa cellphone ko. Mga photos na hindi ko kinuha—puro pictures ko, na ang file location ay nakalagay: "New Smart City,
​Ang pinaka-matindi? Tinignan ko ang analytics ng page ko. May naka-schedule na Live Stream mamayang 3:00 AM. Ang title?
"Paalam: Ang Huling Upload." Hindi ako ang nag-schedule niyan. At ang thumbnail? Picture ko na nakatayo sa harap ng isang abandonadong bahay hawak ang cellphone ko... habang may nakasilip na bata sa bintana.

-The end-

"Doppelganger"Admin, pa-share ulit. Hindi ito gawa-gawa lang; hanggang ngayon, hindi pa rin kami makatulog nang maayos n...
04/04/2026

"Doppelganger"

Admin, pa-share ulit. Hindi ito gawa-gawa lang; hanggang ngayon, hindi pa rin kami makatulog nang maayos ng asawa ko rito sa bago naming nilipatang bahay dito sa Carmona.
​Nangyari ito nitong nakaraang Sabado lang. Bandang 2:00 AM, nagising ako dahil narinig ko ang iyak ng baby namin sa kabilang kwarto. Sanay na ako, kaya tumayo ako nang pikit-mata pa para puntahan siya. Pero paglabas ko, nakita ko ang asawa ko—si Lea—na nakatayo na sa tapat ng pintuan ng nursery.
​Nakatalikod siya sa akin, nakasuot ng puting pantulog, at hinahaplos ang buhok ng anak namin habang nakadungaw sa crib. Sabi ko, "Ma, ako na dyan, matulog ka na ulit."
​Hindi siya sumagot. Tuloy lang siya sa paghaplos, pero napansin ko, parang masyadong mahaba ang mga daliri niya. At ang kilos niya... parang hindi natural, parang "frame-by-frame" kung gumalaw.
​Biglang bumukas ang pinto ng banyo sa likuran ko. Lumabas ang asawa ko—ang totoong Lea—na bagong hilamos ng mukha.
​"O, Pa? Bakit ka nakatayo dyan sa dilim?" tanong niya sa akin.
​Nanlamig ang buong katawan ko. Dahan-dahan kong nilingon yung "Lea" na nasa tapat ng crib. Sa isang iglap, lumingon ito sa akin. Wala itong mukha, at narinig ko ang boses ng asawa ko na lumabas mula bibig nito:​"Sabi ko sa 'yo, ako na ang bahala sa kanya..."

​Sa sobrang takot ko, naisigaw ko ang pangalan ng asawa ko at binuksan ko ang ilaw. Pagpindot ko ng switch, wala na doon yung impostor. Ang anak namin, mahimbing na tulog, pero may nakita kaming tatlong mahahabang hiblang puting buhok sa unan niya—samantalang itim ang buhok ng asawa ko.
​Sabi ng mga matatanda rito sa Carmona, may mga "ligaw na espiritu" raw talaga na mahilig manggaya ng mga taong nakatira sa loob ng bahay.

​Payong kapatid lang: Bago niyo lapitan ang sinuman sa loob ng bahay niyo sa gabi, siguraduhin niyo muna kung sino talaga ang kausap niyo. Mahirap na.

-The end-

Admin, paki-hide na lang ng profile ko. Tawagin niyo na lang akong "Jojo."​Gusto ko lang i-share itong karanasan ko kaga...
02/04/2026

Admin, paki-hide na lang ng profile ko. Tawagin niyo na lang akong "Jojo."
​Gusto ko lang i-share itong karanasan ko kagabi. Rider ako ng isang sikat na food delivery app. Sanay ako sa puyatan, sanay ako sa madidilim na eskinita sa Maynila, pero iba talaga ang "vibe" dito sa Cavite paglampas ng alas-dose ng hatinggabi.

​Bandang 1:15 AM, galing ako ng Imus at pabalik na sana ako ng bahay nang tumunog ang app ko. Malaki ang tip, kaya kahit medyo malayo ang drop-off sa isang subdivision sa bandang Dasmariñas, tinanggap ko na.
​"Isang Bucket ng Fried Chicken at Spaghetti."
​Ang address? Dasmariñas, Cavite - Phase * Block *, Lot *
​Ang Biyahe
​Pagdating ko sa gate ng subdivision, nagtaka ako dahil walang guard. Bukas lang ang gate pero parang abandonado ang guardhouse. Binagtas ko ang kalsada. Yung mga streetlights, kumukurap-kurap, yung iba pundido na. Habang papasok ako nang papasok, lalong tumatahimik. Ang naririnig ko lang ay yung ugong ng motor ko at yung huni ng mga kuliglig na parang sumisigaw.
​Nahanap ko naman yung Block *. Pero yung bahay... parang hindi na tinitirhan. Magulo ang bakuran, puno ng tuyong dahon, at sarado ang lahat ng bintana.

​Nag-message ako sa app: "Sir/Ma'am, nandito na po ako sa labas."
​Wala pang isang minuto, may nag-reply: "Ipasok mo lang sa gate, iwan mo sa lamesa sa terrace. Naka-Gcash na ang bayad."
​Sinunod ko naman. Pagtapak ko sa terrace, ang bigat ng pakiramdam ko. Parang may nakatingin sa akin mula sa siwang ng kurtina. Mabilis kong nilapag ang pagkain. Pero bago ako makaalis, narinig ko ang pinto na bumukas nang dahan-dahan.
​Isang matandang lalaki, payat na payat, at puting-puti ang buhok ang sumilip. Ngumiti siya sa akin, pero yung ngiti niya... hanggang tenga. Ang puti ng mga mata niya, parang walang pupila.
​"Salamat, iho.," sabi niya sa boses na garalgal.

​Paglabas ko ng gate, biglang tumunog ang phone ko. Notification galing sa app:
"Order Cancelled: Rider safety concern flagged in this area."
​Nagtaka ako. Bakit ngayon lang? Chineck ko yung Gcash ko. Pumasok yung bayad,ang pangalan ng sender: "R*STI*U*O M."
​Sa sobrang kaba ko, huminto muna ako sa isang 7-Eleven sa labas ng subdivision para uminom ng tubig. Naikwento ko sa crew yung nangyari at yung address. Biglang namutla yung crew.
​"Kuya, yung Block *, Lot *? Limang taon nang sunog yung bahay na 'yan. Buong pamilya namatay dyan.

-The end-

“Nangungupahan sa Itaas”Lumipat kami sa isang lumang apartment sa Quezon City noong 2019. Hindi siya ganoon kaganda—medy...
02/04/2026

“Nangungupahan sa Itaas”

Lumipat kami sa isang lumang apartment sa Quezon City noong 2019. Hindi siya ganoon kaganda—medyo kupas ang pintura, luma ang sahig, at parang may kakaibang amoy sa hallway. Pero mura ang renta, kaya tinanggap na rin namin.
Dalawa lang ang unit kami sa ibaba, at may nakatira raw sa itaas. Hindi pa namin siya nakikita, sabi ng landlord tahimik lang daw yun, madalas wala.
Unang linggo, okay naman. Pero napansin ko tuwing gabi, bandang alas-2 o alas-3, may maririnig akong mabibigat na yabag sa kisame. Parang may naglalakad pabalik-balik. Minsan may dragging sound pa, parang may hinihila.
Isang gabi, hindi na ako nakatiis.
“Grabe naman yung nasa taas, parang hindi natutulog,” sabi ko sa kapatid ko.
“Tao ba talaga yun?” biro niya. Natawa lang ako noon.
Kinabukasan, kinausap ko yung landlord.
“Kuya, pwede bang pakisabihan yung nasa taas? Ang ingay kasi gabi-gabi.”
Biglang tumahimik yung landlord.
“Taas?” tanong niya.
“Oo, yung tenant po.”
Nagkatinginan sila ng asawa niya. Tapos sinabi niya, medyo alanganin ang boses:
“Ang totoo Wala nang nakatira sa taas. Matagal na.”
Natawa ako. Akala ko binibiro ako.
“Eh sino po yung naglalakad gabi-gabi?”
Hindi siya sumagot agad. Tapos sabi niya:
“Baka daga lang.”
Pero alam kong hindi daga yun.
That night, nag-record ako gamit yung phone ko. Gusto ko patunayan na hindi ako nag-iimagine.
Eksaktong alas dos 2:00AM, nagsimula ulit.
Thump… thump… thump…
Malinaw. Mabigat. May pattern—parang may naglalakad.
Pero may napansin pa ako.
May kasunod na tunog.
Parang… bulong.
Hindi ko maintindihan nung una. Pero habang pinapakinggan ko yung recording, parang may paulit-ulit na sinasabi.
Kinilabutan ako nang marealize ko.
Parang sinasabi niya:
“Tulong… Tulungan mo ako…”
Kinabukasan, umakyat ako.
Sarado yung unit sa taas. May kalawang na yung kandado, parang matagal nang hindi binubuksan.
Pero habang nakatayo ako doon, may narinig akong mahinang tila bulong "tulungan mo Ako"
Mula sa loob.
Napatras ako.
“Hello?” nanginginig kong sabi.
May sumagot.
Mahinang boses.
“Tulungan mo ako hirap na hirap na ako”
Napaatras ako bigla. Bumaba ako ng hagdan
halos talunin Kona Ang hagdan sa takot.

Hindi na rin kami nagtagal sa Bahay nayon.
Pero bago kami umalis, kinausap ko ulit yung landlord.
“Kuya… ano po bang nangyari sa unit sa taas?”
Matagal siyang natahimik. Tapos sinabi niya:
“May dating tenant doon estudyante dyan sa kalapit na unibesidad biktima sya ng r**e pagkatapos pinatay sya.
Hanggang Ngayon Wala pa nanagot Hindi pa nahuhuli Ang may gawa non sa kanya, Naiwan din lahat ng gamit niya sa loob.
may nagrereklamo rin… kaya walang gustong umupa.”
“Binubuksan niyo po ba yung unit?”
Umiling siya.“Hindi na …

Hanggang ngayon, napapanaginipan ko pa rin yun.
Na tila may nabulong Sakin at humihingi ng tulong .
Kahit nasa ibang bahay na ako.

-The end-

Address

Makati

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Takot ka ba ? posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share