
20/03/2025
BETERANONG BRODKASTER BINATIKOS SI PATROLMAN FONTILLAS SA KANYANG MGA MGA VLOGS
"Maghubad ka ng uniporme. Ang kapal ng apog mo. 'Yang unipormeng 'yan ay aming nirerespeto. Pero ikaw, hindi ka karespe- respeto," ayon sa beteranong radio broadcaster na si Mike Abe."
Marso 19, 2025 β Sa kanyang programa sa Radyo Publiko ngayong Miyerkules, matapang na pinuna ng beteranong brodkaster na si Mike Abe si Patrolman Francis Steve Fontillas, miyembro ng Quezon City Police District (QCPD), dahil sa mga vlog nitong kumukuwestiyon sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ayon kay Abe, mahalaga ang paggalang hindi lamang sa tao kundi lalo na sa uniporme na sumisimbolo sa institusyon. Aniya, "Dalawa dapat ang nirerespeto β 'yung tao, at uniporme. Pero sa akin, ang mahalaga ay uniporme kasi ang uniporme ay institusyon. 'Yung tao, tao lang."
Si Fontillas ay sinibak na sa puwesto habang iniimbestigahan ng National Police Commission (Napolcom) ang kanyang mga pro-Duterte vlog na itinuturing na pakikisangkot sa pulitika, isang gawaing mahigpit na ipinagbabawal sa Pambansang Pulisya. Ayon kay Napolcom Commissioner Ralph Calinisan, "He has used his social media for partisan political activity, in violation of the Primer on Personnel Decorum and the Code of Ethics of the PNP, among others. Worst, his posts are clearly malicious and criminal in nature as they are already inciting to sedition."
Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng pagsisikap ng mga awtoridad na mapanatili ang pagiging non-partisan at propesyonalismo sa hanay ng PNP, upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa institusyon.
Source: Pilipinas Today