09/06/2026
Muling nagpalipad ng kanilang air asset ang Philippine Air Force para sa panibagong Rapid Damage and Need Analysis (RDANA) para masuportahan ang isinasagawang humanitarian assistance and disaster response (HADR) operations sa Sarangani Province at mga kalapit na areas sa Mindanao na itinuturing na hardest hit ng Magnitude 7.8 earthquake na yumanig sa Southern Mindanao na kumitil ng mahigit 30 katao.
Ayon ay Col. Ma. Christina Basco, PAF Spokesperson, muli nilang dineploy ang kanilang S-70i Black Hawk helicopter aircraft mula Tactical Operations Group 11 sa Davao City para magsagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) mission kasama ang mga tauhan ng Office of Civil Defense.
Ayon kay OCD Administrator, Undersecretary Harold Cabreros ang area ng Sarangani na lubhang naapektuhan ng malakas na lindol at nakapagtala ng malaking bilang ng casualties.
Sa huling datos na ibinahagi ni Usec. Cabreros kahapon ng umaga umakyat na sa 37 ang naitalang mula sa Region 11 at 12, habang 456 naman ang naitalang sugatan. Mahigit 19,000 ang naitalang apektadong pamilya mula sa Region XI at XII; mahigit 17,000 sa Region XII at mahigit 2,000 naman ang naitala sa Region XI.