News on C

News on C News and Entertainment

400 pamilya,Nabigyan ng reliefgoods sa Pob-1 sa Marilao ng "Ron Quince Foundation"Nasa 400 pamilya na Evacuation Center ...
26/07/2025

400 pamilya,
Nabigyan ng reliefgoods sa Pob-1 sa Marilao ng "Ron Quince Foundation"

Nasa 400 pamilya na Evacuation Center sa Marilao Central School mula sa barangay poblacion 1,na lubhang na apektuhan ng baha dulot ng bagyo at Habagat, ang nabigyan ng reliefgoods mula sa Ron Quince Foundation, sa pamamagitan ng inisyatiba ni Kagawad Kat Santos.

Personal na iniabot sa mga evacuees ni Bb. Roselyn VP for Business Operations ng Dr. Ron Quince Foundation, katuwang ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay, SK Kagawad, Mother Leader at mga Volunteers.

Ang tagpong ito ay isang patunay ng malasakit at tunay na bayanihan sa ating kapwa lalo na sa mga pamilyang hinagupit ng kalikasan.

Samantala nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamahalaang Barangay ng Poblacion 1,sa tulong na pagkain nang Ron Quince Foundation sa kanilang mga kababayan.(TDA)

Mga Kulot at Unat,Hinatiran ng DSWD family foodpacks.Nasa higit 1000,pamilya ng mga Kulot o Aeta at mga unat o tagalog s...
25/07/2025

Mga Kulot at Unat,
Hinatiran ng DSWD family foodpacks.

Nasa higit 1000,pamilya ng mga Kulot o Aeta at mga unat o tagalog sa liblib na bahagi ng Brgy, Sta.Fe sa bayan ng San Marcelino sa lalawigan ng Zambales.

Mismong ang mga tauhan ni Congressman Jay Khonghun, ang nag-abot at umalalay sa mga residente na apektado ng kalamidad dulot ng Habagat at mga bagyo,na tumanggap ng DSWD family foodpacks.

Sa mensahe ng Kongresista ,muli nyang sinabi na mananatili ang pagkalinga, pagdamay, at pangakong hindi sila iiwan, kailanman.

Aniya sa bawat kahon ng pagkain, kalakip nito ang pag-asang magpapatibay at magpapatunay na may gobyernong patuloy na kakatok sa pintuan ninyo sa gitna ng unos at kalamidad.

Samantala nagpaabot naman ng pasasalamat pamunuan ng barangay sa malasakit ng kanilang LGU at ng Bagong Pilipinas.(TDA)
Photo courtesy by team Khonghun.

Construction worker,nalunod habang namimingwit sa Bukid.Nasawi ang isang construction worker, habang namimingwit ng bigl...
25/07/2025

Construction worker,
nalunod habang namimingwit sa Bukid.

Nasawi ang isang construction worker, habang namimingwit ng bigla na lamang itong lumubog sa gitna ng bukid na may lallim na 7 hanggang 8 talampakang tubig baha,

Sa inisyal na report ni Calumpit Chief of Police P/Maj.Leo Estorque, nadulas at nahulog sa malalim na tubig-baha sa bahagi ng bukid ang biktimang si Christian Birameda 37 anyos ng Brgy, Pungo Calumpit.

Ayon sa MDRRMO Calumpit, ganap na alas-4:00 ngayong hapon Hulyo 25 ng mangganap ang insidente ng umanoy pagkalunod.

Dahil dito nagtulong-tulong sa paghahanap ang reserved ng Phil Coast guard, Calumpit Rescue, PNP, PDRRMO at Brgy Council.

Ganap na alas-5:30 ngayong hapon ng matagpuan ang katawan ng katawan ng biktima.(TDA)
Photo courtesy by Calumpit PNP/PDRRMO.

BULAKAN-BULACAN,NASA ILALIM NA RIN NG  STATE OF CALAMITYDAHIL sa matinding pinsala  sa hanap-buhay, pananim at ari-arian...
25/07/2025

BULAKAN-BULACAN,
NASA ILALIM NA RIN NG STATE OF CALAMITY

DAHIL sa matinding pinsala sa hanap-buhay, pananim at ari-arian na dulot ng ilang araw na pagbaha dala ng Habagat, na pinalala ng Hightide.

Inilabas ngayong araw ni Mayor Vergel Meneses ang Municipal Resolution No. 035 - 2025 ng ika-12th Sangguniang Bayan ng Bulakan,na nagdidiklara ng State of Calamity.

Layon nitong matulungan ang mga residente at infra, na naperwisyo ng baha,sa pamamagitan ng Calamity funds.(TDA)

Mga Katutubong Dumagat,Inabutan ng tulong-pagkain ng mga Kuya at Ate ng CAREs.Nasa 51 pamilya ng katutubong Dumagat sa S...
25/07/2025

Mga Katutubong Dumagat,
Inabutan ng tulong-pagkain ng mga Kuya at Ate ng CAREs.

Nasa 51 pamilya ng katutubong Dumagat sa Sitio Kambubuyugan sa Barangay Kalawakan sa bayan ng Doña Remedios Trinidad Bulacan ang benepisyaryo ng bigas at nilagang itlog ng itik mula sa munting contributions ng mga Kuya at Ate ng Congress of Asia Republic Elites Eagles Club na pinamumunuan ni Kuya Pres.Vince Saria, sa ilalim ng Central Luzon Region 79.

Personal na inihatid ng mga Kuya, sa bahay ni IPMR Boardmember Liberato Sembrano ang 3 bags ng tig-25 kilo na bigas at 4 na tray ng nilagang itlog ng Itik.

Mismong si Bokal Sembrano ang nagdala ng bigas sa sitio ng mga katutubo Dumagat.

Makikita sa mga mukha ng bata ang saya, ng mabigyan ng nilagang itlog,labis naman ang pasasalamat ng mga pamilya ng katutubo sa biyayang hatid ng mga Kuya at Ate ng CAREs.(TDA)

Mga katutubo,sa Gitnang Luzon buo ang suporta sa Aredumstrico.Tiwala at suportado nang mga katutubong Aeta at Remontado ...
25/07/2025

Mga katutubo,
sa Gitnang Luzon buo ang suporta sa Aredumstrico.

Tiwala at suportado nang mga katutubong Aeta at Remontado Dumagat ang mga programang pangkabuhayan ng Non Government Organization na Aredumstrico na pinamumunuan ni Suprema Bae Kalikasan Lorilyn I. Tobias.

Dahil dito nagkaroon ng pakikipagpulong ang mga Tribal chieftain mula sa Zambales, Bulacan at Bangsamoro sa tanggapan nito sa Brgy, Ulingao San Rafael Bulacan.

Hinimok ni Bae Kalikasan, ang mga Chieftains, na palawakin ang pagtatanim ng Cacao,Guyabano at Cafe sa mga lupain na sakop nang native tittle o Ancestral Domaine para sa kanilang kabuhayan, kung saan may 68 hektarya na lupin ng katutubo sa Tarlac at Bulacan ang maaring taniman ng fruit bearing trees at iba pang halaman.

Ayon kay Dumagat Tribal Chieftain Rodolfo Delfin/Datu Bituin, mula sa Brgy, Camachin sa bayan ng Doña Remedios Trinidad Bulacan.

Aniya una na silang nagtanim ng nasa 3,000 puno ng Cacao, habang si Aeta Tribal Chieftain, Throlie Romualdo mula sa Olongapo -San Marcelino Zambales, nasa 200 puno na nang saging at puno ng niyog ang kanilang itinanim sa kanilang Ancestral Domaine.

Samantala umapila si Bae Kalikasan sa mga Indigenous Peoples (IPs) sa Aurora, Nueva Ecija, Tarlac , Pampanga, Bulacan, Zambales at Bataan.

Na walang kinalaman o hindi konektado ang Aredumstrico Agricultural Forest Village Development Foundation Inc, sa anumang transaksyon ng "United As One Peoples Organization at United As One Sectoral Association.

Kasunod nito'y muling ipinaalala ng opisyal, na ang aplikasyon at koleksyon para sa membership sa Tribal Village ay itinigil na base sa kanilang advisory noong Hunyo 2 2025.

Kaugnay naman sa validation at update ng kanilang aplication bago ang nasabing petsa, maari silang magsumite ng kanilang dokumento sa FB page na Tribal Village-SJDM.(TDA)

Steel bridge,Bumagsak, malaking truck nahulog.Nawasak ang tulay na bakal ng dumaan ang isang 12Wheeler truck sa Barangay...
25/07/2025

Steel bridge,
Bumagsak, malaking truck nahulog.

Nawasak ang tulay na bakal ng dumaan ang isang 12Wheeler truck sa Barangay Aguado sa bayan ng Trece Martires, Cavite.

Dahil dito sarado muna sa mga motorista ang naturang tulay,habang ipinaalala ng LGU na humanap ng alternatibong rota ang sasakyan.

Partikular ang mga residente mula sa Pag-asa 1 at 2 maging ang Southville Phase 2 .(TDA)
📷: Mayor Gemma Buendia Lubigan / Facebook.

Mag-asawa,Nasawi sa Live wireAgad binawian ng buhay ang mag-asawa makaraang makuryente sa loob ng kanilang bakuran na lu...
24/07/2025

Mag-asawa,
Nasawi sa Live wire

Agad binawian ng buhay ang mag-asawa makaraang makuryente sa loob ng kanilang bakuran na lubog sa hanggang binti na tubig baha sa Brgy, Calumpang Calumpit Bulacan.

Sa inisyal na report ng MDRRMO ganap na alas- 8 ; 00 kaninang umaga ng Hulyo 24 2025 ng mangyari ang insidente.

Kinilala ang mga biktima na sina Lolo Felipe Razon Jr, 74 at asawa nito na si nanay Ofelia Santos 57 anyos.

Base sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad nakita na lamang na nakatihaya ang mag-asawa, na nakalutang sa tubig baha sa loob ng kanilang compound.

Ayon kay Carlo Torres, Rescue responder ng MDRRMO Calumpit, nakita nila sa lugar ang bumagsak na yero na bahagi ng kanilang kubo, kung saan may nakitang nakalaylay na kable ng kuryente na posibleng naging sanhi ng pagkakakuryete ng mag-asawa.

Ganap na alas-11:00 kaninang magtatanghali ng dumating ang Meralco na nagputol ng supply ng kuryente sa lugar.

Samantala naulila ng mag-asawa ang 7 nilang anak.

Kaugnay nito'y nagpaabot naman ng pakikidalamhati ang pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamilya ng mga biktima.(TDA)
Photo courtesy by MDRRMO Calumpit.

Modular TentsSa mga binaha sa Bulacan.TESDAMAN Senator Joel Villanueva nagpadala ng mga modular tents sa mga evacuees sa...
23/07/2025

Modular Tents
Sa mga binaha sa Bulacan.

TESDAMAN Senator Joel Villanueva nagpadala ng mga modular tents sa mga evacuees sa Calumpit National High School na lubhang apektado ng baha.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Mayor Lem Faustino at Sangguniang Bayan(TDA)

Kapitan del Barriosa Guimba patay ,anak sugatan sa pamamaril.Agad binawian ng buhay ang Barangay chairman ng  Brgy, Bani...
23/07/2025

Kapitan del Barrio
sa Guimba patay ,anak sugatan sa pamamaril.

Agad binawian ng buhay ang Barangay chairman ng Brgy, Banitan, habang sugatan din ang anak nito makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek, habang nasa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Guimba Nueva Ecija.

Sa report na tinanggap ni Nueva Ecija Acting PNP Provincial Director PCol.Heryl Bruno,kinilala ang biktima na si Kap.Cenon Pineda nasa hustong gulang residente sa nabangit na barangay, habang sugatan din sa pamamaril ang anak nito na si Noel.

Base sa paunang imbestigasyon ng mga pulis ganap na alas-2:00 ng hapon Hulyo 23 2025 ng maganap ang pamamaril sa leader ng Barangay.

Agad namang isinugod sa PJG Hospital ang anak ng barangay-chairman para sa agarang lunas.

Samantala nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Guimba PNP upang matukoy kung sino at ano ang motibo nang pamamaril kapitan ng barangay.(TDA)
Photo courtesy by Radyo Natin Guimba.

Boxing Match,PNP Chief vs Mayor BasteAprub si PNP Chief Gen. Nicolas Torre III ang hamon ni Davao City Acting Mayor Seba...
23/07/2025

Boxing Match,
PNP Chief vs Mayor Baste

Aprub si PNP Chief Gen. Nicolas Torre III ang hamon ni Davao City Acting Mayor Sebastian Duterte na suntukan.

Aniya gawin itong boxing match for a cause, upang makalikom na pondo para sa mga biktima ng Bagyong Crising at Habagat.

Handa umano siyang sumabak sa 12-round boxing match na pwedeng gawin sa Araneta Coliseum ngayong linggo, alas-9 ng umaga.(TDA)

PHP 3.2 M HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA BUY-BUST OPERATION SA BULACAN Arestado sa isinagawang buy bust operation ng mga o...
21/07/2025

PHP 3.2 M HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA BUY-BUST OPERATION SA BULACAN

Arestado sa isinagawang buy bust operation ng mga operatiba ng Baliwag pulis ang isang lalaki na sangkot sa illegal na droga sa Baliwag City.

Sa report na tinanggap ni PRO3 Dir. Ponce Rogelio Peñones Jr. kinilala ang nadakip na suspek na si Alyas Rex, 45 anyos, residente ng Brgy, Sto.Cristo sa naturang lungsod.

Nakumpiska mula sa suspek ang 5 plastic sachet ( ice packs) at isang Medium size ng plastic na naglalaman ng 475.5 na gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php.3,233,400.00 at buy bust money.

Samantala detenido ngayon ang suspek sa Baliwag City jail sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).(TDA)

Address

Makati

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when News on C posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share