19/07/2025
Laki ng pasalamat ko sa Diyos. na binigyan ng wisdom para hindi iboto c digongmonyo sa pagka-presidente. Atleast I don’t feel any guilt electing him into office. Bad karma nya yan.
Kasunod ng pagtanggi ng gobyerno ng Australia nitong Hunyo 27 na kupkupin si dating pangulong Rodrigo Duterte sakaling mapagbigyan ang hinihiling nitong interim release, napabalik-tanaw ang netizens sa kuwento ng Australian nun na saglit na ipinakulong ‘tsaka ipina-deport ni Duterte noong 2018 dahil sa pambabatikos sa kanyang war on drugs.
Ang madre, si Patricia Fox, ay 72 anyos nang arestuhin mula sa isang kumbento sa Quezon City noong Abril 16, 2018 ‘tsaka magdamag na nakulong sa detention facility ng Bureau of Immigration. Sa huli, kinansela ang missionary visa ni Fox hanggang tuluyang mapaalis sa Pilipinas noong Nobyembre 3 ng parehong taon.
Inakusahan si Fox ng Duterte administration ng pakikibahagi sa mga ilegal na kilos-protesta at pagpapahayag umano ng mga bagay laban sa gobyerno ng Pilipinas dahil sa pagpuna ng madre sa drug war.
Makalipas ang pitong taon, tinanggihan ng Australia na tanggapin si Duterte—ngayon ay 80 anyos na at nakakulong sa The Hague, Netherlands—sa kanilang bansa kaugnay ng interim release na hinihingi niya mula sa International Criminal Court (ICC).
Ayon sa Australia, hindi nito ikinonsiderang maging host country para kay Duterte, na nahaharap sa crimes against humanity dahil sa kanyang drug war—ang krimen na dating binabatikos ng kababayan nilang si Fox pitong taon na ang nakararaan.