Pacific Cross HMO Phils. By: Cristina Shimizu

Pacific Cross HMO Phils. By: Cristina Shimizu Licensed Medical Sales Executive, advocating the value of health insurance for every Filipino family.

Committed to helping individuals secure financial protection and peace of mind with the right healthcare coverage.

'Health is Wealth and God is Good"

20/11/2025

Maging handa para hindi magbayad ng ganito kalaking halaga sa ER!

12/09/2025

Saan napupunta ang sahod mo? May naipon kaba once magkasakit ka?or puro ka gastos?

12/09/2025

Akala nyo mahal ang kumuha ng health insurance, mas mahal po magkasakit ng walang health card! 🥲

22/08/2025

Sad naman neto! ゚viralシviralシfypシ゚viralシalシ

22/08/2025

Ugali nating mga Pinoy: Kung kelan may sakit na saka pa lang kukuha ng health insurance, paano kung hindi kana insurable ? 🌟 ゚viralシviralシfypシ゚viralシalシ

Pacific Cross Health Insurance ProposalFor: 35 Years Old ClientWe are pleased to present health plan options designed to...
18/08/2025

Pacific Cross Health Insurance Proposal

For: 35 Years Old Client

We are pleased to present health plan options designed to provide financial security and peace of mind in times of medical need.

⸻

Option 1: Ward Room Plan
• Annual Premium: ₱12,093
• Room Type: Ward
• Coverage Limit: ₱1,000,000 per illness

⸻

Option 2: Semi-Private Room Plan
• Annual Premium: ₱18,884
• Room Type: Semi-Private
• Coverage Limit: ₱1,500,000 per illness

⸻

Option 3: Private Room Plan
• Annual Premium: ₱32,514
• Room Type: Private
• Coverage Limit: ₱2,000,000 per illness

⸻

Key Benefits Across All Plans

✔️ In-Patient Care – Full coverage for hospitalization, surgery, and room & board according to plan type.
✔️ Outpatient Benefits – Coverage for doctor’s consultation, diagnostics, and minor procedures.
✔️ Emergency Care – Worldwide emergency treatment, including ER services and ambulance.
✔️ Preventive Care – Annual physical exam and preventive check-ups.
✔️ Global Coverage – Access to hospitals and medical providers locally and internationally.
✔️ Financial Protection – High coverage limit per illness, ensuring you are secured from costly medical bills.

⸻

đź’ˇ With Pacific Cross, you are not only securing your health but also protecting your family from financial burdens during unexpected medical events.

I was diagnosed with panic attacks or anxiety disorder. Dahil dito, nagpalit ako ng psychiatrist na malapit sa lugar nam...
18/08/2025

I was diagnosed with panic attacks or anxiety disorder. Dahil dito, nagpalit ako ng psychiatrist na malapit sa lugar namin at niresetahan niya ako ng gamot para makalma ang isip ko. Hindi ko akalain na magkaroon ako ng matinding allergic reaction mula sa gamot na iyon.

Palipat-lipat ako ng ospital dahil hindi agad matukoy ng ibang doctor kung ano talaga ang sakit ko. May isang doctor pa na nagsabi na baka may lupus ako 🥲. Dahil dito, nagdesisyon akong lumipat ng ospital at pumunta sa Makati Med.

Sa ER pa lang, sobrang inasikaso na nila ako. Kinuhaan ako ng HIV test dahil ang mga sintomas ko ay halos kahawig ng AIDS: mataas na lagnat, rashes sa buong katawan, pamamaga ng mga kamay na may blisters, at mga singaw sa bibig na halos nag-nana na.

Paglipat ko sa room, iba’t ibang espesyalista ang tumingin sa akin — rheumatologist, dermatologist, at infectious disease doctor. Maraming tests ang ginawa hanggang natukoy nila ang sakit ko. Isang rare at nakamamatay na kondisyon pala ang meron ako, ang tinatawag na SJS (Stevens-Johnson Syndrome). Nakukuha ito mula sa reaksyon ng katawan sa gamot o pagkain na hindi natin alam na allergic pala tayo.

Salamat sa Diyos at naagapan ako. Buti na lamang at meron akong health card na nagamit (₱1M coverage), dahil umabot ng halos ₱500,000 ang hospital bill ko.

Imagine kung wala tayong health card, tapos may ganyang karamdaman pa — samahan ng acid reflux o GERD — sobrang hirap po! Kaya iwasan natin ang stress at mga bagay na makakasama sa ating kalusugan. Sabi nga ng dermatologist ko, “Worries and anxieties are not from God.” Kaya kailangan tulungan din natin ang ating sarili sa pamamagitan ng self-love, self-care, at pag-iwas sa toxic people o relationships na nagti-trigger ng sakit.

Higit sa lahat, magtiwala tayo sa Diyos. Siya lamang ang may kontrol ng lahat. Mapapagod lang ang isip natin kung puro pag-aalala. Kaya mas mabuti na ibigay at isuko natin lahat sa Kanya. Tayo’y magpatuloy sa pagbabasa ng Kanyang Salita at magpakatatag sa pananampalataya.

Be strong in the Lord.
With love,
Kristina

“Ma, ikaw ang unang nag-alaga sa akin… ngayon, ako naman ang mag-aalaga sa’yo.Ayokong dumating ang araw na magkasakit ka...
12/08/2025

“Ma, ikaw ang unang nag-alaga sa akin… ngayon, ako naman ang mag-aalaga sa’yo.
Ayokong dumating ang araw na magkasakit ka tapos mag-aalala tayo kung saan kukuha ng pang-hospital.
Gusto ko, kahit anong mangyari, ligtas ka at may peace of mind ka.

Kaya kumuha ako ng health insurance para sa’yo.
Hindi ito gastos—ito’y pagmamahal na may kasamang proteksyon.” ❤️

📌 Mahal mo ba ang nanay mo? Siguraduhin mong may health card siya.

‼️HULI NA, MAHINA NA BAGA KO.August 2022 - Nagsimula itong sakit ko na to. Nanghihina, bumibigat yung dibdib ko. Dumudur...
11/08/2025

‼️HULI NA, MAHINA NA BAGA KO.

August 2022 - Nagsimula itong sakit ko na to. Nanghihina, bumibigat yung dibdib ko. Dumudura na din ako ng plema na hindi normal kase laging may laman ung ubo ko. Nagpabaya ako. Sige lang trabaho lang. Mekaniko trabaho ko. Dahil malakas ako kumita, hindi ko na pinansin itong nararamdaman ko. Mahalaga eh may perang napasok sa bank account ko.

December 2022 - Yung dura ko may kasama ng dugo. Konti pa lang. Parang toothpaste ng c|osĂŞ-up red. Magkahalong plema at dugo. Dahil holiday, skip muna yung check up. Next year na lang.

January 2023 - Nagpacheck up na agad ako sa Alabang Med. Nadiagnosed ako ng Tuberculosis o TB kung tawagin. Kumpleto naman ung reseta. Kaso pasaway ako eh. Nasa isip ko pa din kumita ng pera.

Habang lumilipas ang mga buwan, gumagawa pa din ako habang nagpapagaling sa TB. Mga boss, mekaniko ako ng sasakyan. So alam nyo na kapag mekaniko ka, mabibigat ang mga trabaho at talagang nakakapagod. Pinagbawalan na ako ng doctor na huwag muna magtrabaho. Magpahinga na lang muna daw ng 6 na buwan dahil kailangan yun gawin para gumaling agad yung nadiagnosed na TB sakin. Kaso hindi ako nakinig. Mas iniisip ko kumita pa ng pera. Kaya inabot ng 1 taon ang gamutan ko na hindi naman normal sa isang may TB na nag gagamot dahil dapat 6 na buwan lang.

Bumalik ako sa Alabang Med. Sariwa na kase yung dugo na dinudura ko. Disappointed sakin yung doctor dahil inamin ko lahat na hindi naman talaga ako nagpahinga. Nagpatuloy ako sa work. Nilihim ko pati pagkain ng mga bawal. Ang ginawa nya, gumawa sya ng bagong reseta sakin at ang huling sinabi nya "Kapag dumugo pa yan baga mo, sa emergency ka na pumunta".

December 2023 - Nasa Bulacan ako. Hindi ko alintana ung pagod. Bigla akong nagblow ng maraming dugo. Naalala ko yung sabi ng doctor sakin sa Alabang Med. Ayon, isinugod na ako sa hospital. Sobrang abala nun sakin. Sa Pampanga Premier Hospital ako dinala kase yun yung pinakamalapit na hospital na alam kong magsasalba sa buhay ko kase hirap na din ako huminga talaga. 1 week ako na admit.

Walang nadiagnosed sakin. Clear na daw ako sa TB pero may naiwang scar at mahina na daw ang baga ko. Kailangan ko lang daw ng mahabang pahinga. Sabi ng doctor, kailangan ko muna magpahinga. Huwag muna daw ako magtrabaho. Kaso February pa lang nasa trabaho na ako. Pwersa malala na naman. Pasaway talaga ako eh. Wala naman ng dugo sa dura ko kako. Pero nung 1st week ng March 2024 dumugo ulit. Bumalik yung dugo na nakahalo sa plema ko. Inuubo na naman ako pero slight lang. Nawalan na ako ng pag-asa kase sinasabi ng mga doctor sakin wala naman nakikitang problema sa baga ko bukod sa may mga scar o peklat. Di na raw mawawala un. Ilang x-ray na ginawa sakin at ct-scan pero Wala silang nakitang problema. Best advice lang talaga is magpahinga. Walang kailangang inuming gamot bukod sa vitamins. Kaso naulit lang. Back to zero na naman. Parang walang nangyare sa hinihintay kong pag galing. Aminado naman akong kasalanan ko din dahil hindi talaga ako sumunod sa utos ng mga doctor.

Naging normal na lang sakin yung madalas nadura ako ng maraming dugo na sariwa. Pag umubo ako, nakaka isang tasang dugo ako pero okay lang ako. Nangyayare yan kapag galing ako sa trabaho, o nagpwersa ako. Nagpapagod ako sa araw, tapos sa gabi na dumudugo. Normal na lang sakin kahit mukhang delikado na talaga.

Ito na. Dito na ako muntik talaga matuluyan.

March 28 2025 ng gabi - Galing akong work. Galing sa matindihang gawa. Mag isa lang ako sa apartment. Wala akong nararamdaman. Pagod lang. Pero bigla na lang akong umubo at wala ng tigil yung agos ng dugo sa bibig at ilong ko, as in parang gripo na umaagos sa bibig at ilong ko. Hinintay ko tumigil. Ayaw talaga. At dun ko na din unti-unting nararamdaman na hirap na ako huminga. Alam ko sa isip ko na kapag binalewala ko yun, minuto na lang talaga ang itatagal ko. Tumakbo ako papuntang garahe ng kotse habang umaagos ung dugo sa ilong ko. Nagdrive ako. Mabuti na lang walang traffic sa dinadaanan ko. Sinalpok ko pa yung shoppee rider at tumumba. Hindi ko na sya hinintuan dahil mamamatay na ako. Sorry sa rider na yun. Nabutas at yupi bumper ng kotse ko. Drive lang ako. Mamamatay ako kako kapag inuna ko pa yung rider na tumalsik. Sorry sa rider dahil gas pedal natapakan ko hindi preno.

Ang naalala ko na lang ay noong nasa emergency na ako sa Parañaque Medical Hospital, ina-assist ako ng gwardya at wala na akong na-aalala. Private pa din. Ayoko sa public hospital dahil marami akong kakilala na namatay dahil sa bagal ng serbisyo at delay na aksyon ng mga doctor. Hindi ko po nilalahat yung mga doctor sa public hospitals. Marami pa din magagaling. Sinigurado ko lang talaga na mabubuhay pa ako.

Tinubuhan ako. Ilang araw ako nasa ICU. Sinasuction ako. Mano-manong inilalabas sakin yung mga dugo na namuo sa baga ko. Sobrang sakit. Nararamdaman ko yung tusok ng mga suction hose sa baga ko. Pinapasok ng mga doctor sa bunganga ko ung maninipis at transparent na hose sa bunganga ko at vinavacum nila palabas. Nakikita ko yung mga dugo palabas na namuo sa baga ko na syang dahilan bakit hindi na ako makahinga ng maayos nung gabi na yun. Naluluha ako nung mga time na yun. Paulit-ulit ung proseso. Kailangan daw kase maubos ung mga nabuong dugo sa baga ko. Sinimot talaga nila. Kaya ilang araw akong nagdusa sa sakit. Sabi ko ayoko na. Last na to. Hindi na ako babalik sa ganitong sitwasyon.

Salamat sa mga doctor na sina Dr. Guevarra ng Pampanga Premier Hospital at si Dr. Cabal ng Parañaque Med Hospital. Dinugtungan pa nila ang buhay ko.

Ngayon, ubos na ako. Negative na. May utang pa. Totoo yung sinasabi ng mga tao sa paligid ko na ingatan dapat ang kalusugan, huwag papabayaan dahil lahat ng kinikita mo, ibabayad mo lang din yan lahat sa hospital. Nagkatotoo nga. Nagkautang pa ako.

Salamat sa utol ko. Kay Allan. Plano ko na ibenta lahat, kotse, motor at mga gamit. Lahat. Pero dahil sayo hindi nangyare. Nandyan ka para suportahan ako sa mga problema ko. Salamat din sa mga tumulong sakin dito sa Facebook. Kung sino pa yung mga taong hindi mo inaasahan, sila pa yung kusang tumulong. Hindi ko talaga kayo makakalimutan. Nakatatak kayo sa isip ko. May mga gusto pa din tumulong pero tinanggihan ko na dahil nakalabas na ako ng hospital. Sa mga customers ko na nag abot sakin at hindi na nagpamention, salamat din. Pag binigyan pa ako ni Lord ng isa pang pagkakataon, tutulong din ako. Lalo na sa mga taong palihim na lumapit sakin at binigyan ako.

Sa ngayon, hindi pa normal ang baga ko. Nadugo pa din kapag nagpwersa ako. Vitamins, maayos na pagkain, tamang oras ng pagtulog at iwas na sa mga nakakapagod na gawain.

Sa mga workaholic na kagaya ko dyan, hinay hinay lang. Wag sagarin ang sarili. Ganyan din ako sayo noon, hindi alintana ang pagod, nagpupuyat, puro processed foods, walang sapat na tulog, stress, bihira magtubig. Ito ako ngayon, sinisingil na ng sarili kong katawan. Ang dating may mataas na pangarap sa buhay, ngayon isinantabi ko na. Dahil mahalaga na sakin ang kalusugan, hindi na ang pera at mga hangarin sa hinaharap.

Wala po akong bisyo. Alak at sigarilyo hindi ko po yan hilig.

Sa ngayon kailangan ko ulit magpa CT scan para mabantayan ko yung kalagayan ng katawan ko. Base sa recommendation ng doctor, posible akong i-biopsy para malaman nila ang kondisyon ng baga ko. Makikita sa camera kung anong meron sa loob ng baga ko. Pero nakadepende po sa result ng CT scan ang biopsy recommendation sakin.

Restart na sa buhay.
Lord, maraming maraming salamat sayo. Dahil sayo, natuto ako.



Yan ang Pinoy! Puro work pero walang health card hindi nila eto priority! Kaya kapag nagkasakit lubog sa utang. 🥲

Doctors warn: if you have these tiny red dots on your arm or hand, do not ignore the warning signs 🚨Paano na kung EMERGE...
11/08/2025

Doctors warn: if you have these tiny red dots on your arm or hand, do not ignore the warning signs 🚨

Paano na kung EMERGENCY at hindi tayo ready? At walang health card?

8 buwan na ang nakalipas…Nagkasakit ako—matinding rashes, mataas na lagnat, at walang tigil na paglipat-lipat ng ospital...
11/08/2025

8 buwan na ang nakalipas…
Nagkasakit ako—matinding rashes, mataas na lagnat, at walang tigil na paglipat-lipat ng ospital. Iba-iba ang diagnosis, pero wala pa ring malinaw na sagot.

Hanggang sa dinala na ako sa Makati Med.
Doon ko nalaman ang totoo: Steven Johnson Syndrome (SJS) — isang bihira at life-threatening na sakit.
30% ng katawan ko ay parang nasunog, puno ng singaw ang bibig ko.
Lahat ito dahil sa allergic reaction sa gamot na inireseta sa akin.

Alam niyo ba?
Ang SJS ay nakamamatay lalo na kung mahina ang immune system. Maaari itong makuha mula sa pagkain o gamot na hindi mo alam na allergic ka pala.

Pero sa gitna ng lahat ng iyon…
Buti na lang may health card ako sa Pacific Cross, may coverage na ₱1M.
Umabot ng ₱500,000 ang hospital bills ko—lahat iyon, covered.

Ngayon naiisip ko:
Paano kung wala akong health card? Paano kung wala akong ipon? Paano kung mangyari ito sa’yo o sa mahal mo sa buhay?

Hindi natin alam kung kailan darating ang sakit o aksidente.
Pero may magagawa tayo ngayon para handa tayo bukas.

đź’™ Magpa-insure ka habang malusog ka pa.
Para sa’yo. Para sa pamilya mo.

🙏 Thank God, treatment came just in time.
🙏 Thank God, I already had health insurance.

Because of it, I didn’t have to choose between getting the best care or worrying about money.
I could focus on fighting for my life.

💡 Friends, we don’t know what tomorrow will bring.
Prepare today. Protect your future.

📲 Message me — I’ll help you find the right coverage for you and your family.







Address

8th Floor Rockwell Building Hidalgo Drive
Makati
1226

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pacific Cross HMO Phils. By: Cristina Shimizu posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share