Pilipinas Today

Pilipinas Today Balitang Pilipinas, Balita Today

‘NAKATUTOK KAAGAD KAY VP SARA?’ — SEN. BATODiretsahang nag-react si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa hinggil sa pagtatalaga ...
09/10/2025

‘NAKATUTOK KAAGAD KAY VP SARA?’ — SEN. BATO

Diretsahang nag-react si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa hinggil sa pagtatalaga kay dating Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang bagong Ombudsman, kasunod ng pahayag ni Remulla na tututukan niya ang paunang imbestigasyon sa umano’y maling paggamit ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte.

Tinanong ni Dela Rosa kung bakit ang “first order of the day” ng bagong Ombudsman ay nakatutok agad umano kay VP Sara.

Aniya, maaaring magdulot ito ng maling impresyon sa publiko hinggil sa direksyon ng mga imbestigasyon.







Agad na pinalikas sa isang open field ang mga estudyante ng St. Louis University-Maryheights Campus sa Baguio City matap...
09/10/2025

Agad na pinalikas sa isang open field ang mga estudyante ng St. Louis University-Maryheights Campus sa Baguio City matapos tumama ang magnitude 4.8 lindol sa La Union na naramdaman sa lugar ng Intensity V bandang alas-10:30 ng umaga ngayong Huwebes, Oktubre 9.

Ayon sa PHIVOLCS, ang epicenter ng lindol ay nasa Pugo, La Union at may lalim na 13 kilometro.

Patuloy naman ang monitoring ng mga awtoridad para sa posibleng aftershocks.

📸 Kernel Dela Peña



Verse of the dayJuan 1:9Subalit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, a...
09/10/2025

Verse of the day

Juan 1:9
Subalit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.

Mas makabubuti rin umanong ikonsidera ang pagbabawas ng gastusin sa Department of Public Works and Highways (DPWH) proje...
09/10/2025

Mas makabubuti rin umanong ikonsidera ang pagbabawas ng gastusin sa Department of Public Works and Highways (DPWH) projects para matugunan ang mahigit 160,000 classroom shortage sa bansa, ayon kay Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste.

Sa isang privilege speech nitong Miyerkules, Oktubre 8, muling binigyang-diin ni Rep. Leviste na mahalagang ikonsidera ang pagbabawas ng Detailed Unit Price Analysis (D**A) ng DPWH at magpatupad ng cost-cutting o kanselahin ang mga proyekto na hindi pa nabi-bid o naipatutupad para makatipid ng hanggang ₱400 bilyon.

“We can save P400 billion, enough to build new classrooms in every school nationwide, without additional expenses, debts or taxes from the government,” sabi ng bagitong kongresista.

“Para sa mahigit P1 trilyon na mga kasalukuyang proyekto ng DPWH, maaari pa itong kanselahin o i-reprice. Ang Government Procurement Reform Act ay may probisyon para sa Termination for Unlawful Acts at Termination for Convenience,” dagdag ni Leviste.




09/10/2025

BURNHAM PARK, GINAWANG EVACUATION CENTER

Nagkumpulan ang mga estudyante, g**o at empleyado ng Baguio City National High School sa skating rink ng Burhnam Park matapos maramdaman ang magnitude 4.8 earthquake na yumanig sa siyudad alas-10:40 ng umaga ngayong Huwebes, Oktubre 9.

Nagsasagawa na rin ng inspeksiyon ang mga city engineers sa iba’t ibang lugar sa siyudad upang matiyak na ligtas pa rin ang mga ito sa kabila ng naganap na lindol.(Video courtesy of Padig Vicente)



CARABAO RACING SA PANABO CITY 🐃🏁Bilang bahagi ng ika-13 Binulig Festival, isinagawa ngayong araw ng Huwebes, Oktubre 9, ...
09/10/2025

CARABAO RACING SA PANABO CITY 🐃🏁

Bilang bahagi ng ika-13 Binulig Festival, isinagawa ngayong araw ng Huwebes, Oktubre 9, ang masayang Carabao Racing sa Binulig Agri-Village, Panabo Gym Grounds.

Nagtipon ang mga Panaboan upang masaksihan ang karera ng mga kalabaw, tampok sa selebrasyon ng kultura at agrikultura sa nasabing lugar.

Courtesy: Panabo City Information Office/ Facebook




Ina ng laging saklolo, tulungan mo kami sa araw-araw. Amen.
09/10/2025

Ina ng laging saklolo, tulungan mo kami sa araw-araw. Amen.


Si Remulla ang pumalit kay dating Ombudsman Samuel Martires, na nagretiro kamakailan matapos ang kanyang anim na taong p...
09/10/2025

Si Remulla ang pumalit kay dating Ombudsman Samuel Martires, na nagretiro kamakailan matapos ang kanyang anim na taong panunungkulan.



Sa ginanap na joint press conference ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Independent Commission for Inf...
09/10/2025

Sa ginanap na joint press conference ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Independent Commission for Infrastructure (ICI) ngayong Huwebes, Oktubre 9, inanunsyo ni ICI executive director Brian Keith Hosaka na binawasan nila ang project cost limits para sa district at regional offices ng kagawaran.

Mula sa orihinal na threshold na nasa P150 milyon, naging P75 milyon na lamang ang cost limit para sa district offices habang ibinaba sa P200 milyon ang cost limit ng regional offices mula sa orihinal na P400 milyon.

Ito umano ay upang makontrol ang procurement ng civil works ng DPWH at maiwasan ang korapsyon at pagnanakaw sa pera ng bayan.



Binatikos ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro si Sen. Alan Peter Cayetano hin...
09/10/2025

Binatikos ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro si Sen. Alan Peter Cayetano hinggil sa paglalahat umano ng huli kaugnay sa sinabi nito sa kanyang press conference nitong Miyerkules, Oktubre 8.

“Kasi pinapanood ko ‘yung September 21, I really believe every single person who went there—sincere, gusto ng pagbabago, transformation,” saad ni Cayetano.

Pinuna naman ito ni Castro: “Talaga ba? Eh ‘yung mga nagdala ng lighter, ‘yung nanunog ng truck… ‘yung nang-har@ss sa mga police doon sa Mendiola na naka-itim na mask? At mukhang sinusuportahan pa nung ibang mga kilalang mga abogado na nasa kabilang partido, what do you think of that?”

“Okay sayo ‘yon? Legal ba ‘yon? Lehitimo ba ‘yung agenda nila? ‘Wag mo lahatin,” dagdag pa niya.




KURAKOT IKULONG!Maging ang cheering squad ng Ateneo de Manila University (ADMU) ay nakiisa sa lumalaganap na anti-corrup...
09/10/2025

KURAKOT IKULONG!

Maging ang cheering squad ng Ateneo de Manila University (ADMU) ay nakiisa sa lumalaganap na anti-corruption sentiment ng mga mamamayan sa kanilang pagtatanghal sa breaktime ng UAAP Game sa pagitan ng ADMU at University of the Philippines (UP) na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City noong Miyerkules, Oktubre 8 ng gabi. (Photo courtesy of The Guidon/Chelsea May Tan-Facebook)



09/10/2025

BAGUIO SCHOOL AREA, NABULABOG SA LINDOL

Makikita sa CCTV footage ang pagyanig ng lupa sa Barangay Sto. Tomas School Area sa Baguio City dahil sa magnitude 4.8 earthquake na tumama sa Pugo, La Union ngayong Huwebes, Oktubre 9, ng umaga.

Sinuspinde ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang klase mula pre-school hanggang senior high school level sa mga paaralan sa siyudad, kasunod ng insidente. (Video courtesy of Hidenritch Ganase/Facebook)



Address

Makati
1221

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pilipinas Today posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Pilipinas Today:

Share